Baron Geisler is Eat Bulaga's "Bebot 2010"

IMAGE 0


Bebot 2010 contestants: Baron Geisler (Bebot 2010), Rocco Nacino (1st runner-up), Sam YG a.k.a. Shivaker (2nd runner-up), and Paulo Avelino (3rd runner-up).


After three years ay nagbalik ang Miss Bebot pageant ng longest-running noontime show ng bansa, Eat Bulaga!. Last Saturday, April 10, ginanap ang Bebot 2010 kung saan limang artistang lalake ang nagbihis-babae para sa nakakatuwang "beauty pageant" ng Eat Bulaga!.

This year, ang mga naglaban-laban ay sina Baron Geisler bilang Baroness D' Goddess, StarStruck V Second Prince Rocco Nacino as Rocca-Rocca Naa Ku, Diz Iz It co-host Sam YG a.k.a. Shivaker as Shivakler Bumbye-Bay, Panday Kids' Paulo Avelino as Paulina Alamnyopoba, at Eat Bulaga! co-host Wally Bayola as Blacky Lou Blanko.

Ang itinanghal na Bebot 2010 ay si Baron na siya ring nanalong Best in Talent. First runner-up si Rocco, 2nd runner-up si Shivaker, at 3rd runner-up naman si Paulo, na nanalo ring Best in Long Gown.

Si Wally ay binigyan naman ng "Loyalty Award" dahil pang-apat na niyang beses sumasali, pero hindi naman siya nananalo.

Mayroon din kanya-kanyang mentors na taga-Eat Bulaga! ang limang contestants ng Bebot 2010: Si Julia Clarete para kay Baron, si Pauleen Luna para kay Rocco, si Daiana Menezes para kay Shivaker, si Allan K para kay Paulo Avelino, at si Jose Manalo para kay Wally.

Ang nag-judge sa Bebot 2010 ay sina Eugene Domingo, Cristine Reyes, at Richard Gutierrez.

Ang past winners ng Bebot ay sina Paolo Ballesteros (2005), Wendell Ramos (2005), Mark Herras (2006), at Vandolph (2007), na tatlong taon hinawakan ang korona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN