(UPDATED) It's confirmed: LJ Reyes is pregnant!

IMAGE 0


It has been confirmed that LJ Reyes is indeed pregnant and the father of her child is rumored boyfriend Paulo Avelino (inset).


Kumpirmadong buntis ang young actress na si LJ Reyes.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), anim na buwan na ang dinadala ni LJ. Ang ama ng kanyang ipinagbubuntis ay ang rumored boyfriend niyang si Paulo Avelino, bagamat hindi pa inaamin ng dalawa sa publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Base sa ultrasound test, baby boy ang ipinagbubuntis ni LJ.

Sa susunod na linggo ang balak na paglipad ni LJ sa New York para doon isilang ang panganay nila ni Paulo. New York resident ang ina ni LJ.

Sa report naman ng 24 Oras ngayong gabi, April 15, mismong ang SVP for Entertainment TV ng GMA Network na si Ms. Wilma Galvante ang nagkumpirma sa pagdadalang-tao ni LJ. Ang kumpirmasyon ang tumapos sa mga haka-haka na buntis si LJ dahil sa naunang pahayag ng kampo ng young actress na mawawala muna siya sa showbiz para ipagamot ang pananakit ng kanyang likod.

Nakausap daw ni Ms. Galvante sina LJ at Paulo at nakasuporta pa rin daw ang Kapuso network sa dalawang young stars na parehong produkto ng StarStruck; si LJ, 22, ay mula sa Batch 2 samantalang si Paulo, 21, naman ay mula sa Batch 4.

"Ready sila na harapin ang responsibilidad na ito. Buo ang loob nila. Hindi naman sila nagtatago...," saad ni Ms. Galvante.

Ayon pa kay Ms. Galvante, pupunta muna raw si LJ sa States upang doon manganak, samantalang si Paulo ay mananatili rito sa Pilipinas upang harapin ang kanyang showbiz commitments.

Sinubukan ng 24 Oras na makausap sina LJ at Paulo, pero nabigo sila. Pagkatapos kumpirmahin ng 24 Oras ang tunay na kalagayan ni LJ, nag-post si Paulo ng message sa kanyang Twitter account. Aniya, "There are reasons for everything. I thought being a friend was all about understanding? Let's just be happy. :-) smile!"

INDEFINITE LEAVE. Unang pumutok ang balitang buntis si LJ nang mag-file siya ng indefinite leave noong April 8. Lalong lumakas ang duda na nasa interesting stage si LJ dahil sa pahayag ni Paulo sa Showbiz Central noong Linggo, April 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang bahagi ng interbyu, sinabi ni Paulo na pupunta si LJ sa States si LJ upang ipatingin doon ang matagal nang problema nito sa likod. Bukod pa rito, nandoon daw kasi sa States ang buong pamilya ni LJ.

Nang tanungin naman tungkol sa balitang buntis si LJ ay hindi naging malinaw ang sagot ni Paulo at nagbago ang reaksiyon ng kanyang mukha. Aniya, "Ang masasabi ko lang sa mga isyung ganun, parang sa kanya n'yo na lang tanungin kapag ganun. Ayoko rin kasing sumagot sa mga isyu na siguro masama or makakasakit sa ibang tao." (CLICK HERE to read related story.)

Nakatakdang mag-guest sina LJ at Paulo sa showbiz talk shows ng GMA-7 na Startalk at Showbiz Central ngayong weekend upang ilahad ang buong katotohanan ng pagbubuntis ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN