Carl Guevara: "Nagpa-manage ako kay Perry [Lansigan] para magtrabaho, hindi naman para magka-girlfriend."

IMAGE 0


"Mas happy ako na single ngayon. Nagagawa ko lahat ng gusto ko. Wala akong iniisip. Gusto ko munang isipin lang puro trabaho. At saka kasi, feeling ko, kapag meron akong relationship, mas napo-focus ako dun. Pero ngayon, mas ang focus ko lang talaga, sa trabaho ko," says Carl Guevara.


Humarap ang hunky actor na si Carl Guevara sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited press people kahapon, April 6, para sa launch ng April 2010 issue ng Men's Health kung saan siya ang nasa cover. Kasama ni Carl na humarap sa presscon—na ginanap sa Eivissa Super Club sa Tomas Morato—ang editor-in-chief ng Men's Health na si Agu Paiso.

"Sinorpresa ako ng manager ko, si Perry Lansigan, na magko-cover daw ako ng Men's Health. Siyempre, si Perry yung isa sa dahilan kaya naging cover din ako dito. Sinabihan niya akong mag-prepare kaya pinaghandaan ko ito ng three weeks. Yung shoot nito, January. After ng Christmas, nagkakain ako and then, ilang days, shoot na. Kaya nag-diet ako in three weeks. Pinaghirapan kong talaga na diet and exercise...more on boxing talaga," kuwento ni Carl tungkol sa kanyang paghahanda para sa pictorial.

May trainer din siya at ito mismo ang nagsabing kailangan niyang mag-lose ng weight. From 160 lbs ay bumaba raw siya ng 155 lbs.

"Mabilis kasi akong mag-lose ng weight, mabilis din akong mag-gain kaya nalalaro-laro ko na rin yung weight ko," banggit ng model turned actor.

According to Carl, being on the cover of Men's Health is one of his wishes come true.

"Isa sa dream ko 'yan, e, ang maging cover ng Men's Health," sabi niya. "Kasi, nakikita ko rin naman ang mga nagiging cover diyan, siyempre meron talagang story na maganda. 'Tapos, sinabi sa akin ng editor-in-chief ng Men's Health na nagustuhan din daw nila yung kuwento ng buhay ko.

"Ever since na bata ako, talagang mataba ako hanggang sa dumating sa 16 years old ako na biggest weight ko, nag-230 pounds ako that time. Yun ang pinakamabigat kong timbang. Then, noong 17 ako, nag-diet ako. From 230, bumaba ako ng 148 pounds."

Iyon ang time na sumali siya sa Be Bench, ang model search ng Bench.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sumakto lang talaga siya sa Be Bench na, ayun nga, pumayat na ako," sabi ng 20-year-old model-actor.

How was his pictorial for Men's Health?

"Sobrang pressured at saka talagang hindi ako makapaniwala. Ito rin ang first magazine cover ko. Isa rin ito sa dream ko—ang makapag-cover ng magazine. Sa billboard, isa rin sa dream ko, nagkaroon na ako. Sa magazine, wala pa. Tapos Men's Health pa ang first. So, talagang nakakatuwa."

CAREER IN BLOOM. Masaya si Carl sa lahat ng mga nangyayari sa kanyang showbiz career.

"Oo naman!" sambit niya. "Talagang may nagga-guide sa career ko. May nag-aalaga at saka parang may patutunguhan. Nag-pictorial na rin ako for Bench OJ jeans nila na lalabas din ngayong April. And then, magte-taping na rin ako ng The Last Prince."

Papasok si Carl sa The Last Prince bilang ka-love triangle nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Magtatapos na rin ang Dear Friend episode nila ni Jennica Garcia na "My Stalking Heart."

"Tapos na yung taping namin, pero after that, nagkaroon pa kami ng chance na lumabas, parang bonding lang. Masaya. Pero ngayon, wala na rin kaming communication ni Jennica, usually sa Facebook na lang," saad ni Carl.

BREAKUP WITH DAIANA. Pagdating naman sa lovelife, wala pa raw nagiging karelasyon o nililigawan man lang si Carl after his relationship with Brazilian TV personality Daiana Menezes. Pero nakapag-move on na nga ba siya talaga?

"Kami ni Diana? Wala na talaga," nakangiti niyang sabi. "Pero noong pinalabas ang Dear Friend, nag-text siya sa akin, nag-congratulate. Happy raw siya. Kasi, siya naman talaga ang parang nag-suggest na si Perry nga ang kuhanin ko [na manager]. So, natuwa rin ako na nag-text siya."

Pero ngayon daw ay na-realize lalo ni Carl na tama ang naging desisyon nila na maghiwalay.

"Naka-move on na ako. Naka-move on na siya. Mukhang happy na happy na siya. Tapos ako, happy naman ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware ba siya na sina Daiana at Sam YG na raw?

"Sinasabi nila na sila na nga raw. Pero siguro naman, wala naman akong karapatan na magtanong sa kanya. Basta ako, kung nakikita ko siyang happy, happy na rin ako. Mabait naman siya, e."

Nagkaroon na rin daw ng pagkakataon na mag-krus ang landas nila ni Daiana sa GMA-7 at hindi naman sila nag-iwasan. In fact, nagbatian pa nga raw sila.

Kung si Daiana ay may nababalitang bagong karelasyon, si Carl naman ay single pa rin.

"Wala, e, single pa. Pero kusang darating naman yun, e," nakangiti niyang sabi.

Wala pa ba siyang nakikitang puwedeng ligawan?

"Ang daming maganda sa GMA. Sa SOP na lang [noon], ang daming maganda—sina Heart [Evangelista], sina Rhian [Ramos]...ang daming maganda, e. Pero siyempre, ang sa akin naman, paghanga lang."

Dagdag ni Carl, "Mas happy ako na single ngayon. Nagagawa ko lahat ng gusto ko. Wala akong iniisip. Gusto ko munang isipin lang puro trabaho. At saka kasi, feeling ko, kapag meron akong relationship, mas napo-focus ako dun. Pero ngayon, mas ang focus ko lang talaga, sa trabaho ko.

"Kapag sinabi ni Perry na mag-diet ka, talagang diet lang. E, feeling ko, kapag in love ako, mas tumataba pa ako!" tawa niya.

Hindi pa ba niya napi-feel ang need to have a partner?

"Minsan, naiisip ko. Pero parang nagpa-manage ako kay Perry para magtrabaho, hindi naman para magka-girlfriend," sagot ni Carl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN