Rochelle Pangilinan describes rumored suitor Arthur Solinap as her "pain reliever"

IMAGE 0


"Lumalabas-labas pa rin kami. Kailangan ko siyempre ng ano, pain reliever, ganun. Kada iyak mo sa Daisy Siete, dapat guminhawa ka agad," says Rochelle Pangilinan about Arthur Solinap.


Tahimik na ipinagdiwang ng SexBomb girl na si Rochelle Pangilinan ang nakarang Holy Week. Unlike last year kung saan lumikha ng malaking ingay ang nangyaring gulo sa mga kasamahan niya sa Boracay. (CLICK HERE to read related story.)

"Ang bilis ng panahon, 'no? One year na pala yun," sabi ni Rochelle sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano na ang nangyari sa kasong isinampa nila ng co-SexBomb girl niyang sina Aifah Medina at ang non-showbiz friend nilang si Michelle "Mitch" Villanueva laban sa non-showbiz guy na si Joshua Calixto Formentera na naka-engkuwentro nila sa Boracay?

"Sinabi po kasi sa amin ni Mitch, e, huwag daw muna kaming magsalita about that. So, mas maganda na tahimik na lang muna siya. Kasi ang alam ko, sine-settle na niya yun. Quiet na lang daw muna," sagot ni Rochelle.

Bumalik na ba siya ng Boracay pagkatapos ng gulo?

"Oo, nung Christmas."

Hindi siya nadala sa pagpunta sa Bora?

"Hindi, kasi ano naman, e...hindi naman talaga ako, e. A, natakot na lang ako. Tapos yun, parang ilag ka na lang diyan kapag may nag-iinuman. Huwag ka nang pupunta diyan. Kaya lang, ang daming nag-iinuman doon kaya lakad-lakad ka na lang. Kain ng burger, ganun ka na lang.

"Pero nung Holy Week, hindi ako nagpunta kasi masyado nang maraming tao. Nasa Malabon lang ako, nanood ng penitensya. 'Tsaka mabilis tumaas ang dagat doon!" biro ni Rochelle.

HOLY WEEK. Nag-participate ba siya sa senakulo sa Malabon?

"Hindi, e. Nandun lang naman kami, e. Ang pamilya namin laging nagpa-participate sa ano...meron kaming laging panata na namimigay ng itlog, juice, yung pakaridad [libreng pakain na inilalaan ng mga deboto para sa mga tao]."

Iwas-gulo talaga siya noong Holy Week?

"Hindi naman, kahit last year, e. Pinaandar ko pa rin siya ng ganun kaya lang umalis lang ako. 'Tsaka ano naman yun, e, hindi naman nangyayari ang isang bagay kung walang purpose. So, hinahanapan naman namin siya ng purpose. Kapag Holy Week, huwag kang lalabas. Manahimik sa bahay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba ni Rochelle ay dapt talagang mangilin tuwing Holy Week?

"Ako naman, kahit nasa ibang lugar, kahit kunwari sa Hong Kong, basta Friday, Holy Friday, church muna ako sa umaga bago mo gawin ang kung anu-ano. Basta kahit saan ako, ganun na 'ata talaga, e. Kasi laking ano ako, tatay ko nagpepenitensiya. Laki kaming Quiapo, e. Yung sinasampa ang mga anak nila tapos ipapahatid yung panyo o kahit ano," kuwento ng dancer-actress.

Marami raw kasing dapat ipagpasalamat si Rochelle sa Diyos. Kabilang na ang magandang takbo ng career niya sa showbiz.

"Monday, Wednesday, Friday, taping ako ng Daisy Siete. Tuesday, may Show Me Da Money. Saturday yung Diz Iz It. Tapos Sunday, Party Pilipinas. So, yung Thursday, yun ang bakante para sa rehearsal ng Diz Iz It at Party Pilipinas. Pero masaya," nakangiting sabi ni Rochelle.

PARTY PILIPINAS. Sobrang happy naman si Rochelle sa partisipasyon niya sa Party Pilipinas. Puring-puri niya ang choreographer ng show na si Fusion, na nagturo rin ng sayaw sa international stars gaya nina Beyonce at Justin Timberlake.

"Magaling magturo si Fusion," sambit ni Rochelle. "Kasi para mapasunod niya yung mga singing lang dati, ngayon dancing na rin."

Ano ang natutunan niya kay Fusion bukod sa magaling na talaga siyang sumayaw?

"Yung projection, emotion habang nagsasayaw. Kada pala isang bilang, may emotion. Dito iba, d'yan iba, may ganun. Kahit nakakasayaw na ako, may mga kailangan pa rin akong matutunan. 'Tsaka dapat ano, ang isang taong maraming pangarap, hindi dapat tumitigil para i-explore ang sarili niya. Para hindi rin kami kasawaan ng tao."

ARTHUR SOLINAP. Kumusta naman ang lovelife niya? Wala na kasing nabalitaan na boyfriend niya since na-link siya last year kay Arthur Solinap.

"Sinabi ko na yung schedule ko kanina, di ba?" natatawang sabi ni Rochelle.

Ano na ang nangyari sa kanila ni Arthur?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lumalabas-labas pa rin kami. Kailangan ko siyempre ng ano, pain reliever, ganun. Kada iyak mo sa Daisy Siete, dapat guminhawa ka agad."

"Pampaginhawa" niya si Arthur?

"Parang Arthur, mukhang sabon!" tawa niya ulit.

Mag-MU na ba sila?

"Hindi ko alam, e. Basta masaya ako."

Sa tingin niya hindi nanliligaw sa iba si Arthur?

"E, di manligaw siya," sagot ni Rochelle.

Okey lang sa kanya manligaw sa iba si Arthur?

"Oo," diin niya.

So, more than one year na sila?

"Hindi rin. Kung ano kami last year nung tinanong ninyo kami, ganun pa rin kami."

Pero nae-enjoy pa rin ba niya ang company ni Arthur kapag magkasama sila?

"In fairness naman. Nakaka-blooming, 'no!" natatawang sabi ni Rochelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN