Gladys Reyes overjoyed with unexpected third pregnancy

IMAGE 0


"Pag-uwi namin galing sa Batangas, hindi ako makagulapay. Buong araw ako halos na nakahiga. Iniisip ko, baka napagod lang. Pero duda na rin ako kasi nasusuka, nahihilo, masakit ang ulo ko the whole day. 'Tapos, noong March hindi na ako dinatnan ng monthly period kaya sabi ko kay Chris, parang duda na 'ko. Noong mag-pregnancy test ako... Pagtingin ko, sobrang linaw ng dalawang lines!" narrates Gladys Reyes.


Unexpected man, masayang-masaya pa rin ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas sa sorpresang magkakaroon na sila ng ikatlong bundle of joy. Positibo ngang nagdadalang-tao muli si Gladys sa kanilang third baby ni Christopher.

"Medyo unexpected, although kami ni Christopher, gusto rin namin talaga na yung age gap, yung kagaya ng nangyayari ngayon. Kasi si Aquisha, magtu-two years old na at ako naman, turning 33 na rin. E, sabi ko talaga, sana by the age of 35, hindi na ako mag-aanak, stop na. So, sana nga kambal na ang ipinagbubuntis ko ngayon para isang anakan na lang!" natatawang kuwento ni Gladys nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone.

May chance naman daw na magkaroon sila ng anak na kambal dahil may lahi raw sa pamilya nila Christopher ng kambal.

"Ate na si Aquisha!" sambit pa ni Gladys.

THE DISCOVERY. Nasa six weeks na raw ang ipinagbubuntis ni Gladys ngayon. Nalaman daw niyang buntis siya noong Black Saturday, April 3, sa pamamagitan ng home pregnancy test pagkatapos ng pagbabakasyon nila sa Batangas. Naghinala na raw siya dahil nararamdaman niyang muli ang signs ng pagbubuntis tulad sa dalawa niyang nauna.

Kuwento niya, "Galing kaming out of town sa Batangas. Ini-invite kami ni Emilio Garcia, may private resort sila sa Canyon Cove. Kasama rin namin si Wowie de Guzman. Pag-uwi namin galing sa Batangas, hindi ako makagulapay. Buong araw ako halos na nakahiga. Iniisip ko, baka napagod lang. Pero duda na rin ako kasi nasusuka, nahihilo, masakit ang ulo ko the whole day. 'Tapos, noong March hindi na ako dinatnan ng monthly period kaya sabi ko kay Chris, parang duda na 'ko. Noong mag-pregnancy test ako... Pagtingin ko, sobrang linaw ng dalawang lines!"

Kaya raw medyo unexpected ang pagbubuntis niyang muli ay naging polycystic siya after niyang manganak kay Aquisha.

"Yung right ovary ko, nakitang naging polycystic siya. Kapag ganun, sabi ng OB, medyo mahihirapang magbuntis. Nagpa-check-up ako, nagpa-ultrasound kasi tapos na akong mag-breast feed. Pero may one year yata akong hindi pa rin nagkakaroon ng monthly period. So yun, nakita nga na polycystic ako," lahad ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHRISTOPHER'S DELIGHT. Naging emosyunal naman daw si Christopher nang malamang magiging daddy itong muli for the third time.

"Grabe si Christopher!" bulalas ni Gladys. "Nang malaman niya, ang naging reaction niya, naiyak pa rin siya! Parang first-time dad. Siguro kasi, naiisip din niya na baka hindi na nga masundan si Aquisha. Pag si Christopher, ideally, gusto sana niya apat. Siyempre, ayaw rin naman niya na dalawa lang kung sakali.

"At itong asawa ko," patuloy niya, "sa sobrang excitement—sabi ko nga parang first-time dad—nag-text na agad kay Ryan [Agoncillo], kay Wowie, sa ibang mga friends. Plano ko sana hindi ko muna ipagkakalat kasi nga, hindi pa naman kami nagpapa-ultrasound. Kapag sure na sure na, may heartbeat na.

"E, kaso, baka malaman ni Juday [Judy Ann Santos]. Bakit yung iba alam na, siya hindi ko pa sinasabihan. Baka magtampo. So, nag-text na rin ako sa kanya, kaya tawa nang tawa."

BFF MOMS. Magkapareho raw sila ng ob-gyne ni Juday, na three months pregnant naman sa kanilang first baby ni Ryan. Si Gladys ang nag-refer ng kanyang OB sa kaibigan.

"Iisa lang ang OB namin, si Dra. Florendo. Tawa siya nang tawa at sabi nga niya, 'Mag-best friend talaga kayong dalawa.' Kasi, hayan sabay rin kaming nagbuntis. Una lang siya ng isang buwan yata.

"Kaya ngayon kami ni Juday, mas comparing notes kami. Pero sa aming dalawa, mas maselan pa yata ako. Si Juday, ang sabi niya, apat na beses pa lang daw yata siyang nagsuka. Feeling ko, tulad ako noong nagbuntis kay Christophe [her firstborn] ngayon. Ganun yata kapag boy."

Pero siyempre, hindi pa naman nila alam ang gender ng third baby nila. Pero kahit anuman daw ito ay okey sa kanilang mag-asawa.

Kuwento pa ni Gladys, "Noong last taping namin ng Habang May Buhay, nag-request si Juday sa daddy ko na magluto ng macaroni soup. Grabe, nataob yata namin yung isang kaldero, ang bilis naubos!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, kinukuwento ko sa kanya na by the age of 35, gusto ko, bonding-bonding na lang sa mga anak. And at the age of 48, may debutante na ako! So, sabi nga namin, kapag parehong girl yung naging anak namin, Mara Clara na lang ang pangalan!" (Mara Clara ang title ng unang soap opera na pinagsamahan nina Gladys at Juday).

STILL WORKING. Hanggang ngayon ay isa pa rin sa judge ng Showtime si Gladys dahil hindi pa siya nabu-vote out. Hindi pa raw niya alam sa manager niyang si Lolit Solis kung ano ang magiging follow-up project niya pagkatapos ng Habang May Buhay. Pero ang alam daw niya, magkakaroon ng out-of-the country shows ang Showtime sa June sa Milan, Rome, at U.K.

Umaasa si Gladys na kahit nagdadalang-tao siya ay makakaya pa rin niyang makasama sa shows nila abroad.

Natutuwa rin si Gladys na kahit mas madalas siyang napapanood sa ABS-CBN ngayon, nandiyan pa rin ang show niya sa QTV 11 at sa Net 25 na Moments. Proud din si Gladys na sa Saturday, April 10, ang special guest niya sa Moments ay ang Megastar na si Sharon Cuneta.

"Siyempre, nag-talent coordinator na naman ako sa show ko, di ba? Ako mismo ang nag-invite kay Ate Shawie and sobrang touched naman ako dahil napaunlakan niya ang aking imbitasyon," sabi ni Gladys.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN