Judy Ann Santos is enjoying her pregnancy

IMAGE 0


"Hindi naman ako madaling mapikon. Hindi naman ako madaling mabuwiset. Ayoko ng may mga negative ako na nararamdaman. Ayokong magalit. Marami lang na fats na nadaragdag. Yung mga pag-itim ng mga bagay-bagay, hindi ko na lang siya pinapansin. May concealer naman!" says Judy Ann Santos about her pregnancy.


Sa pagharap ni Judy Ann Santos sa kamera noong Sabado, April 10, para sa birthday presentation ng asawang si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga!, nakita ng publiko that the actress is blooming and glowing sa kanyang pagbubuntis sa kanilang anak.

Mahigit tatlong buwan na ang dinadala ngayon ni Juday.

"Three months and two weeks. Sabi naman nila, sa first pregnancy mo, hindi mo alam kung gumagalaw na siya. E, according dun sa binabasa ko, as early as two weeks, gumagalaw-galaw naman na siya. Pero siyempre, hindi mo mararamdaman kasi yun ang mga development na stage, di ba? So, hindi ko pa alam kung ano ang nangyayari sa kanya," sabi ni Juday sa panayam sa kanya ng Showbiz Central.

Hindi naman daw mahirap ang pagbubuntis ni Juday.

"Hindi naman ako madaling mapikon. Hindi naman ako madaling mabuwiset. Ayoko ng may mga negative ako na nararamdaman. Ayokong magalit. Marami lang na fats na nadaragdag. Yung mga pag-itim ng mga bagay-bagay, hindi ko na lang siya pinapansin. May concealer naman!" natatawa niyang sabi.

"And so far," patuloy ni Juday, "hindi ko pa naman sinisisi si Rye sa mga nangyayari! Masaya. Nae-enjoy ko siya at saka ang dami kasing nag-aalaga sa akin."

Instead na magselos, masaya raw si Juday na nakikita niyang excited ang adopted daughter nila ni Ryan na si Yohan sa pagdating ng kapatid.

"Every day, kinakausap niya yung baby. Every day, parang gusto niyang pumasok sa tiyan ko para makapaglaro na siya sa kapatid niya. Ano siya, para pa nga siyang tatay na kapag nakita lang siyang may bagong kulay akong iniinom, 'Mommy, you're drinking wine?' Pinagagalitan ako niyan. Or, 'Mommy, you're wearing heels!' Ganun siya ka-protective sa akin," kuwento ni Juday.

Nabanggit din ni Juday na itutuloy pa rin nila ni Ryan ang kanilang trip abroad. May adjustment na nga lang daw sa supposedly ay second honeymoon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Supposedly nga, second honeymoon. But since hindi kami makakapunta sa lugar na mapapagod ako, malamang mag-Amerika na lang kami. Yung birthday treat niya, anniversary and siyempre yung birthday ko," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN