Derek Ramsay on getting hitched with Angelica Panganiban: "It's definitely looking like we're going down that road."

IMAGE 0


When asked if wedding bells will be heard soon with his girlfriend Angelica Panganiban, Derek Ramsay replied, "You know, of course, we look forward to that. But right now, we're enjoying our time. The relationship is going great. And, who knows... But it's definitely looking like were going down that road."


Sa Swatch Safari event kahapon, April 8, sa Swatch store SM Megamall, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Derek Ramsay. Ikinuwento ng binatang Filipino-British na nag-cruise pala sila ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban noong Holy Week.

"Wala naman kasing trabaho, and we really needed a break from everything, so we went on a cruise from Malacca to KL [Kuala Lumpur, Malaysia]," ani Derek.

Naroon sa Swatch event si Derek para kay Angelica, na endorser ng Swatch. Bukod dito, binigyan pa si Angelica ng special award para sa mala-tigreng determinasyon daw nitong magtagumpay sa kanyang professional field at pag-handle ng personal na buhay at relasyon kay Derek.

Tinanong tuloy ng PEP ang actor kung si Angelica nga ba talaga ang nagdadala ng relasyon nila.

"Well, I guess it's the both of us. We bring the best out of each other. A relationship will never work if it's one person dictating. So it has to be fair, it has to be equal. So, I guess that's what's great about me and Angel. We have a balanced relationship," sagot ni Derek.

Dahil kilalang-kilala na nga nila ang isa't isa, hindi na ba malayong dalhin na nila sa mas mataas na level ang kanilang relasyon? Wedding bells?

"You know, of course, we look forward to that. But right now, we're enjoying our time. The relationship is going great. And, who knows... But it's definitely looking like we're going down that road," pahayag ng boyfriend ni Angelica na lead star ng TV soap na Rubi ng ABS-CBN.

May dapat bang abangan na proyekto ang fans nina Angelica at Derek?

"I wish... I hope. But nothing yet. Nothing's concrete, but I definitely want to work with her again."

Nagkasama sa Metro Manila Film Festival movie na I Love You, Goodbye last year sina Angelica at Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalaman din ng PEP mula kay Derek na papuntang Africa ang magkasintahan sa June for a safari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN