PEP EXCLUSIVE: Sarah Geronimo saddened by transfer of co-Viva artists Mark Bautista and Rachelle Ann Go to GMA-7

IMAGE 0


"Siyempre po, sobrang nakakalungkot kasi nakasabayan ko po sila. Magkakasabay kaming naging bahagi ng ABS-CBN family. Nakilala kami as Champions at nagkaroon ng segment sa ASAP. So, talagang nakakalungkot at nakakapanghina. Kasi siyempre yung mga taong nakasanayan mo nang katrabaho sa ASAP, hindi mo na makikita nang madalas katulad dati," says Sarah Geronimo about the transfer of fellow Viva artists Mark Bautista a


Eksklusibong nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sarah Geronimo bago siya umalis upang sumama sa campaign sortie ng vice presidential candidate Loren Legarda sa Valenzuela City kaninang hapon, April 9.

Kaagad naming hiningi ang reaksiyon ni Sarah tungkol sa paglipat sa GMA-7 ng kanyang co-Viva artists at dating mga kasama sa ASAP XV na sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go. Magkatapat na kasi ang shows nila ngayon dahil kasama na sa Party Pilipinas sina Mark at Rachelle Ann habang naiwan naman sa ASAP si Sarah.

Ano ang feeling na nasa magkalabang show na sila ngayon?

"Very sad," pag-amin ni Sarah. "Siyempre po, sobrang nakakalungkot kasi nakasabayan ko po sila. Magkakasabay kaming naging bahagi ng ABS-CBN family. Nakilala kami as Champions at nagkaroon ng segment sa ASAP. So, talagang nakakalungkot at nakakapanghina. Kasi siyempre yung mga taong nakasanayan mo nang katrabaho sa ASAP, hindi mo na makikita nang madalas katulad dati.

"Pero kailangan nating respetuhin, e, kung anuman yung naging desisyon nila at ng management ng Viva. I'm sure meron naman silang mga valid reasons kung bakit sila napalipat."

Hindi niya ba alam na lilipat na sa GMA-7 sina Mark at Rachelle? Hindi ba siya nasabihan ng mga ito?

"No, no. Pero may naririnig-rinig ako. Pero sila rin, hindi nila alam... Kumbaga, biglaan din, e," sagot ni Sarah.

May message ba siya for Mark and Rachelle Ann?

"I just wish them all the best. Siyempre, hindi naman 'yan ipapahintulot ni Lord kung wala siyang magandang plano...mas magandang plano para sa kanila. Yun lang. Alam kong magiging okay sila doon dahil napaka-talented nilang tao, napakagaling nilang pareho. I'm sure magiging okay sila doon. And sana lang, I really hope na alagaan sila ng GMA," asam ng Pop Princess.

Idinagdag pa ni Sarah na hindi komo't nasa magkalabang show na sila ay masisira na ang friendship nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We remain as friends po," sambit niya. "Matagal na po kaming magkakakilala at magkakasama and I think hindi na masisira yun. Atsaka kahit hindi man kami magkasama sa TV, puwede pa naman kaming magsama sa ibang projects like out-of-town or out-of-the-country shows."

Siya ba ay walang planong iwanan ang ABS-CBN at ASAP?

"Ako...wala. Inaalagaan naman po ako ng ABS. Happy naman po ako sa ASAP," sagot ni Sarah.

MOVIE WITH JUDAY. Naiba naman ang mood ni Sarah nang matanong ng PEP sa kanya ang tungkol sa movie nila ni Judy Ann Santos na Hating Kapatid.

"Malapit na pong matapos. Kasi lumalaki na rin ang tiyan ni Ate Juday kaya kailangan na rin namin tapusin talaga. Malapit na po," excited na sabi ni Sarah.

Ano ang na-discover niya sa pakikipagtrabaho kay Juday?

"Yun po kasing aming working relationship, maganda, e. Parang ate ko na siya talaga. Ngayon nakukuwentuhan ko siya ng personal concerns pag may problema, ganyan, nasasabi ko na sa kanya. Napakasuwerte ko po na nabigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho si Ate Juday," sabi ni Sarah.

Possibly by May na raw ipalabas ang movie nila.

U.S. TOUR. Excited din si Sarah sa muli niyang pag-alis papuntang States para sa kanyang Record Breaker tour.

"May 12 po pupunta po kami ng U.S. Tapos pupunta po kami ng Canada. One month din po akong mawawala sa Pilipinas. By June na po ang balik ko," banggit niya.

Makakasama niya raw sa tour sina Mark Bautista, Erik Santos, Charlie Green, Jimmy Marquez, at John Prats.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN