Dennis Trillo on whether he's serious with Jennylyn Mercado: "Well, hindi kami naglalaro."

IMAGE 0


Jennylyn describes her relationship status with Dennis Trillo: "Parang serious ka na single na walang-wala at all."


Sa isang article na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, April 9, inamin na nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, "Yes, we are exclusively dating."

Sa Startalk kahapon, April 10, dinaan nila sa biro ang mga pangyayari sa Hong Kong kunsaan nakunan sila ng retrato na magka-holding hands noong Holy Week.

Tanong ni Butch Francisco, may kahulugan ba 'yon?

"Depende, depende naman," sagot ni Dennis na nakangiti. "Ikaw?" nangingiting tanong niya kay Jen.

"Wala naman, siyempre. Nung time na yun, dalawa kaming naglalakad. Siyempre, inaalalayan niya 'ko," nakangiting sabi ni Jen.

Sagot naman ni Dennis, "Siyempre, nasa ibang bansa kami, baka mawala siya."

Natatawang hirit ni Jen, "Baka mam'ya madukot ako dun!"

"SPECIAL SIYA SA AKIN." Sa hiwalay na interview ng Startalk kay Dennis, tinanong siya kung nililigawan ba niya si Jennylyn.

"Kailangan pa bang tanungin 'yan? Pambihira naman... isa sa proseso," nakangiting sabi ng actor.

Nang si Jennylyn naman ang tanungin, "Kumbaga, special siya sa akin... nag-e-enjoy lang kami."

Tanong pa rin ng Startalk kay Dennis, seryoso ba siya kay Jennylyn?

"Well, hindi kami naglalaro."

COURTSHIP STAGE. Kasalukuyang nasa courtship stage daw sila, pero gaano na nga ba sila kalapit sa isa't isa lalo't may blind item na lumabas na nag-check-in daw sila sa isang hotel?

Sagot ni Dennis, "Hindi ko na aanuhin yung mga detalye. Pero alam mo yun, hindi naman, I mean, hindi totoo yun. Natiyempuhan lang siguro ng kumuha ng litrato, pero, may mga iba kaming kasama."

Ayon sa dalawa, anim daw silang magkakaibigan na pumunta sa Hong Kong.

Sabi naman ni Jennylyn, "Well, magkasama kaming namamasyal, pero, hindi naman yung magkasama na iniisip nila na hindi maganda."

Dugtong pa niya, "Kasama naman namin ang mga friends namin. Hindi lang kami. May mga friends din kami. Nang makuhanan kami, nagkataon lang na dalawa lang kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap din ng Startalk ang editor-in-chief ng tabloid website kung saan lumabas ang mga litrato ng dalawa sa Hong Kong, at ang sabi niya, "Dalawa lang sila. Maninindigan yung source ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN