ELECTION WATCH: Willie Revillame will say no to government position if Sen. Manny Villar wins

Apr 14, 2010
"Wala, wala. Hindi ko kailangan [government position], hindi. Bakit? Aanuhin ko yung government position, e, hindi ko na mabibili iyong gusto ko, hindi ko na mapupuntahan iyong mga gusto ko, maku-question na ako e. E, ito, walang kumu-question. Binabayaran ko ang tax ko ng totoo at legal. So, ibig sabihin, hindi ko gagawin iyon," says Willie Revillame when asked if he's going to accept a government position once Sen. Manny Villar wins as Philippine president.&l

Kasama ni Willie Revillame sa kanyang Wowowillie Meets Rockatropa show sa South Cotabato Sports Complex sa Koronadal, South Cotabato, noong April 11, Linggo ng gabi, ang buong tiket ng Nacionalista Party (NP) sa pangunguna nina Sen. Villar at Senator Loren Legarda.

Kilala ngang malapit si Willie sa bilyonaryong senador na kandidato sa pangka-pangulo ng bansa. Kaya tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng press kung maglalabas-masok ba siya ng Malacañang kapag nanalo si Sen. Villar.

"Hindi," maigsing sagot muna ng host ng Wowowee. "Hindi ako pupunta ng Malacañang, may trabaho ako, may Wowowee ako, so roon ako.

"Kung ano ang hinihingi ng mga tao, maaaring ilalapit ko sa kanya [Sen. Villar]. Sinusuportahan ko si Sen. Villar dahil naniniwala akong makakatulong siya sa mga tao, pero hindi para maging part [ako] ng Malacañang.

"Kung may okasyon, puwede akong magpunta roon, kakain lang. Pero para gawing tambayan, hindi ko gagawin iyon, hindi naman sa akin iyon, e," patuloy pa ng YES! 2009 Most Powerful Celebrity.

Continue reading below ↓

NO GOVERNMENT POSITION FOR WILLIE. Pero may usap-usapang ilalagay raw siya sa Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corporation) kung saka-sakaling maging presidente na nga si Sen. Villar.

"Iyan ang ipapangako ko, ayokong maapektuhan ang programa kong Wowowee. Hindi ako para pumuwesto. Bakit? Kaya ba ako tumutulong sa kanya para pumuwesto? Hindi.

"Wala kaming pinag-usapan, walang offer at wala akong hinihingi. Basta ako, mas masaya araw-araw, sa Wowowee lang ako," turan pa ng TV host.

Sabi pa ni Willie, makakaabala lang daw sa lifestyle niya kung magkakaroon siya ng puwesto sa gobyerno.

"Wala, wala. Hindi ko kailangan [government position], hindi. Bakit? Aanuhin ko yung government position, e, hindi ko na mabibili iyong gusto ko, hindi ko na mapupuntahan iyong mga gusto ko, maku-question na ako e. E, ito, walang kumu-question. Binabayaran ko ang tax ko ng totoo at legal. So, ibig sabihin, hindi ko gagawin iyon."

NOT FOR SALE. Tinanong naman ng PEP si Willie kung magkano ang ibinayad sa kanya dahil talagang todo-bigay siya sa pagsuporta kay Villar kahit paos at pagod na pagod na siya.

Continue reading below ↓

"Hindi nababayaran ang pagkatao ko. Hindi niya ako puwedeng bayaran. Kasi pag binayaran niya ako at humarap ako sa mga tao, isa akong bayaran. At wala akong hinihingi sa kanyang posisyon. Ang sinasabi ko lang sa kanya, maging tulay ako ng mahihirap. Dahil sa araw-araw na ginagawa ko sa Wowowee, nadidinig ko ang mga hinanaing ng mga squatter, lahat ng mga kawawa at basurero. Roon lang sa Wowowee wini-welcome ang kahit butas ang shorts, walang tsinelas, at nagdudusa. Roon lang nakikita ng buong mundo iyan.

"Ang inaambag ko lang sa kanya ay yung kasiyahan ng mga tao. Ang ginagastos ko rito, pera ko mismo. Matitiis mo ba kasi ang mga matatanda, ang mga bata? Maaga pa lang nandito na 'yan, nakapila na ang mga 'yan. Ang ibinibigay ko sa kanila, pera ko iyon, pambili man lang ng kape, tinapay, pang-almusal. Kahit kaunti ay makatulong tayo. Ako iyon, ako ang nagbibigay ng pera, abonado na nga ako, e. Ha-ha-ha!" pabirong sabi pa niya.

Continue reading below ↓

"Kapag nanalo si Villar, hindi kami ang nanalo, ang sambayanan. Iyong mga taong nangangailangan ng tulong. Maaaring hihingi tayo sa kanya ng gamot, panghanapbuhay... hihingi tayo sa kanya ng pang-housing na kayang bayaran ng mga walang pera. Gagawan natin ng paraan na matulungan ang mahihirap," dagdag niya.

Totoo ba ang tsismis na bahagi ng ibinayad sa kanya ni Sen. Villar ay yung WillTowers?

"Sa business side yun, iba naman yun. Kikita pa nga sila roon dahil halos 70 percent na ang nabebentang units. So, ibig sabihin no'n, walang ibinayad, kumita pa sila. Siya [Sen. Villar] na ang tanungin ninyo, kasi sa isang interview, sinabi niya na advantage sa kanila iyon," sagot ni Willie.

Ano ang comment niya sa sinasabi ng iba na siya ang alas sa kampanya ni Sen. Villar?

"Hindi totoo yon. Ang alas ay yung mga tao. Sila ang importante riyan. Walang alas-alas dito, ang alas talaga ay iyong mga tao. Kasi, kahit naman pumunta ako riyan at wala namang mga tao, balewala, di ba?"

Continue reading below ↓

Sa palagay ba ni Willie, siya ang pantapat ng NP kay Kris Aquino ng Liberal Party (LP)?

"No, wala namang comparison diyan kung sino man ang nag-e-endorse, e. Nasa sambayanang Pilipino pa rin iyan. Nasa tao pa rin iyan. Ang importante riyan ay may tiwala ako sa kanya [Sen. Villar], at ano ba iyong paniniwalaan ng mga tao? Siya pa rin iyan, e, at hindi naman ako. Basta ang tiwala ko lang ay nasa kanya."

CONCERNING THE KEMBOT GIRLS. Pabiro ring sinagot ni Willie ang isyu kaugnay sa Kembot Girls na inirereklamo ng ilang babaeng senatorial candidates ng NP. Kasama kasi sa tulong sa pangangampanya ni Willie ang performances ng nagseseksihang dancers ni Willie na halos kakarampot na lang ang mga suot na damit.

Balak ba niyang balutan pa nang husto ang seksing costumes ng mga ito para ma-please ang mga nagrereklamong senatorial candidates?

"Gusto ko nga, bawasan pa, e. Ha-ha-ha!" sabay-tawa ni Willie.

Continue reading below ↓

"Okey na iyon," biglang bawi niya. "Yung 5 to 7 pm, sila na iyon [mga kandidato], yung 7 [pm] and up, ibig sabihin, puro entertainment na iyon.

"Siyempre, nirerespeto ko naman yung opinion nila dahil sabi nila [para] sa kakabihan. Okey naman iyon. But dapat din na maintindihan nila na entertainment lang naman 'to," katwiran ni Willie.

ACCURATE REPORTING. Sa isyung may tampo raw si Willie sa paraan ng pagre-report ng ABS-CBN sa mga campaign sorties ng NP, nilinaw rin niya na wala siyang galit o tampo at lalong hindi raw siya nangdidikta sa Kapamilya station kung paano ito mag-ulat hinggil sa sinusuportahan niyang partido.

"Ang sinasabi ko lang, maipakita lang sana kung gaano karami yung mga taong pumupunta rito sa rally ni Villar pag magkakasama kami. Mas maganda iyon, e. Para nakikita ang totoo at kung sino talaga ang mga pumupunta. Kasi, iyon ang mga bida sa atin, e, iyang mga taong iyan.

Continue reading below ↓

"Ang ipinapakita lang, yung nakatayo kami sa stage. Nakita niyo naman ang katotohanan na punung-puno ng tao." Estimate nga raw ng mga in-charge sa Wowowillie Meets Rockatropa ay more than 150,000 ang mga taong pumunta sa South Cotabato Sports Complex.

"Kasi may nabasa akong write-up, 20,000 lang yung dumating. Yung buong stadium ng CamSur, at witness kayo, otsenta mil na yun.

"So, sinasabi ko sana, hindi puro close-up at sana ay hindi puro kami ang ipinapakita sa TV. Sana po pati yung mga tao," tila pakiusap pa ni Willie.

Nag-request ba siya sa management ng ABS-CBN ukol dito?

"Hindi ko naman puwedeng i-request sa management at hindi rin ako puwedeng magdikta sa kanila, na ipakita naman kung gaano karami ang tao. Kasi pangit naman iyon.

"Actually, hindi lang naman sa ABS, sa lahat ng istasyon. Kaya nga kanina, pinaakyat ko kanina sa stage ang mga cameramen. Para ipakita nila kung gaano karami ang mga tao at ang mga tao naman ay masiyahan.

Continue reading below ↓

"Napunta kasi kami sa Cabanatuan, 200,000 plus ang tao, sa CamSur 200,000 din. May mga rally na more than 100,000 pero ang nakadyaryo ay 10, 000 na naman, kaya masyadong masakit. Kasi, hindi lang kami ang nababastos, yung mga tao rito. Pumipila at naghihirap ang mga taong iyan, 'tapos ang sasabihin, ganoon lang ang dami," reklamo pa ni Willie.

PERSONAL THANKS. Ani Willie, isa rin sa mga rason ng pagsama niya sa pangangampanya ay upang makapagpasalamat nang personal sa mga tumatangkilik sa kanya at sa kanyang show.

"Every Sunday ng kampanya kasali ako, yun lang ang available ako, e. Ginagawa ko rin ito para makalapit ako sa mga tao. Para na rin magpasalamat sa pagtangkilik nila sa Wowowee. Kasi, wala namang gagastos ng ganyang kalaki, hindi naman gagastusan iyan ng ABS. So, sinasamantala ko na, para makapagpasalamat ako sa mga kababayan natin.

"At inuulit ko po, walang perang pinag-uusapan dito. Alam po ng Diyos iyan, mawala na sa akin ang lahat kung ano man ang mayroon ako, hindi nila ako puwedeng bayaran," seryosong saad ni Willie.

Continue reading below ↓

"Ayaw ko namang ibenta ang kaluluwa ko... hindi ba? Para sa sambayanan, hindi naman puwede iyon. Walang katumbas na halaga ito sa pagharap ko sa tao at wala itong kapalit, wala akong hiniling sa kanya [Villar] na kahit na ano," pagtatapos ni Willie.

Nakita rin ng PEP Wowowillie Meets Rockatropa ang Pambansang Kamao na si Manny 'Pacman' Pacquiao, sina Ara Mina, Jessa Zaragoza, Randy Santiago, Geneva Cruz, Andrew E., April Boy Regino, ang bandang Aegis, sina Edgar Mortiz, Lito Camo, at marami pang ibang artista.

Read Next
Read More Stories About
Willie Revillame, Kris Aquino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala, wala. Hindi ko kailangan [government position], hindi. Bakit? Aanuhin ko yung government position, e, hindi ko na mabibili iyong gusto ko, hindi ko na mapupuntahan iyong mga gusto ko, maku-question na ako e. E, ito, walang kumu-question. Binabayaran ko ang tax ko ng totoo at legal. So, ibig sabihin, hindi ko gagawin iyon," says Willie Revillame when asked if he's going to accept a government position once Sen. Manny Villar wins as Philippine president.&l
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results