Dolphy on TV5: "They treat me like a king talaga."

IMAGE 0


"Sa edad kong ito, ayaw ko nang mag-dream pa, e. Sa mga anak ko na lang, ang gusto ko mapaayos sila," says 82-year-old Comedy King Dolphy.


Nagsimula nang umere ang bagong programa ng King of Comedy na si Dolphy, ang Pidol's Wonderland, sa TV5 last Sunday, April 4. Ang anak niyang si Eric Quizon ang direktor ng sitcom at sa pilot episode ay lumabas ang iba pa niyang mga anak na sina Jeffrey Quizon at Vandolph, ang misis ni Vandolph na si Jenny, pati ang apo na si Baby VJ.

LEAVING ABS-CBN. Kumusta naman ang pag-alis niya sa ABS-CBN na naging tahanan niya ng matagal na panahon?

"We have to move on, okey lang," sabi ni Mang Dolphy sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero nami-miss ko yung set [ng ABS-CBN]. Mahal ko naman yung Dos, e. Wala naman kaming masamang tinapay."

Noong nalaman ng executives ng Kapamilya network na nasa TV5 na siya, hindi ba sila nag-counter-offer para hindi na siya lumipat ng istasyon?

"Hindi nga, e, wala ngang binibigay na lalabasan mo, e, magka-counter-offer pa?" natatawa niyang sabi. "Pero pinigilan ako ni Linggit [Tan, entertainment head ng ABS-CBN]. Sabi ko, 'Ano ba ang show ninyo?' Wala naman. 'Kako kung bibigyan ninyo ako ng show...kaso pumirma na ako, e, [sa TV5]."

Sa isang interview ni Mang Dolphy ay nabanggit niya na mahihiya siya na tanggapin kung sakaling alukin siya ng show ng GMA-7. Sa pangalan kasi niya isinunod ang Dolphy Theater tapos ay mapapanood siya sa Kapuso network. Pero anong nangyari at nakumbinsi siyang lumipat sa TV5?

"Sabi ko, hindi, nasa kanila yun. Kung gusto nilang alisin, priority nila yun, kanila 'yan, e. Ako naman, nandudun dahil may show. Dahil siyempre masakit din sa loob ko dahil ilang taon ako diyan. Nagsimula ako diyan 1963, yung tatay pa ni Gabby [Lopez], si Kapitan [Eugenio "Geny" Lopez].

"So, isipin mo hanggang inalis na nga nila ako, di ba? Tapos kinuha nila ulit ako nung panahon ni Gloria [Macapagal-Arroyo]. Tumagal na naman kami ng mga 14 years, 15 years. Siyempre ang kuwan nila, ang health ko raw," lahad ng Comedy King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay niya, matatagalan pa bago siya finally mag-retire sa showbiz?

"E, hangga't may napipiga pang lakas," sagot ni Mang Dolphy. "Actually, noon ko pa gustong mag-retire. Pero hinahanap din ng katawan mo. Pinagre-retire ka na, tatlong taon ako naka-retire, e, guesting-guesting lang, di ba, sa Dos?"

Ang huling narinig na project na gagawin ni Mang Dolphy sa ABS-CBN ay ang Utoy na pagsasamahan nila ni Makisig Morales. Ano ang nangyari rito?

"Binigyan nga ninyo ako ng project, na-cancel pa!" sabay tawa ni Mang Dolphy. "For three years, wala akong trabaho. Okey naman, kahit papa'no naka-survive. Meron naman akong labas, e. Nakakapaglabas ako abroad. Wala namang problema. Nagpe-personal appearances kami, e."

Totoo ba na kahit wala siyang ginagawang show sa ABS-CBN ay may allowance pa rin na ibinigay sa kanya?

"Nung una [meron], pero hindi maganda, e. Nung unang taon, oo. Pero naubos na yun, e. Tapos na, e. Wala pa rin akong project. Pa-guesting-guesting lang. Masama man sa loob ko, pero I have to move on. My baby needs a pair of shoes!" tawa ni Mang Dolphy.

MOVING TO TV5. Masaya ba siya sa paglipat niya sa TV5?

"Masaya naman ako," sagot niya. "Basta, maganda naman ang paalamanan. Nag-lunch kami. Hanggang maghapon kami nagkuwentuhan nina Charo [Santos-Concio], sina Gabby Lopez, lahat ng top brass doon. Humingi lang ako ng blessing sa kanila.

"Ngayon... Ako, hindi ko na iniintindi ang future ko. Alam ninyo naman sa edad kong 'to, hindi na ako nag-iintindi ng future. Mag-e-82 na ako, mag-iintindi pa ako ng future? Kaya nga sabi ko nga, ini-squeeze ko pa kung puwede."

Pero gaano ba talaga kaganda ang offer ng TV5 sa kanya?

"Okey naman. Ayos naman. They treat me like a king talaga," sagot ni Mang Dolphy.

How true na "times five" daw ang offer na talent fee sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, hindi totoo!" natatawa niyang sabi.

Ilang taon ang pinirmahan niyang kontrata sa TV5?

"Well, depende kung very successful, e, di sige. Actually, six [months] to one [year]. Hindi naman ako puwedeng magtagal, sa edad kong 'to? Para sa akin kasi, gusto ko na lang magpahinga talaga, e. Lalabas na lang ako kung kailan ko gusto."

Ano pa ba ang dream ng Comedy King at his age right now?

"Wala na. Ayoko nang mag-dream pa, e. Sabi ko nga, sa edad kong ito, ayaw ko nang mag-dream pa, e. Sa mga anak ko na lang, ang gusto ko mapaayos sila."

ZSA ZSA PADILLA. Hindi ba siya pinigilan ng partner niyang si Zsa Zsa Padilla, na isa sa hosts ng ASAP XV sa ABS-CBN, sa kanyang paglipat sa TV5?

"A, hindi naman. Hindi naman nakikialam sa akin si Zsa Zsa. Maski siya, hindi ko siya pinipigilan, hindi ko siya pinapakialaman," sabi ni Mang Dolphy.

Yayayain ba niya si Zsa Zsa na sumunod sa kanya sa TV5?

"Hindi," sagot ni Mang Dolphy. "Kung gusto niya sa Dos, wala naman akong pakialam doon, e. Gusto niya doon."

On a more personal level, gusto pa ba niyang magka-baby?

"A, hindi na ako magkaka-baby. Imposible na yun. Kumbaga sa mens [menstruation], e, kulay tingga na ang mens ko!" tawa niya.

Wala na siyang sex life?

"Ay, sex life meron!" bulalas ni Mang Dolphy. "Pero hindi na magkakaanak. Pero minsan-minsan na lang. May anghang pa naman. Kaya lang, hindi na kamukha ng dati na para kang manyak. Para kang adik!"

Malalaki na ang mga anak nila ni Zsa Zsa na sina Nicole at Zia. Mahigpit ba siyang daddy sa kanyang mga bunso?

"Oo nga, e, may mga boyfriend na. Hindi naman ako mahigpit sa kanila. Kaya lang, sinasabi ko sa kanila huwag kang magpapabuntis. Maski naman pigilan mo pag gusto, wala kang magagawa. Yung iba nga diyan, binabantayan pa ng nanay at tatay," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ELECTION TIME. Naiipit din si Mang Dolphy sa kanyang mga kaibigan na taga-showbiz na tumatakbo ngayong May 2010 elections dahil sa pag-e-endorse niya kay Senator Manny Villar, na tumatakbong Presidente.

"Humingi na ako ng tawad sa kanila, di ba, on the air? Sabi ko, kaibigan ko lahat 'yan. Patawarin nila ako. Hindi naman maaaring i-endorse ko silang lahat. Basta ako, nasa loob ko na kung sino ang puwedeng Presidente," sabi ng Comedy King.

Iniintriga si Dolphy na kaya si Sen. Villar ang pinili niya na ikampanya ay dahil sa malaking halaga na ibinayad sa kanya. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi, walang bayad 'yan. Basta ang bawi ko na lang diyan, kung mananalo siya."

Anong bawi naman ang gagawin niya kapag nanalong Presidente si Sen. Villar?

"Marami siyang bahay at lupa! Baka ma-arbor ko yung C5!" tawa ni Mang Dolphy.

Pero aniya, seryoso na, "Hindi naman, basta okey siya sa akin. Naging close kami nung mag-anak [si Sen. Villar sa kasal] kay Vandolph. Pinag-usapan namin yung National Artist. Maganda ang ugali niya."

Hindi ba siya niyaya ng kampo ni Sen. Villar na sumama sa campaign sorties nito all over the Philippines?

"A, hindi. Hindi ko na kaya. Sinabi ko, hindi ko na kaya yung mga ganun. Yung [TV ad] commercial na ginawa ko sa kanya, isang beses lang yun. Ngayon nakikiusap sila sa proclamation, sabi ko sige.

"Wala ring bayad yun [TV ad campaign]. Basta proclamation 'tsaka yung miting de avance, wala, walang bayad yun. Pero kung kukunin ninyo ako sa campaign, babayaran na ninyo ako niyan. Labas na 'yan, e," saad ni Mang Dolphy.

Pero may balita na namimigay raw talaga ng bahay si Sen. Villar sa mga kinukuha niyang endorser?

"Wala, walang binibigay sa akin. Pagkatapos sana manalo—kapag manalo," diin ng Comedy King.

Paano kung hindi manalo?

"E, di pasensiya. Pasensya na, sinugal mo. Sugal yun, e. Maski siya nagsugal din siya, e. Hindi natin alam kung mananalo ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahirap daw paniwalaan na wala siyang tinanggap na halaga sa pag-e-endorse niya kay Sen. Villar?

"E, di bahala silang mag-isip," sagot niya. "Ganun din naman kay Ronnie [Fernando Poe Jr.]. Maski nung bini-buildup ko si Erap [Joseph Estrada] noon, wala akong hininging bayad."

Nagkausap ba sila ni Kris Aquino? Si Kris ang bunsong kapatid ni Senator Noynoy Aquino, na tumatakbo rin bilang Presidente.

"Siyempre, pero wala naman akong magagawa doon. Hindi ko naman kakilala si Noynoy, e. Si Kris ang kakilala ko," sabi niya.

Hindi ba lumapit sa kanya si Kris para hingin ang kanyang suporta kay Noynoy?

"Hindi na siya nakalapit dahil alam na niya kay Villar ako. Pero kahit maaga siya...ewan ko lang. Ayoko nang magsalita. Basta sa aking palagay, e, mas magandang Presidente si..."

Malaki raw ang kinalaman ni Willie Revillame sa page-endorse niya kay Sen. Villar. Totoo ba ito?

"Ay, hindi, hindi," tanggi ni Mang Dolphy. "Basta lumapit siya [Willie] sa akin kung puwede raw ako mag-Villar. Sabi ko, sige. Bilib naman ako d'yan. Maski nung nag-show pa kami nung birthday ko doon, nagkasama kami nina Villar noon."

Si Loren Legarda rin ba na kaalyansa ni Sen. Villar ang iboboto niyang Vice President?

"Ay, hindi na ako magsasalita diyan. Quiet na muna ako," iwas ni Mang Dolphy. "Basta ako doon sa ilalagay ko, bahala na ako. Siyempre kapag kinuha mo si Villar, nandudun din si Loren... Basta bahala na ako sa botohan kung ano ang ilalagay ko. Maski sa mga senador. Maski kayo, iba-iba rin ang iboboto. Yung mga anak ko rin, may Marcos, may Cory [Aquino]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN