Director Joyce Bernal: "Hindi ako alcoholic!"

IMAGE 0


"Wala namang masamang uminom. Kapag wala akong trabaho, kapag nasa gimik ako, kasama ang mga kaibigan ko, umiinom ako, masama ba 'yon? Pero hindi ako alcoholic, at lalong hindi ako na-rehab dahil sa alak o ng dahil sa kung anumang bagay. Never akong na-rehab, hello!" says director Joyce Bernal.


May kumakalat na balitang nasa rehab daw ngayon ang box-office director na si Joyce Bernal dahil sa alcoholism. Upang kumpirmahin ang balitang ito ay tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa cell phone ang lady director kaninang hapon, April 15.

Sinagot naman agad si Direk Joyce ang aming tawag. At nang tanungin na nga namin kung totoo ba ang balitang nasa rehab siya ngayon, ito ang kanyang naging kasagutan: "Ha? Hello, nasa Starbucks ako ngayon dito sa Imperial [Palace Suites, Tomas Morato]! Paano naman akong mare-rehab, e, ang dami ko kayang ginagawa? Dalawa ang pelikula ko, at tatlo ang TV shows ko—isa sa GMA, dalawa sa TV5—so paano? Hello!"

Ang dalawang pelikula na idinidirek ni Joyce ay Of All The Things nina Regine Velasquez at Aga Muhlach para sa Viva Films, at Promise Me (working title) nina Robin Padilla at Toni Gonzaga para sa Star Cinema. Siya rin ang director ng Wachamakulit ni Eugene Domingo sa GMA-7, BFGF ng TV5, at isa pang upcoming comedy ng TV5 with Eugene.

Kaya nagtataka raw ang direktor kung bakit may kumakalat na balitang nasa rehab siya.

Pero hindi naman itinanggi ni Joyce na umiinom siya.

"Wala namang masamang uminom. Kapag wala akong trabaho, kapag nasa gimik ako, kasama ang mga kaibigan ko, umiinom ako, masama ba 'yon? Pero hindi ako alcoholic, at lalong hindi ako na-rehab dahil sa alak o ng dahil sa kung anumang bagay. Never akong na-rehab, hello!" diin niya.

Sa balitang siya at ang kanyang pag-inom daw ang dahilan kaya hindi matapus-tapos ang Of All The Things nina Regine at Aga, ang isinagot sa amin ni Direk Joyce: "Hindi ako naglalasing kapag may trabaho."

Sinagot din niya ang balitang last time na galing sila sa Boracay para sa showing doon ng Kimmy Dora ay wala siyang inatupag kundi uminom. May nakakita pa raw sa kanya na nakahandusay sa buhangin at walang malay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, uminom ako dun, pero wala akong trabaho kaya ako uminom. Gimik yun kaya walang masamang uminom. Kung nakahandusay man ako sa buhangin, kung iyon ang sinasabi nila, bahala sila. Wala naman sa akin yun kahit na itsismis nila ako, na kesyo nakahandusay ako sa buhangin.

"Ano ba ang masama doon? E, uso naman talaga sa Boracay ang nakahiga sa buhangin! Beach 'yon, di ba? Pero that night sa Boracay na sinasabi nila, na nakahandusay ako sa beach dahil sa kalasingan, hindi totoo yun, hindi talaga," tanggi ni Direk Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN