Paulo Avelino shrugs off rumor about LJ Reyes's "indefinite leave"

IMAGE 0


"Ang masasabi ko lang sa mga isyung ganun, parang sa kanya n'yo na lang tanungin kapag ganun. Ayoko rin kasing sumagot sa mga isyu na siguro masama or makakasakit sa ibang tao," says Paulo Avelino about insinuations that LJ Reyes (inset) took an indefinite leave because she may be pregnant.


Ang StarStruck 4 Avenger na si Paulo Avelino ang isa sa mga sumali sa Bebot 2010 ng Eat Bulaga! last Saturday, April 10. Bagamat 3rd runner-up lang siya, napakaraming nagandahan sa kanya nang magbihis-babae siya at kuntodo makeup pa. (CLICK HERE to read related story.)

"Nakakagulat nga, e. Para nga raw talaga akong babae!" natatawang sabi ni Paulo sa panayam sa kanya ng Showbiz Central. "Medyo nahihirapan. Nakakailang, pero pinilit kong gawin. Hanggang ngayon, masakit pa ang paa ko pagkaka-heels! Pero okey lang, masaya, masaya rito sa Eat Bulaga."

Proud nga raw ang mga malalapit na kaibigan ni Paolo, lalo na si LJ Reyes na nali-link sa kanya ngayon.

Matagal nang naiintriga na may relasyon ang dalawa. Pero hindi pa rin sila direktahang umaamin hanggang ngayon.

Sunud-sunod din ang public sightings sa dalawa na magkasama. In fact, usap-usapan na magkasama raw silang nagbakasyon last Holy Week bagay na hindi naman itinanggi ni Paolo.

"Sa Baguio kami," sabi niya. "Okey naman, pasyal-pasyal, kasama rin ang ibang staff ng GMA."

LJ'S INDEFINITE LEAVE. Pero mukhang matagal yatang hindi magkakasama ang dalawa dahil last Thursday, April 8, ay nag-file daw ng indefinite leave sa showbiz si LJ para magpunta ng U.S.

"May sakit daw ngayon, parang yung lower back niya, parang bumalik yata yung dati niyang sakit," balita ni Paulo.

Pero nabisita na ba niya si LJ?

"Hindi pa, hindi pa," sagot ng binata.

Malala na ba ang sakit ni LJ?

"Hindi ko rin alam, e. Mas maganda siguro kung siya na rin ang tanungin. Ang alam ko kasi, wala rin siyang kasama rito. Lahat kasi ng family niya, nasa States. Wala kasi siyang kasama. So, siguro, nag-worry rin ang mommy niya, ang sister niya."

Pero dahil sa naturang indefinite leave ni LJ, kung ano-ano na ang lumabas na isyu. In fact, may isang text message na natanggap ang Showbiz Central mula sa isang source na may ipinapahiwatig: "Is LJ Reyes pregnant? I saw her now sa Baguio with Paulo Avelino. Mukhang malaman ang tiyan niya but I'm not sure if buntis siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot naman ni Paolo ang isyung ito.

Aniya, "Ang masasabi ko lang sa mga isyung ganun, parang sa kanya n'yo na lang tanungin kapag ganun. Ayoko rin kasing sumagot sa mga isyu na siguro masama or makakasakit sa ibang tao."

May mensahe ba siya sa mga nang-iintriga sa kanila?

"Sa mga nagkakalat, bahala kayo. Kung masaya kayo sa mga ginagawa n'yo, just go on," saad ni Paulo.

His message for LJ?

"LJ, magpagaling ka," maikling pahayag ni Paulo, na regular na napapanood sa Panday Kids.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN