Singer Ronnie Liang is moving on after his ouster from ASAP

IMAGE 0


"Siyempre, tao lang tayo. Isa sa pinakamasakit sa isang tao ang matanggalan ka ng trabaho, ng regular show. Pero it's part of life and we have to accept it. Atsaka nangyayari 'yon sa lahat at, 'yon nga, wala naman talagang permanente dito sa mundo," says Ronnie Liang philosophically about his ouster from ABS-CBN musical-variety show ASAP

.


Bago pa lumipat sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go sa Party Pilipinas, nauna nang nawala sa ASAP ang singer na si Ronnie Liang.

"Tagal na...one month and two weeks na," banggit ni Ronnie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ang alam ko kasi, nagkaroon ng rotation. So from regular every Sunday, naging semi-regular ako, naging twice a month, and then naging once a month. Noong ganun na, napi-feel ko na yun na siguro matatanggal na ako, tatanggalin na yata ako. Hanggang ayun, natanggal na nga."

Anong reason ang ibinigay sa kanyang pagkakatanggal sa show?

"Ang sinabi lang nila na dahil...because of, you know, nagkaroon ng parang nagka-cut sila ng expenses, ng budget, and talagang binabawasan nila yung artists sa ASAP. Kasi sobrang dami nga naman talaga. So, ayun," saad ni Ronnie.

Ano ang naramdaman niya sa pagkakaalis niya sa ASAP?

"Well, siyempre ganun naman talaga ang buhay, hindi mo naman...wala namang permanent talaga dito sa mundong ito, e. Of course, siyempre aminin natin... Of course, tao lang tayo na may nararamdaman rin tayo, nalulungkot ka din siyempre."

Nasaktan ba siya?

"Siyempre, nasaktan ka din at saka parang nami-miss mo din yung mga dati, yung mga kasamahan mo dun, yung mga katrabaho mo, na 'andun ka sa ASAP every Sunday, ganun.

Matagal rin kasing nasa ASAP si Ronnie.

"Almost four years, or three years or more akong nag-ASAP," sabi ni Ronnie, na runner-up sa reality-based singing search ng ABS-CBN, Pinoy Dream Academy.

MARK & RACHELLE. Ano naman ang reaksiyon ni Ronnie sa pag-alis ni Mark Bautista sa ASAP at paglipat nito Party Pilipinas ng GMA-7?

"Unang-una, noong umalis siya, siyempre hindi ako makapaniwala kasi nga bakit siya aalis, e, every Sunday naman siya. Atsaka maganda naman yung exposure niya. Pero yun nga, that's business, e. And sabi nga sa mga news na nabasa ko, na mas malaki daw ang bayad or yung offer sa kanya kaya siya lumipat. And I think it's a...career move yun, e. And, siyempre, 'yon din ang desisyon ng manager niya and siguro, siya din, I believe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat daw si Ronnie sa paglipat ni Mark sa kabilang network.

"Oo, nagulat ako dahil talagang ever since naman... Ang tagal na ni Mark sa ASAP. Nag-aaral pa lang ako ng college, 'andun na siya, pinapanood ko siya. At every Sunday siya hanggang bago siya lumipat, and hindi nga pumasok sa isip ko na lilipat siya. Kasi nga, every Sunday atsaka talagang maganda ang treatment sa kanya doon. I mean, mas maganda yung binibigay na exposure sa kanya."

Ano naman ang masasabi niya na maging si Rachelle Ann Go ay lumipat at mapapanood na rin sa Party Pilipinas?

"Well, sabi nga, meron namang sariling choice ang bawat tao, may sariling... I mean in terms of decisions, it's her decision and wala rin naman tayong magagawa kung gusto nilang lumipat. Iyon nga lang sa akin, at least may work, iyon ang importante," sabi ni Ronnie.

RONNIE'S CAREER MOVE. Ano naman ang desisyon niya ngayon pagdating sa kanyang career?

"Well, the career move is... This is a sensitive ano, kasi I still have a management contract, but I don't have a project contract. Two months na lang. Ang contract ko naman kasi sa ABS is as a management [talent]. So, I mean sa Star Magic na mina-manage nila ako, co-managed with my manager, si Kuya George [Roca]. And with Universal Records din, sa records ko at sa album ko, sila ang nagma-manage, ang Universal Records.

"As a manager naman, sa pagma-manage naman, is Star Magic with Kuya George. Wala kaming contract na tungkol sa project. And ang contract lang namin is sa management, and it will expire sa May yata. Basta soon, hindi ko alam kung ano ang exact date, pero sabi ng manager ko is two months na lang," paliwanag ng singer.

Ano na ang plano sa kanya?

"May mga plans, pero hindi ko pa puwede sabihin, kasi baka ma-preempt. Pero hopeful ako. We are looking for another work and then... Hindi ko alam kung ano or saan, pero sabi ng manager ko, meron silang move or meron silang negotiations with the recording company, with Universal Records."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tungkol sa paglipat niya, possibly sa GMA-7 or sa TV5 ba?

"Lahat naman ginagawa 'yan, e," sabi niya. "Alam ninyo noong si Claudine [Barretto] na nga lang, isang malaking artista, na superstar, nangyari sa kanya, so what more kami na... I mean, 'yong security or I mean 'yong in terms of work, di ba?

"Mas na-enlighten ako doon, e. Yung nangyari kay Claudine, na that's reality, that's life na walang permanent sa mundo. Sabi nga, no one is indispensable and nangyayari talaga yun. Kaya kung mangyayari sa akin, it's part of life and we have to face it with passion, nang buong tapang. At kung ano 'yang nandiyan, mamahalin mo.

"Trabaho lang, walang personalan. Kahit din naman sila, I mean ang mga stations, you know, may tinatanggal sila, may hina-hire sila, walang personalan kahit na masaktan yung tatanggalin. And usually, 'yon din naman ang sinasabi nila, it's business."

Sumama ba ang loob ni Ronnie sa nangyari?

"Hindi naman talaga sumama... Of course, hindi naman sumama ang loob ko. Parang nalungkot ka, nasaktan ka na, 'Bakit ako? Bakit?' Iyon lang, na 'I'm an artist of ABS-CBN, I'm one of your products, and bakit ganun?'

"Siyempre, tao lang tayo. Isa sa pinakamasakit sa isang tao ang matanggalan ka ng trabaho, ng regular show. Pero it's part of life and we have to accept it. Atsaka nangyayari 'yon sa lahat at, 'yon nga, wala naman talagang permanente dito sa mundo.

"Kaya at least ako, I'm so happy na kahit na ganun, marami pa ring mga out-of-town shows. Yung album ko ilalabas na soon, 'tsaka may mga concerts pa rin. Nagkakaroon pa rin ako ng endorsements, in spite na wala akong masyadong TV shows. Doon nakakabawi atsaka at least nagkaroon na kami ng bahay at mga sasakyan.

"Life goes on. Move on na at saka for sure may plano si God para sa akin, kung bakit nangyari ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN