Dingdong Dantes says he will talk about marriage when the time is right

IMAGE 0


Marian Rivera says one of the most unforgettable things that her boyfriend Dingdong Dantes did was preparing a birthday surprise for her lola in form of a music video he directed. Dingdong Dantes adds, "Nakontak niya lahat ng taong dapat na naroroon. So, yun ang isa sa ginawa niya na hindi ko makakalimutan."


Magkasabay na dumating sa kauna-unahang press conference ng bagong pelikula ng GMA Films at Regal Films, You To Me Are Everything, sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Siyempre, ang bungad na tanong namin sa 25-year-old actress ay siya ring naging unang hirit namin sa 28-year-old actor: Kailan nga ba ang anniversary niyo?

"Sa totoo lang, kahit sa amin, ayaw naming pag-usapan yun. Lahat naman [ay] nabanggit namin sa YES! magazine kung papaano namin nakilala ang isa't isa...And with that, we want to keep it open for them to interpret it kung anuman ang gusto nilang i-interpret," ang sagot ng isa sa mga top leading men ng GMA-7.

As a boyfriend, nakakaramdam ba siya ng selos minsan?

"Siyempre naman," mabilis niyang pag-amin. "It's a fact naman na halos karamihan ng Filipinos, e, humahanga sa kanya, di ba? So, hindi na natin made-deny 'yan. So, yun...siyempre naman, siyempre."

Kung para kay Marian, "kulang pa sa everything" ang ginawa niyang paglalarawan kay Dingdong, ano naman ang masasabi niya tungkol sa nobya?

Pahayag ng prized talent ni Perry Lansigan, "Para maging balanse at masabing close to perfect ang isang bagay, hindi puwedeng isang tao lang, e. Kailangan mo talaga ng counterpart, isang tao to make you whole. Gaya nga ng sabi ko kanina sa equation, it has to be one plus one. And I would like to think na ako yung isa at siya [Marian] yung isa."

Napag-uusapan na ba nila ang future plans?

"We want to take it a day at a time. Sa ngayon, we want to focus promoting the film because after the film, ang TV show namin na Endless Love. Again, it will be parang great event sa aming dalawa. Pero bago pa yun, may series of concerts pa kami sa Amerika at Canada," lahad pa ni Dong (palayaw ng aktor).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang banggitin namin ang salitang kasal, heto ang tinuran niya: "Alam mo, isang magandang bagay sa amin, we both give much importance to that word. We really keep it sacred. Kung kailangan siyang pag-usapan, e, siguro, sa panahong kailangan siyang pag-usapan. And again, it's an event not just for us but individually also. Kasi ako, naniniwala ako run at siya rin, sabi nga niya isang korona."

Lastly, tinanong namin si Dingdong kung anong maaasahan ng mga manonood sa kanyang upcoming movie.

"Lahat ng tao siyempre, maaaring busy, maraming activities ngayong May. Nandiyan ang pasukan, so, it's a great way of relaxing. At talagang mag-e-enjoy ka bago ka umuwi ng bahay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN