Boy Abunda says Gretchen has nothing to do with simultaneous airing of her MMK episode and Claudine's drama anthology

IMAGE 0


"Nahihiya lang ako kay Gretchen kasi I'm responsible for her doing this material, tapos binibigyan ng kulay na ito'y ginagamit para pagsabungin ang magkapatid, which is totally unfair. Walang kinalaman si Gretchen dito," says Boy Abunda about his ward, Gretchen Barretto (in photo).


Usap-usapan ngayon ang ginawang walkout ni Gretchen Barretto sa isang presscon pagkatapos ng sunud-sunod na tanong sa kanya tungkol sa nakababatang kapatid na si Claudine at sa pagtatapat ng mga show nila bukas ng gabi, April 10. Si Gretchen ang feautured artist sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN at makakasabay nito ang pilot episode ng drama anthology ni Claudine sa GMA 7.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, April 8, ang TV host na si Boy Abunda pagkatapos ng Showbiz News Ngayon (SNN). Since si Boy ang tumatayong manager ni Gretchen, hiningan namin siya ng pahayag kung ano ang masasabi niya sa mangyayaring pagtatapat ng MMK ng kanyang alagang si Gretchen at ng show ni Claudine, pati na rin ang ginawang walkout ni Gretchen sa presscon nito para sa Glutamax. (CLICK HERE to read related story.)

"Ganito ang kuwento," simula ni Boy. "Nung tumawag sa akin ang Maalaala Mo Kaya, may naka-set na silang schedule. Hinindian na sila ni Bettina [staff ng Backroom, Inc.] because the schedule would not allow Gretchen to shoot for Maalaala Mo Kaya. Kasi parang isang araw, dalawang araw lang na preparasyon. So, hinindian na nila.

"Dumiretso sa akin ang Maalaala Mo Kaya because I think they couldn't get in touch with Bettina. Ako, pag tinatanong ako, ang una kong hinihingi, sabi ko, 'Ano ba ang kuwento? Ano ang synopsis?' Sabi ko, 'Ipadala ninyo nga sa akin. I-text ninyo nga o kaya i-email ninyo. If you can summarize that in...parang three lines or one paragraph, para maintindihan ko lang.' So, ipinadala nila sa akin.

"Nung malaman ko yung istorya...ang ganda! Remember, Gretchen just came from workshops with Laurice Guillen. Di ba, parang iba ang kanyang energy, iba ang kanyang...parang, 'I wanna work. I'm an actress.' Parang nagbabalik-telebisyon.

"Tinawagan ko siya [Gretchen]," patuloy ni Boy. "And this is rare. I don't normally call my artist. Sabi ko, 'Gretch, this is too good for you to pass.' Medyo masyadong maganda yung material...teacher, biyuda, dalawang anak, at na-in love ang isang pari sa kanya. Napunta sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila. Namuhay incognito. Minolestiya ang kanyang mga anak ng pari...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ganda nung kuwento na parang... Synopsis pa lang, sabi ko, 'Teka muna, parang hindi natin puwedeng palagpasin.' And si Gretchen, ganun 'yan, masunurin. And she knows na minsan lang akong magsabing 'do this.' Sabi ko, 'Gretchen, do this. This is too beautiful.' She said, 'Yes, okay, I'll do it!'

"Ngayon, pag tinatawagan ka ng mga producers, halimbawa para sa isang materyal na ganito, ang pinag-uusapan namin, ayun, materyal. Nagtatanong ako, 'Sino ang makakasama?' Di ba, natural yun? Napakaganda naman, kasi si Jomari [Yllana], Kier [Legaspi], Dexter [Doria], at Pen Medina ang casting.

"Sabi ko, 'Hindi namin kaya 'yan kung isang araw lang ang lead time. Pag-usapan natin ang schedule. Yung availability ng aking artista. Kung kaya ni Gretchen, gagawin talaga yun.' So nag-adjust nang konti, et cetera. In other words, sumwak ang lahat. Naayos ang lahat."

Dagdag ni Boy, "Maniwala kayo, e, nag-uumpisa na ang shooting, hindi pa kami nag-uusap kung magkano. Ibig sabihin, hindi dahil sa hindi namin kailangan ang pera, pero dahil nga sa konting oras at sa ganda ng material, halos nakaligtaan namin. Of course, we would be talking about the talent fees. So, natapos namin yung talent fees. Magsu-shooting na siya. Naayos namin yun.

"But never in negotiations do you ask, 'Ano ba ang katapat nito sa ibang channel?' You never say that. And never do you say or neither do you say, 'Kelan ang palabas nito?' Kasi ang Maalaala minsan, nagbabangko 'yan. Minsan nagsu-shooting ka ngayon, ipapalabas this week. Minsan next week. Sila ang may control kung kailan ipapalabas.

"Nahihiya lang ako kay Gretchen kasi I'm responsible for her doing this material, tapos binibigyan ng kulay na ito'y ginagamit para pagsabungin ang magkapatid, which is totally unfair. Walang kinalaman si Gretchen dito," diin niya.

"I like what Gretchen said [in an interview]. I mean, you know, I didn't look at it, tanggap ko na hindi ko naisip yun. But as listening to her, 'Aren't you glad? I mean, you know, the timeslot is a Barretto timeslot.' Oo nga naman, that's another way of looking at it. That's a very positive way of looking at it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko lang silang mag-away kasi may pinagdaanan na yung magkapatid na ilang taon na medyo hindi maganda, na sabi nga ni Clau, 'I miss her.' Sabi ni Gretchen, 'I also miss her.' You know, trabaho lang ito. And lilipas at lilipas lahat tayo dito. Pero ang magkapatid ay magkapatid," mahabang pahayag ni Boy.

Ayon pa kay Boy, hindi pa raw sila nagkakausap ni Gretchen pagkatapos ng walkout incident.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN