Matteo Guidicelli working very hard to perfect his Tagalog

IMAGE 0


"Sa car racing kasi, dapat lagi kang naka-focus. Parang ganoon din dapat sa pag-aartista. Kung gusto mong matuto, may paraan, makukuha mo ang gusto mo. Yun lang ang sinunod ko," says Matteo Guidicelli.


Isa si Michael Schumacher sa mga hinahangaang car racers sa mundo ng car racer turned actor Matteo Guidecelli. Ayon kay Matteo, matanda na raw si Schumacher pero talagang naka-focus kaya hanggang ngayon ay nangangarera pa rin. Naghahangad siya na maging katulad ni Schumacher balang araw.

"Pero, mukhang hindi na ako tatagal sa car racing," says Matteo, groping for Tagalog words to suit the conversation. "It's not because ayaw na ng parents ko, it's just that ito nang pag-aartista ang gusto ko."

Naturuan daw siyang idisiplina ang sarili sa pamamagitan ng car racing. Gumanda ang kanyang physique at sa pagbabalik niya sa Agua Bendita, marami talaga ang nagugulat. Bukod pa sa humusay siya sa pagsalita ng Tagalog.

"Sa car racing kasi, dapat lagi kang naka-focus," sabi ni Matteo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Parang ganoon din dapat sa pag-aartista. Kung gusto mong matuto, may paraan, makukuha mo ang gusto mo. Yun lang ang sinunod ko,"

AGUA BENDITA. Amazed naman si Matteo sa magandang feedback sa paglabas ng characters nila nina Andi Eigenmann at Jason Abalos sa top-rating fantaserye ng ABS-CBN na Agua Bendita. Hindi naman naapektuhan ng mas lumaking exposure ng mga young star dito ang rating ng teleserye.

"So far, so good, we're very happy," sambit niya. "Noon kasing parang na-delay yung labas namin, we were able to work harder on our characters. Pinag-isipan pa namin nang husto. Nagkaroon kami ng time na panoorin muna ang show na wala kami, tingnan what's really going on. We're really studying.

"Okey na rin ang Tagalog ko, pero hindi pa perfect. Hanggang ngayon naman, nahihirapan pa rin ako sa Tagalog. Yung isang PA [personal assistant] ko, salita niya, puro Tagalog lang, sa kanya ako natuto.

"Dati kasi, mga PA ko, mga Cebuano, kaya hindi ko rin maintindihan ang Tagalog nila. Ngayon, ang lagi kong kausap na PA, Tagalog palagi ang salita!" natatawang sabi ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol sa pamilya ang istorya ng Agua Bendita kaya dapat na matutukan ng mga manonood, aniya.

"It's about love and life, especially sa character ko. Motivated ako diyan ng love. But it's not just the physical, it's the inside of the person," dagdag ni Matteo.

Si Xyriel Anne Manabay bilang batang Agua Bendita ang nababad sa unang part ng teleserye. Ano ang comment ni Matteo rito na halos ninakawan na sila ng exposure ng child actress?

"I met the kid already, nag-guest din 'yan sa ASAP XV dati, and sobrang cute niya," sabi ni Matteo. "She always makes jokes around. My gosh, bata 'yan! She's very good and talented. God bless ABS-CBN 'cause the kid is also doing good."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN