Gretchen Barretto on sister Claudine: "Magkapatid kami. Hindi kami dapat pag-awayin."

IMAGE 0


"For me kasi, hindi negative na magkatapat kami. For me it's more a positive thing kasi magkapatid kami. Dalawa kaming Barretto at we will dominate the 8:30's slot this Saturday. So, kung ako yun, parang wow, proud ako. Kung ako yung magulang ng dalawang magpapalabas sa two biggest stations, aba, siyempre proud ako," says Gretchen Barretto about the simultaneous airing of her Maalaala Mo Kaya episode and the pilot episode of Claudine's dr


Masaya ang mood ni Gretchen Barreto nang humarap siya sa press people sa paglulunsad sa kanya bilang endorser ng Glutamax Lightening Soap with Glutathione sa Eastwood City kagabi, April 7. Pero hindi naging maganda ang pagtatapos nito dahil sa pag-walkout bigla ni Gretchen nang matanong sa kanya ang tungkol sa kapatid niyang si Claudine Barretto.

TELESERYE WITH DEREK. Sa simula ay tumatawa pa niyang ikinuwento ang ginagawa nilang teleserye ni Derek Ramsay sa ABS-CBN titled Magkaribal, kung saan kasama rin nila si Bea Alonzo.

"So far, kumportable na kami sa isa't isa. May konting hiyaan but more than anything, maraming excitement," sabi ni Gretchen.

Dagdag niya, "Meron kaming love scene na kinunan at naging mabuti yun para sa amin kasi parang na-break yung nagkakahiyaan... Kasi ang gulo ng mga tao sa studio, tuksuhan nang tuksuhan. Pero parang ang dami yatang love scene, nabasa ko sa script."

Ready na ba siyang ma-link kay Derek?

"Para sa akin...nandito ako para sa trabaho. Matagal kong hinihintay itong teleserye na ito. Ayaw kong masira dahil sa love-love na 'yan or sa mga intriga o tuksuhan. Kailangan maging professional," saad niya.

Kung wala si Angelica Panganiban, posible bang ma-in love siya kay Derek, lalo na kung single pa siya?

"Eto na lang ang sasabihin ko, posible ba sa isang babae na hindi ma-in love kay Derek, di ba? Bata siya, magaling na aktor, mabait, sexy. Masuwerte silang pareho dahil maganda si Angelica, sikat siya. Si Derek ganoon din. Pero merong Angelica kaya 'wag na tayong mangarap!" natatawang sabi ni Gretchen.

Di ba lumabas ang balita na pinagselosan siya ni Angelica?

"Alam mo ang show business, alam mo naman kung anu-ano ang lumalabas, so hindi na tayo kailangang mag-worry," aniya.


GRETCHEN ON CLAUDINE. Pagkatapos nito ay napunta ang usapan sa episode na ginawa niya para sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Last year ay pinarangalan siya ng Star Awards for TV bilang Best Actress dahil sa pagganap niya bilang kerida ng isang pulitiko (played by Phillip Salvador) sa MMK. Kaya mas mataas ngayon ang expectation ng mga tao na manonood sa kanya sa MMK ngayong Sabado, April 10, kung saan si Jomari Yllana naman ang kasama niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para n'yo naman akong tinakot!" sambit ni Gretchen. "In the beginning, sabi nila tanggapin mo ito because, yun na nga, acting vehicle. Hindi ko maide-deny na na-pressure ako. So, pagkatapos nung nagdasal ako at sabi ko, kailangang tanggalin ko sa utak ko yung award-award na 'yan. Ang ilagay ko, kailangang gampanan ko ang role bilang Maria, hindi ako si Gretchen, wala akong award na kailangang tanggapin, gagawin ko ito para mapaligaya ang mga manonood ng MMK episode. Yun ang inisip ko. Yun ang responsibilidad ko bilang aktor at sa tao."

Dito na dumako ang usapan tungkol sa kapatid niyang si Claudine Barretto. Hiningi kasi ng press ang reaksiyon ni Gretchen dahil hindi raw sila nagkakausap ngayon ni Claudine at magtatapat pa ang mga programa nila sa Sabado. Sa April 10 din kasi ang pilot episode ng drama anthology ni Claudine sa GMA-7 at mukhang makakatapat nito ang MMK episode ni Gretchen.

"Actually, oo... Anong sabi? Wala akong alam!" natatawa pang sabi ni Gretchen. "Ako po ay isang aktor at isa pong bagong Kapamilya. Hindi po ako nagde-demand sa ABS kung kailan ipapalabas, kung saan ako kukunin na programa.

"Ako naman...in-offer sa aking manager na si Boy Abunda tapos ipi-present sa akin ni Boy. Hindi ko alam kung ano ang makakatapat kong show sa ibang istasyon. Alam n'yo naman yun. Bilang aktor, wala naman talaga akong control diyan. So, wala ho akong intensiyong manakit or manakit sa ibang tao. Ako naman, alam n'yo naman ako, buhay ko ito, e—yung pag-aartista, yun lang ang ginagawa ko.

"Parang na-sad ako ngayon sa narinig ko," patuloy niya. "Pero hindi ko naman alam kung totoo nga 'yan or what, e. Hindi ko naman talaga alam kung sino o ano yung katapat."

Kung pamimiliin siya, tatapatan ba niya yung show ni Claudine?

"Kasi bilang artista, hindi ko naman...wala akong control diyan, e. Sila naman ang nagsasabi kung kailan lalabas. Parang yung teleserye ko, pag itineyp ko, hindi ko alam kung kailan lalabas. When they said, kunwari May or June, hindi ko alam kung sino ang katapat, nagkataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me kasi, hindi negative na magkatapat kami. For me it's more a positive thing kasi magkapatid kami. Dalawa kaming Barretto at we will dominate the 8:30's slot this Saturday. So, kung ako yun, parang wow, proud ako. Kung ako yung magulang ng dalawang magpapalabas sa two biggest stations, aba, siyempre proud ako," saad ni Gretchen.

Pero hindi raw masaya ang parents nila sa tapatang ito? Sa hiwalay kasing panayam ni Claudine ay sinabi nitong nasasaktan ang ama nila dahil sa magaganap na tapatan ng mga programa nilang magkapatid. (CLICK HERE to read related story.)

"You know what...ganito na lang kasi. I'm here for a very happy occasion. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Wala naman akong intensiyong makasakit kahit kaninong damdamin, so I don't want... You know, nandito ako to endorse my ad. Yun, ayaw kong makasakit ng tao.

"Bago ako mag-comment, gusto kong marinig sa taong involved. I'm here in the business para magtrabaho, para gawing happy ang mga tao. I'm here to work for Glutamax, sana tigilan na natin yung intriga," pakiusap niya.

Okey na ba sila ni Claudine?

"I don't wanna answer anymore. Thank you," iwas niya.

Pero may humirit pa rin ng tanong: Sabi ni Claudine, nami-miss ka na raw niya?

"Nami-miss ko na rin siya," sagot ni Gretchen.

"Parang ano...how sad naman na yung interview started so happy tapos parang I'm, you know, disappointed that people can be so happy about it. Magkapatid kami. Hindi kami dapat pag-awayin. Nasasaktan ako na, you know, this started a happy affair....and then... Ayoko na!" umiiyak nang sabi ni Gretchen sabay tayo at iniwan na ang mga press people.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN