Tweetbiz reporter Justine Ferrer denies being the reason Gretchen Barretto walked out in a presscon

IMAGE 0


"Nagulat naman ako at ipinagtanong pa raw ako ni Gretchen. Kaso may nagbuking sa akin na hindi raw ako babae! Imagine, ibuking pa ako kay Gretchen! Hindi raw ako babae at transsexual ako. Natawa tuloy ako and for sure, nagulat si Gretchen doon," says former Survivor Philippines castaway Justine Ferrer.


Ipinagtanggol ni Justine Ferrer ang kanyang sarili tungkol sa balitang siya raw ang dahilan kung bakit nag-walkout si Gretchen Barretto sa sarili nitong presscon noong April 7 sa Eastwood City. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa lumabas na report, ang Survivor Philippines: Palau runner-up na si Justine ang nag-i-interview kay La Greta para sa programang Tweetbiz ng Q Channel 11 bago tumayo sa kanyang kinauupuan at nag-walkout ang aktres. Hindi raw nagustuhan ni Gretchen ang mga tanong nito tungkol sa kanila ng kapatid niyang si Claudine Barretto.

Sabi naman ni Justine sa PEP (Philippine Entertainment Portal), mali ang balitang lumabas dahil hindi lang siya ang nagtatanong kay Gretchen noong oras na 'yon.

"Marami kaming nakapalibot kay Gretchen sa presscon na 'yon. 'Tsaka hindi ako ang nag-initiate na magtanong about sa kanila ni Claudine. May isang reporter doon na nagsimulang magtanong about Claudine. Sinagot naman ni Gretchen, e, kaya I felt na okay na mag-follow up ako ng tanong tungkol din doon.

"Bago naman ako magbigay ng mga tanong, nag-research ako at lahat naman ng tinanong ko ay based sa mga sinabi ni Claudine sa presscon niya sa GMA-7. In fairness, wala namang masamang sinabi si Claudine tungkol sa kanya.

"In fairness din, sinasagot naman ni Gretchen nang maayos ang mga tanong ko. Tapos nagulat na lang kami nang bigla siyang tumayo at nag-walkout. Pero before siya tumayo, hindi ako yung huling nagtanong sa kanya. May isang babaeng reporter doon na nagtanong sa kanya, tapos doon na siya nag-walkout.

"Kaya nagulat ako na ako ang sinisisi. Mali 'yon kasi marami kaming nasa paligid ni Gretchen. Kung sana ka-one-on-one ko siya for Tweetbiz at bigla niya akong nilayasan, e, di ako ang may kasalanan talaga. Kaso marami kami, kaya huwag nilang isisi sa akin," paliwanag ni Justine.

LESSON LEARNED. Inakala pa nga raw ni Justine na baka nagdyu-joke-time lang si Gretchen sa kanyang pag-walkout. Kasi nga raw, hindi ito dumiretso sa kanyang sasakyan kundi naglakad-lakad pa ito sa labas ng venue habang sinusundan siya ng mga kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naloka nga ako kasi akala ko nagsu-show lang itong si Gretchen. Feeling ko kasi, hindi siya nag-walkout. Kasi kung nag-walkout siya talaga, hindi na siya magpapaikut-ikot sa labas. Didiretso na ito sa sasakyan niya at aalis na siya. Kaso nagpalakad-lakad pa raw sa labas at nagpapasunod sa mga kamera. Parang TMZ ang drama niya, di ba?

"Tinanong ko tuloy ang sarili ko kung totoo bang walkout 'yon? Umasa pa nga ako na babalik siya para magpa-interview ulit. E, hindi na siya bumalik. Pero hindi ako ang may dahilan no'n, huh!" giit niya.

Bago raw tuluyang nawala si Gretchen ay may sinabihan daw ito na uminit ang ulo niya kay Justine. Tinanong pa raw ni Gretchen kung sino raw ang babaeng nagtanong sa kanya.

"Nagulat naman ako at ipinagtanong pa raw ako ni Gretchen. Kaso may nagbuking sa akin na hindi raw ako babae!" malakas na tawa ni Justine. "Imagine, ibuking pa ako kay Gretchen! Hindi raw ako babae at transsexual ako. Natawa tuloy ako and for sure, nagulat si Gretchen doon."

Ano ang natutunan ni Justine sa experience niyang 'yon kay Gretchen?

"Naku, napaka-unpredictable pala niyang tao. Gano'n pala siya. Feeling ko pa naman makakapag-picture ako sa tabi niya after ng interview. E, biglang nag-walkout!

"First time ko naranasan 'yan sa trabaho ko as correspondent ng Tweetbiz. Sinasabi nga sa akin ng ibang reporters na hindi lang iyon ang mararanasan ko kasi iba't iba ang ugali ng mga artista.

"Okey lang kasi enjoy naman ako sa ganyan. Nakikita ko na kung ano talaga ang showbiz. You either love it or hate it. Depende sa iyo kung kakayanin mo. Kung ako ang tatanungin, love ko ang showbiz kasi kung anu-ano ang nangyayari. In fairness, masaya ang mundo na ito kaya tuluy-tuloy lang tayo sa trabaho natin," saad ni Justine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN