Nikki Gil and Baron Geisler sign up with Arnold Vegafria's talent management

IMAGE 0


Nikki Gil (left) and Baron Geisler are now in the roster of talents of ALV, the talent management company of Arnold Vegafria.


Sina Baron Geisler at Nikki Gil ang dalawa sa pinakabagong karagdagan sa growing roster of artists ng ALV Talent Circuit ng talent manager na si Arnold Vegafria. May sarili ring advertising agency si Arnold, handling corporate accounts, bukod pa sa pagpo-produce ng shows, concerts, and events.

Kapwa galing ng Star Magic, talent management arm ng ABS-CBN, sina Baron at Nikki. Mas naunang pumasok si Baron sa Dos bilang member ng Star Circle some years back, kesa kay Nikki. Nauna ring mag-expire ang contract ni Baron kesa kay Nikki, kaya malaya silang nakapili ng bagong talent manager.

BARON GEISLER. Si Baron ay nagwagi bilang Best Actor sa Cinemalaya 2008 at sa Golden Screen Awards 2009 for his performance sa indie film na Jay, na nakaikot na rin sa iba't ibang international film festivals.

Magkaganoon man, may mga nasangkutan ding ilang isyu at kontrobersiya sa personal life niya si Baron, pero alam ng aktor kung papaano niya ito i-handle ngayon.

Ayon sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Arnold, a few weeks ago ay nilapitan daw siya ng ina ni Baron upang makipag-usap sa posibilidad na pag-handle nito sa career ng anak.

Hindi personally kilala ni Arnold ang pamilya ni Baron, pero maayos nitong tinanggap ang pag-approach ng mother ng dating child actor. Malamang, nag-research ito o nagtanung-tanong ng puwedeng tumulong sa anak, and in no time at all, nakausap na rin nang masinsinan ni Arnold ang bagong alagang si Baron.

Kuwento ni Arnold, "His mom approached me. Naniniwala naman ako kay Baron. He's a very good actor, nakakahinayang kung hindi natin tutulungan. And ang sabi ko lang sa kanya, he has to change his ways, he has to change his attitude.

"When we met up, sinabi ko talaga sa kanya that he needs to undergo health and wellness program, maybe for detoxification. Requirement ko kasi 'yon in all my talents, yung walang vices. Wala kang maririnig na nagbibisyo among my talents. At gusto rin naman niya raw 'yong gano'ng program."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging maganda naman daw ang pag-uusap ni Arnold at ng mag-ina, and everyone's hoping for the best sa career ni Baron.

"Sabi ko sa kanya, dapat lang din niyang tulungan ang sarili niya. Na dapat, walang mga ganitong problema na, or ayusin niya kung ano ang dapat na ayusing problems or hang-ups niya. I'm willing to help him, pero I told him, he has to help himself din.

"Nakakapanghinayang lang kung mapapabayaan dahil he's one of the best actors in his generation," papuri ni Arnold.

NIKKI GIL. As for Nikki Gil, mas "fresh" ang pagiging ALV talent nito dahil last Friday, April 9, lamang naganap ang contract signing niya as the newest addition sa artists ni Arnold. Kasama na sila ni Baron sa roster of ALV artists like Billy Crawford, Carla Abellana, John Prats, Iya Villania, Jay-R, Kyla, Jon Santos, Bianca King, Kris Lawrence, Krista Ranillo, Pinky Amador, and others.

Tulad ni Baron, mga magulang din ni Nikki ang kumausap kay Arnold to manage their daughter, after her Star Magic contract expired at minabuti nilang hindi na mag-renew and to find a new manager.

Take note na ang boyfriend ni Nikki na si Billy Crawford ay under ALV din, pero nais linawin ni Arnold na walang impluwensiya si Billy sa desisyon ni Nikki to sign up with ALV.

"Walang influence si Billy," diin ni Arnold. "Ayaw niyang nakikialam sa career ni Nikki dahil they're two different individuals na may kanya-kanyang magagandang careers."

Ilang araw pa nga lang daw kay Arnold si Nikki ay ang dami nang inquiries dito. Naging maganda rin daw ang pagpapaalam ni Nikki kina Johnny Manahan at Mariole Alberto ng Star Magic, na unang nag-aruga sa kanyang career mula noong nagsisimula pa lamang siya.

"Tumawag ang parents sa akin ni Nikki. When I cleared up things, we talked and gusto ko rin naman si Nikki coz I believe in her talents. Naging maganda rin naman ang pag-uusap namin," saad ni Arnold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang plano ni Arnold for Nikki?

"Better music for her. She's very talented. She can still hone her talents in singing, hosting, and even acting. She's young at malaki ang potential pa niya to make it big. She's goodhearted din. I'm hoping for the best," sabi ng talent manager.

KYLA. Late last year din lang napunta kay Arnold si Kyla, after being managed by Maristel Sampedro.

"Very close si Kyla sa akin ever since dahil we worked together in several projects. Nakakasama kasi siya sa mga shows ni Jay-R, so hindi na bago sa akin ang family nina Kyla," sabi ni Arnold.

Kasama si Jay-R, nag-sign si Kyla ng three-year contract sa GMA-7, at kasama siya sa Party Pilipinas na inilunsad kamakailan lang.

JON SANTOS. As for top stand-up comedian-impersonator Jon Santos, last year lang na-formalize ang pagiging ALV talent nito, bagamat matagal nang magkaibigan sina Jon at Arnold.

"I started producing the shows of Jon noon pa," kuwento ni Arnold. "I produced Rock Da Vote, and other shows niya in the past. Before pa, I showed my interest na in handling him dahil marami kaming common friends like Joel Mercado and Enrico Santos. Nawala lang siya sa circulation dahil nag-abroad, pero I'm glad that he's now with us."

Kasama si Jon sa Paparazzi, ang bagong showbiz-oriented talk show ng TV5 tuwing Linggo, kasama sina Ruffa Gutierrez, Cristy Fermin, at Dolly Anne Carvajal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN