Dingdong Dantes on rumor that Marian Rivera has a child: "The truth will always prevail."

IMAGE 0


"Tumutulong na nga lang siya, gumagawa na nga ng mabuti, e, nami-misinterpret pa. I'm not saying na hindi maganda ang pagiging image na may anak. Hindi naman ibig sabihin pangit yun. Pero siyempre, may ibang nanay ang bata at hindi natin tinatanggal ang recognition na yun," says Dingdong Dantes about rumor that girlfriend Marian Rivera already has a child.


Sa launching ng Prinsipyo Ko, Walang Presyo; Boto Ko Para Sa Pagbabago ng Ayos Na (Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino) sa King Bee Chinese restaurant, E. Rodriguez Ave., Quezon City kagabi, April 12, naitanong kay Dingdong Dantes ang tungkol sa tsismis na may anak na raw ang girlfriend niyang si Marian Rivera.

Lumabas ulit ang isyung ito kay Marian dahil ito ang naging "pasabog" ng isang bagong showbiz talk show na nag-pilot noong Linggo, April 11.

Ayon kay Dingdong, "Kahit anong tingnan n'yo, lilitaw at lilitaw ang totoo. It's just saddening na kinakailangan na ganoong tactic just to promote something else. I don't know, pero para sa akin, the truth will always prevail. Basta naniniwala ka sa katotohanan.

"At ako, alam naman namin ang totoo, e. Pinalalakas na lang namin ang loob niya [Marian] para hindi masira ang araw niya. Kasi siyempre, hindi naman simpleng bagay lang yun, nakakaapekto rin yun."

Naaapektuhan ba si Marian sa isyung ito?

"Oo naman," pag-amin ni Dingdong. "Siyempre, tao rin naman siya. Tumutulong na nga lang siya, gumagawa na nga ng mabuti, e, nami-misinterpret pa. I'm not saying na hindi maganda ang pagiging image na may anak. Hindi naman ibig sabihin pangit yun. Pero siyempre, may ibang nanay ang bata at hindi natin tinatanggal ang recognition na yun."

Hindi ba nakaapekto sa kanilang dalawa ang intriga?

"Hindi, kasi alam naman namin ang totoo," sagot niya.

Hypothetically, kung totoo ang balita, matatanggap ba niya 'yon kay Marian?

"Tinanggap ko kung sino siya at ibig sabihin nun, lahat ng taong nakakabit sa kanya, e, tinanggap ko. Given any circumstance, I don't even think so," saad ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN