RR Enriquez keeps her hosting spot on Wowowee

IMAGE 0


"Basta ang alam ko, ilalagay kami sa 'Cash Mo Tour.' Dun sa labas kami. Dun na raw kami sa labas for life, hahahaha. Kasi masyado na raw kaming maputi ni Val, kailangan na raw naming umitim, hehehe," says the high-spirited RR, dispelling rumors that she and co-host Valerie Concepcion had been axed from the popular noontime show.


Ipinakilala noong Sabado ang apat na bagong hosts ng Wowowee, sina Carmen Soo, Isabel Abiera, Kelly Misa, at si Jed Montero na nanalo sa Willie of Fortune. Kasama pa rin sa balik-live na programa na may bagong set sina Valerie Concepcion at RR Enriquez na natsismis na mawawala sa naturang show.

"So sad naman na ganun ang kumalat na tsismis pero I'm so happy kasi rumors lang naman siya, kasi nandito pa rin naman kami. At sana nga talagang rumor lang yun," bungad ni RR sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Sabi naman ni Kuya [Willie Revillame], hindi mababawasan ang hosts kundi madadagdagan. Ang saya nga. Ang dami na namin, walo na," sey pa niya.

Hindi ba mas mababawasan ang exposure nila? Doon na nga lang sa kanilang apat ni Pokwang, Mariel Rodriguez at Val ay parang kulang na ang oras.

"The more, the merrier," reaksyon niya.

JOKE ONLY. Pero nakarating ba sa kanya na muntik na silang masibak ni Val?

"Actually, nakarating na sa amin ang balitang may tatanggalin pero hindi namin alam kung sino. Pero nag-iisip na rin ako sa sarili ko na baka ako. Ayaw ko namang magpaka-sure na hindi ako, di ba?

"Di ba minsan, nagbibiro si Kuya, 'O, may tatanggalin na sa inyo,' pero dyino-joke lang naman niya. Biro lang naman niya, then after that binabawi naman niya na, 'Hindi, walang mawawala sa inyo, mahal ko kayo...' Ang mangyayari ay madadagdagan pero walang tatanggalin."

Pero maganda ba ang relasyon nila kay Willie Revillame? Wala ba silang nararamdaman na tinabangan na ito sa kanila?

"Sweet nga siya sa amin, e!" tugon ni RR.

Sa palagay ba niya may pagkukulang siya sa Wowowee kaya may kumalat na matatanggal siya?

"Ako kasi ever since, alam ko kung saan ako lulugar, e! Never kong trinato ang sarili ko na host talaga dito, yung main hosts like Pokwang, Valerie and Mariel. Kinuha kasi sila sa Wowowee as host talaga. Ako I started here as tanga-tangahan talaga, pamali-mali ang English. Pero nabigyan ako ng chance na mag-host, dapat maging masaya na ako. Opportunity na sa akin yun at dapat ay maging masaya na ako. So, dun sa pagkukulang, palagay ko naman hindi," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO HARD FEELINGS. Sumama ba ang loob niya nang sitahin silang dalawa ni Valerie ni Willie noong isang buwan?

"Hindi... sanay na kami. Si Kuya laging nagbibiro nang ganyan. Ganito ang attitude ni Kuya, once na biniro ka niyan, ibig sabihin mahal ka niyan. Pero kung dinededma ka niya at hindi ka niya pinapansin, good-bye ka. Lahat naman kami ganoon siya... binibiro niya kami. Pag binibiro niya kaming ganun, happy na kami. Kasi feeling namin, love na love niya kami. Mas gusto nga namin ang ganun, binibiro niya kami. At least, pansin na pansin niya kami," deklara niya.

Napag-usapan na ba nila ni Valerie ang "tsugihan issue"?

"Hindi pa. Basta ang alam ko, ilalagay kami sa 'Cash Mo Tour.' Dun sa labas kami. Thankful na kami dun. Dun na raw kami sa labas for life, hahahaha. Pero hindi pa confirm. Kasi masyado na raw kaming maputi ni Val, kailangan na raw naming umitim, hehehe."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN