Marian Rivera speaks up about rumor that she already has a child

IMAGE 0


"Si Jan-Jan, pinag-aral ko mula Nursery, ngayon Grade III na siya. So, kung hindi ko man naibibigay sa family ko, at least, sa mga pamangkin ko, mabigyan ko rin sila ng magandang bukas. Nase-share ko ang blessing ko sa kanila. Kaya 'yang mga 'yan, maituturing kong mga anak ko talaga at palalakihin ko sila nang maayos," says Marian Rivera.


Ang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera ang featured star sa "Story of Your Life" ng Showbiz Central kahapon, April 11.

Sa segment na ito ay ipinakita ang pagpalaot ni Marian sa mundo ng showbiz, mula sa Marimar hanggang sa nagdire-diretso na ang kasikatan niya. Dito na rin sinagot ni Marian at ng mga taong lubos na nakakakilala sa kanya ang isyung mayroon na raw siyang anak.

BORN FOR STARDOM. Ayon sa mga nakausap ng Showbiz Central na mga taong malalapit kay Marian, gaya ng auntie niyang si Myrna Dominguez, bata pa lamang daw si Marian ay mahilig na itong umarte at sumayaw. Ayon naman sa college best friend ni Marian na si Gail Buhain, sumasali rin daw si Marian sa school plays noon.

Kuwento naman ng dating teacher ni Marian sa high school na si Belen Figueroa, naikuwento raw sa kanya ni Marian noon na dati pa ay may nag-o-offer na sa kanyang mag-model, pero mas pinili nitong unahin muna ang pag-aaral.

Nakausap din ng Showbiz Central ang lola ni Marian na si Mrs. Francisca Rivera. Kuwento nito, nag-aaral pa lang daw ang kanyang apo ay may mga humihikayat na ritong mag-artista. Pero sinabihan nila si Marian na magtapos muna siya ng pag-aaral. Kaya nang makatapos, si Marian na raw mismo ang nagsabi sa kanilang after silang mapagbigyan, siya naman daw ang pagbigyan para ituloy na ang plano niyang maging artista.

Pagkatapos ngang maka-graduate ng kursong Psychology sa La Salle Dasmariñas, Marian pursued a career in advertising modeling. Dito siya nakita ng TAPE Inc., na nagbukas ng pintuan para sa kanya sa showbiz noong 2005.

Ayon kay Malou Choa-Fagar, "She [Marian] was a commercial model. E, di ba, naka-tune in ka sa [Eat] Bulaga? Then, Mr. Tuviera kept on telling me, 'I like the girl, I like the girl.' Tapos sabi niya, 'Hanapin mo...'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dito na nga nagsimula ang lahat. Mula sa kanyang pagganap sa ilang afternoon soaps ng TAPE Inc., gaya ng Kung Mamahalin Mo Lang Ako, Agawin Mo Man ang Lahat, at Pinakamamahal. Hanggang sa mapili siya upang gumanap sa phenomenal hit na Marimar, na nasundan pa ng Dyesebel, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, at Darna.

MARIAN'S APARTMENTS. Dahil na rin sa mga tinatamasang tagumpay ni Marian ngayon, marami na rin siyang investments. Isa na rito ang kanyang apartments sa Cavite.

Bakit yun ang inuna niyang investment?

"Apartment kasi business na ng pamilya namin 'yan, e," sagot ni Marian. "Si Mama ko, dalaga pa lang siya nag-business na siya ng apartment. Mga tita ko, halos lahat... So, parang naisip ko, 'Ay, ganun na lang din ako. I-try ko.' Tapos yun, tinuruan ako ni Mama ko na siya ang nag-push sa akin na, 'Sige anak, gawin mo 'yan kasi magandang investment 'yan, e.'"

IF SHE WERE NOT A STAR... Ayon kay Pia, base sa ilang old pictures ni Marian na ipinakita sa screen, tila destined for stardom talaga ang aktres.

"Una talaga, nahilig talaga ako sa pagsasayaw. Ultimo individual dance contest, sinasalihan ko 'yan. Kahit tinikling pa 'yan, sasali ako basta dance contest!" saad ni Marian.

Sino ang nagturo sa kanyang sumayaw?

"Sa family kasi namin, lahat kami sumasayaw," sagot ni Marian. "Kahit lola ko, umiindak 'yan. Active talaga ako sa school sa mga dance competition and yung mga pagmu-muse, minsan nahihiya na akong sumasali kasi palagi na lang ako sumasali. Kaya naman palagi akong sumasali sa contest kasi nandiyan ang family ko na nagpu-push sa akin na, 'Kaya mo 'yan, mananalo ka diyan.' So, ako, 'Sige, try ko.'"

Does she ever wonder kung ano kaya ang kinahinatnan niya kung hindi siya nag-artista, lalo pa't college graduate naman siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi gusto ko yung conversation. Inaamin ko talaga, gusto ko at nag-enjoy ako sa Mental Hospital. Naging SPED teacher din ako na more on naaawa ako sa mga bata, na hindi ko ma-concentrate yung work ko. Kaya mas nag-focus ako noon sa Mental [Hospital].

"Siguro kung hindi ako nag-artista, nandun ako sa Mental...para tumulong sa mga Kapuso natin na nandun, di ba? Papakinggan ko sila kasi, nagkakaintindihan kami!" natatawa niyang sabi.

LEAVING HER LOLA. Dahil na rin sa kagustuhan ni Marian na maging artista, kailangan niyang tumira sa Manila at pansamantalang naiwan ang kanyang lola sa Cavite.

Ayon sa lola ni Marian, "Noong siya'y napawalay na sa akin, sabi niya, 'Magtiis kayo, Lola, at kailangan, e, gusto [kong mag-artista].' Siyempre, kami lang dalawa rito. Ako lang, nag-iisa rito na iniwan niya. Kaya minsan, kapag lalabas, tinatawagan ako. Nagpapasalamat naman ako at hindi siya nakakalimot sa akin."

Sa puntong ito, parehong naging emosyunal ang lola ni Marian sa VTR at si Marian na napaluha rin habang pinapanood ang VTR ng kanyang lola sa studio.

"Ano ba? Pinaiyak n'yo naman agad ako!" natatawang sabi tuloy ni Marian.

Sabi naman ni Pia Guanio, who did the interview, nakakaiyak naman daw talaga ang sinabi ng lola nito. "Nanay" ang tawag ni Marian sa kanyang lola.

Two years old pa lang daw si Marian ay ang lola na niya ang nag-alaga sa kanya pagkatapos maghiwalay ang kanyang mga magulang. Kaya miss na miss na siya ng kanyang lola ever since bumukod siya.

"Oo, tulad nga ng sinabi niya, sabi ko, 'Nanay, ako naman ang pagbigyan n'yo.' Sabi kong ganun. Kasi, una sa lahat din, marami akong gustong patunayan sa sarili ko kaya ako nag-artista. Kaya sabi ko sa kanya, 'Nay, tiis lang, balang-araw, mapapatunayan ko sa kanilang lahat na kaya ko,'" saad ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano-ano ba ang mga gusto niyang patunayan?

"Kasi, lumaki ako na independent," sabi ni Marian. "Kahit hindi ko kaya, kinakaya ko. Gusto ko, ako lang. Kung halimbawa, may kailangan sa school, ganito-ganito, ako na lang. Kung kaya ko rin lang, yung budget ko sa school, yung allowance ko sa school, hindi talaga ako hihingi. Parang ginagawa ko na sa akin lang."

Meron na bang nagsabi sa kanyang hindi niya kayang gawin ang isang bagay?

"Wala pa naman!" natatawa niyang sabi. "Tulad nga ng sabi ko, noong sumasali ako sa play sa school, ang madalas na ginagampanan na role na gusto ko, lalake. Ano lang, e, natsa-challenge ako kasi nagawa ko na sa play yung Cinderella. And until may nag-offer na lalake raw, 'Ay, go ako d'yan!'"

Ano naman ang message niya sa Nanay niya?

"Hi, Nay, malaki ang utang na loob ko po sa inyo dahil pinalaki n'yo ako nang maayos at higit sa lahat, may takot sa Diyos. Love na love kita at kung anuman ang narating ko ngayon, e, inaaalay ko 'yan sa 'yo kasi mahal kita," pahayag ni Marian.

THE HEADTURNER. Kuwento pa ng lola ni Marian, noon pa man daw ay palagi nang nakukuhang muse ng mga basketball team ang kanyang apo. Kuwento rin ng former teacher niya na si Anita Matias, natatandaan pa raw niya noong JS Prom nila, first time daw na nangyaring dalawa ang title na nakuha ng isang estudyante—bilang Ms. Prom Queen at Ms. Junior—at si Marian ang nakakuha nito.

Dagdag pang kuwento ng lola ni Marian, kapag nagsisimba raw sila noon sa Baclaran, lahat daw ng madadaanang pulubi ng apo ay binibigyan nito ng pera. At dahil dalawa lang silang nakatira noon sa bahay nila sa Cavite, bago raw pumasok sa eskuwela si Marian ay naglilinis muna ito ng bahay. Hindi rin daw palasagot ang apo sa kanya at kapag inuutusan niya ay sumusunod agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa patuloy pa rin na pagkukuwento ng lola ni Marian, "Malambing siya. Panay nakayapos, lalo na sa pagtulog. Minsan sasabihin n'yan, 'Mahal na mahal ko ang lola ko.' Kaya mahal na mahal ko rin siya kasi, hindi rin naman siya nagpabaya sa akin."

Marami rin daw naging manliligaw si Marian mula pa lamang noong high school hanggang college. Kuwento rin ng pinsan niyang si Joan Quilatan, "nangungurot at sumisigaw" raw si Marian kapag kinikilig.

LOLA'S GIRL. Sabi ng lola niya, she's such a lola's girl?

"Sobra!" bulalas ni Marian. "Tulad ng sinasabi niya, kapag umaga talaga, kasi wala kaming katulong sa bahay, mas gusto namin ni Lola na kaming dalawa. Tulad ng sinabi niya, bago pumasok sa school, naglilinis talaga ako kasi ayoko na siya ang gagawa nun. Kasi ang lola ko, pasaway 'yan. Kapag may nakitang kalat, gagawin nun, lilinisin. So ako na lang talaga."

Paano niya sinisigurado na hindi sila napapalayo sa isa't isa ng lola niya with her busy schedule?

"Masakit talaga sa akin nung napalayo kasi 22 years niya akong inalagaan," umpisa ni Marian. "Sabi ko, 'Nay, kailangan kong gawin 'to para sa sarili ko. Alam kong mahirap para sa atin, pero gagawin ko 'to, hindi para sa akin kung hindi para sa ating lahat.'

"So, every day tinatawagan ko siya hanggang sa may itsitsika ako sa kanya na, 'Alam mo ba ganito...' palagi 'yan. Once a week nagkikita kami. It's either ako ang pupunta sa Cavite or siya ang pupunta sa akin. Hindi puwedeng hindi. Ganun kaming dalawa," lahad niya.

MARIAN'S "CHILD." Revelation naman ng pinsan ni Marian na si Joan, nang ma-hospital daw ang anak nito ay si Marian ang sumagot sa hospital bills. Gayundin nang binyagan ang anak niya, si Marian din daw ang sumagot sa lahat ng expenses. Pinatunayan din ng best friend niya na si Gail kung gaano kamahal ni Marian ang family niya—mula sa lola nito, mommy, mga pinsan, at pamangkin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo matagal nang balita ang tungkol sa pagkakaroon diumano ng anak ni Marian. Ito nga ang ginawang "pasabog" diumano ng isang bagong showbiz talk show sa pilot episode nito. Pero pinabulaanan naman ito ng taong malalapit kay Marian.

Ang batang tinutukoy ay ang pamangkin ni Marian na nagngangalang Jan-Jan. Nasa college pa lang daw si Marian ay nasa poder na nila ng kanyang lola ang pamangkin. Si Marian na raw ang nagpalaki sa bata.

And one misconception led to another, kabilang na nga rito ang isang grupo ng detractors ni Marian na lumapit daw sa mga taong malalapit sa aktres at tila gustong magsimula ng intriga.

Kuwento ng teacher ni Marian na si Mrs. Matias, "Kasi ang sabi nila, tribute kay Marian. Although wala naman talaga akong binanggit na negative. Tapos bandang huli... E, di marami na kaming napag-usapan about yung boyfriend niya, tapos, sinabi na, 'Totoo ba na may anak na si Marian?'

"Talagang ako, 'Ano?' Bago nila malaman or kung sinuman ang magkuwento, kami muna. Nandiyan lang 'yan sa kanto. Estudyante namin 'yan. Serious, hindi siya nabuntis. Hindi siya nawala sa school. Ni leave of absence, never."

Binigyang-linaw rin ng auntie ni Marian ang hindi mamatay-matay na isyung may anak na kanyang ang pamangkin.

"Sinasabi nila na si Jan-Jan anak ni Marian. Ibig ko lang iklaro, si Jan-Jan ay apo ko. At ang nanay at tatay ni Jan-Jan ay nasa Madrid. Hindi siya anak ni Marian, apo ko siya," diin nito.

So, Pia asked Marian kung ano nga ang nararamdaman niya na kahit yung pag-aalaga niya kay Jan-Jan ay binibigyan ng malisya ng iba?

"Sa buhay kasi ng tao," sabi ni Marian, "si Mama ko at si Lola ko, maayos naman kasi ang buhay nila. Parang may kanya-kanya silang business. Alam mo, yung hindi ko kailangang gawin para sa kanila. Kaya yun, nagbibigay na lang ako ng gifts para ma-share-an ko sila ng blessing ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, hindi naman lahat ng kamag-anak ko, maayos ang buhay kaya ako mismo sa sarili ko, pinili ko na palakihin at kunin si Jan-Jan at si Ella. Kasi, hindi napag-aaral. E, si Jan-Jan, pinag-aral ko mula Nursery, ngayon Grade III na siya. So, kung hindi ko man naibibigay sa family ko, at least, sa mga pamangkin ko, mabigyan ko rin sila ng magandang bukas. Nase-share ko ang blessing ko sa kanila. Kaya 'yang mga 'yan, maituturing kong mga anak ko talaga at palalakihin ko sila nang maayos."

Hindi ba siya napipikon sa mga nang-iintriga sa kanya?

"Ay, napipikon? Huwag na lang," sabi ni Marian. "Basta isipin ko na lang na...katulad niyan si Jan-Jan, isipin ko lang, paglaki niyan, maganda ang buhay kesa isipin ko ang sasabihin nila. Alam n'yong lahat kung sino ako at minahal n'yo ako kung sino ako."

REMAINS STRONG. Sa kabila ng mga intrigang patuloy na ipinupukol kay Marian ay nananatiling matatag ang aktres gawa na rin ng mga taong nagmamahal sa kanya. Isa na nga rito ang kanyang ina na si Mrs. Amalia Rivera.

Ayon sa mommy ni Marian, "Pagbutihin pa niya ang kanyang work. Palagi niyang tatandaan, nandito lang ako palagi sa kanya. Kung anuman ang mga intrigang darating sa buhay niya, nandito lang ako. Tandaan mo 'yan, mahal na mahal kita. I love you."

Nakausap din ng Showbiz Central ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes. Kung sa iba ay nami-misunderstood ang pagmamahal ni Marian sa mga bata, yun naman daw ang isa sa hinahangaan ni Dingdong.

"Isa sa mga katangian niya na talagang hinahangaan ko at hinahangaan ng marami, especially ng mga family members niya, ay yung kanyang kakaibang attachment sa mga kids, especially sa mga pamangkin niya. At ako, personally, nakita ko 'yan. How much she values yung future ng mga pamangkin niya, much more sa mga paborito niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Dingdong, "Lahat ng nangyari sa buhay mo, e, naka-contribute para maging kung sinuman ka man ngayon. At magmula noon hanggang ngayon, you're still the same person. Kaya yung mga nakilala mo noon, especially your family, e, mahal na mahal ka pa rin. Keep it up. Ito ang mga tunay mong alas na hindi mang-iiwan sa 'yo, kasama ako dun!"

Nakausap din ng Showbiz Central ang sinasabing "anak" daw ni Marian na si Jan-Jan. Sinabi nitong mabuti at matulungin daw ang kanyang Tita Marian na bata pa lang siya ay tinutulungan na siya.

Sa huli ay nagpasalamat si Marian sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.

"At siguro ano lang, ito lang ang masasabi ko... Hindi po ako perpektong tao. Hindi po perpekto ang buhay ko. Pero wala po akong itinago sa inyo, lahat ibinigay ko sa inyo," naiiyak na nitong pagsasalita.

"At ito lang po ako... Salamat sa lahat ng nagmamahal sa akin. Sa mga fans club ko dahil... At kung meron man na nakakakilala sa buong pagkatao ko ay ang mga nakita n'yo sa VTR. Sila ang mga kasama ko mula maliit ako hanggang sa lumaki ako.

"At siyempre, wala rin naman ako sa showbiz na ito kung hindi dahil sa mga nagtiwala sa akin. Kay Popoy Caritativo [her manager] na nandiyan ka hindi lang sa magaganda. Na siguro kung nasasaktan ako, mas nauna ka pang umiiyak sa akin. At kay Mr. T [Tony Tuviera] na isang tatay-tatayan ko na at isa rin sa mga nagtatanggol sa akin. Kay Tita Malou Choa-Fagar, kay Mother Lily Monteverde...

"Sa family ko, kay Mama ko, kay Lola ko, sa Tita ko. Siyempre sa GMA at sa lahat ng boss ng GMA, binigyan n'yo ako ng breaks. Sa mga fans ko dahil mahal n'yo ako. At siyempre kay Dong, salamat. Ikaw rin ang isa sa nakakaalam tungkol sa buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN