Cristine Reyes on Dennis Trillo and Jennylyn Mercado dating: "Enjoy and good luck."

IMAGE 0


"Huwag n'yo nang anuhin, kasi there's nothing wrong, promise, kung mag-date siya. Okey lang," says Cristine Reyes about ex-boyfriend Dennis Trillo, who is exclusively dating Jennylyn Mercado.


Nakausap ng Startalk si Cristine Reyes nang maging guest judge ito sa "Bebot 2010" ng Eat Bulaga! last Saturday, April 10. Kinuhanan siya ng reaksiyon tungkol sa napapabalitang espesyal na relasyon ngayon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Si Dennis ay ex-boyfriend ni Cristine at si Jennylyn naman ay ka-batch ni Cristine sa kauna-unahang StarStruck.

Balita rin kasing nagkabalikan sina Cristine at Dennis kaya marami ang nagulat nang malamang may namamagitan sa aktor at kay Jennylyn. (CLICK HERE to read related story.)

"No, hindi naman po talaga kami nagkabalikan," paglilinaw ni Cristine. "So, walang masama kung makipag-date man siya [Dennis] sa iba. Right now, wala rin kaming communication."

May lumabas din daw sa Twitter account ni Cristine kung saan sinabi niya diumano na "Im pissed off." Kasabay raw ito ng paglabas ng pictures nina Dennis at Jennylyn sa isang tabloid kung saan magka-holding hands sila sa Hong Kong.

"No, no, wala..." tanggi ni Cristine.

Hindi siya galit?

"Hindi talaga ako galit," diin niya. "Huwag n'yo nang anuhin, kasi there's nothing wrong, promise, kung mag-date siya. Okey lang."

Okey naman sila ni Jennylyn?

"Okey kami. Actually magka-BBM pa kami dati. Kaso, nagpalit na 'ko. So, I lost all my contacts kaya kailangan kong i-retrieve. Pero we're okay," sabi ni Cristine.

Magkasama rin sina Cristine at Jennylyn sa pelikulang Working Girls. Wala bang dedmahan sa kanilang dalawa?

"Well, I think so. Kasi, wala namang masama kung sila na or nagde-date sila para sa akin. Oo naman, nagpapansinan kami."

Happy siya for Dennis?

"Oo naman," nakangiti niyang sabi.

May message ba siya para rito?

"Well, enjoy and good luck. I don't know kasi wala naman akong dapat sabihin," saad ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN