Ruffa Gutierrez sympathizes with Ma. Venus Raj; says Stella Araneta is not "matapobre"

IMAGE 0


Ruffa Gutierrez would like to clarify her "May Starbucks ba do'n?" line in the Working Girls. She explains, "I'd like to clear lang that issue. Kasi may nagtanong sa akin na ano raw ba ang masasabi ko na baka yung mga taga-Angono galit sa akin? "It was just a role that I'm portraying. Ang nagsabi noon po, hindi si Ruffa Gutierrez kundi yung character ko sa pelikula. So, paki-clear lang po. Kasi nga just the other day, I've be


Isa sa pinag-usapan sa press conference ng Working Girls—ang latest project ng Viva Films, GMA Films, at Unitel—na naganap kahapon, April 15, sa Gateway Suites sa Araneta Center, Cubao—ang pagkaka-dethrone ng Bb. Pilipinas-Universe title holder na si Maria Venus Raj.

Dalawa kasi sa cast ng pelikula ay dating Binibining Pilipinas winners–sina Maria Isabel Lopez, 1982 Bb. Pilipinas-Universe, at si Ruffa Gutierrez, 1993 Bb. Pilipinas-World.

Matapos magbigay ng maaanghang na pananalita ang una laban sa pamamalakad ni Stella Marquez-Araneta sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BCPI), si Ruffa naman ang hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press people ng pahayag sa kontrobersiyang ito.

Ang kanyang opinyon: "Para sa akin lang, hindi dapat umabot pa sa ganung klaseng kahihiyan. Kung puwedeng maiwasan, screening committee pa lang when you're giving your requirements for your candidacy, dapat doon pa lang tinanggal na siya or tinanggal na yung mga dapat hindi qualified na sumali.

"Hindi yung tatanggapin mo and then two weeks na kayong nagte-train kasama yung ibang candidates, tapos na-crown ka na, siyempre masayang-masaya ka. Televised sa buong Pilipinas, pinag-uusapan sa buong mundo, and then all of a sudden, later on, 'Oh my goodness, we made a mistake. Hindi pala siya qualified. Tanggalan natin siya ng korona.'

"Nakakahiya naman yun, di ba? And for any reason, she does not deserve that kind of embarrassment, di ba?"

Nakikisimpatiya ba siya kay Venus?

"Well, of course," ang mabilis niyang sagot. "Kung sa akin nangyari yun, mapapahiya rin ako. Dapat umpisa pa lang tinanggal na siya, hindi na siya pinasali para iba naman ang nanalo. So, to avoid this kind of embarrassment or problem, dapat sa screening pa lang, maayos na lahat. You know, lahat ng qualifications, lahat ng requirements, doon pa lang inayos na, hindi na sana siya pinasali.

'Tapos after bawiin yung korona ngayon, ibabalik din pala nila. So, that's parang magulo, di ba? At nakakahiya sa tao. Bilang babae, even if I never met her, I feel for her because if that happened to me, siyempre, mahu-hurt din ako at hindi rin ako papayag na mapahiya ng ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN DEFENSE OF STELLA MARQUEZ-ARANETA. Ano naman ang masasabi niya sa comment ni Isabel na dapat ay hindi raw isang banyaga at elitistang katulad ni Stella Marquez-Araneta ang mamuno sa BCPI?

"Na-stress ako sa mga sinabi ni Ms. Isabel kanina at pinawisan ako nang bonggang-bongga. Napaka-outspoken pala niya," ang bungad ng host-actress.

Dugtong niya, "Well, Mrs. Araneta is a good friend of mine. She's my ninang sa kasal. Even if she's a foreigner and she's not from here, and kahit sinasabi nilang elitista siya, I think she's fair. Lahat naman kami may kanya-kanyang opinyon.

"Ang opinyon ko naman, sasabihin ko, hindi siya matapobre dahil siya pa mismo ang gumagawa ng paraan para makatulong sa kapwa niya. We do a lot of charity works. She helps the children. She's done a lot of great things for Araneta Center. So, I think we're entitled to our own opinion. And my opinion, hindi siya matapobre."

Si Madam Stella ay naging Miss Colombia noong 1959, at siya rin ang kauna-unahang nanalo sa Miss International beauty pageant noong 1960. Ang kanyang napangasawa ay si Jorge Araneta. At simula noong 1964, siya na ang nagsilbing organizer ng Binibining Pilipinas.

Hindi ito ang unang isyu na ibinato sa BPCI. Ilang beauty queens na rin ang na-dethrone dahil sa problema nila sa nationality.

Noong panahon ni Ruffa, konting aberya lang naman daw ang nangyari.

Ang kuwento ni Ruffa, "Noong time ko kasi noong 1993 when I joined, I remember half—if not all of those who joined, like 80 percent—ng sumali [ay] nag-walkout. Kasi ang cut off time ay 12:00 midnight, dumating ako 11:45 p.m., so we're still qualified to join. Late nga lang pero pasok pa rin doon sa oras.

"So, ako yung inaaway ng lahat. Ako yung inaaway, kinaiinggitan. I remember yung ibang alalay ko, nakipag-away pa sa ibang contestants. So, it was really magulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I remember one time, nagpaalam ako for one day para umalis, kasi kailangan, dahil may taping kami noon ni Robin Padilla, e. So, akala nila tumakas ako. So, yung ibang girls they ganged up on me and sinumbong nila ako sa committee, not knowing na pinayagan naman ako at nagpaalam naman ako nang maayos. So, may mga ganung factor.

"Wala akong friends, kaaway ko noon si Dindi Gallardo [1993 Binibining Pilipinas-Universe], you know, hindi kami magkasundo. Pero now, we're really good friends, love ko si Dindi ngayon. So, may mga ganun. I think when you get older, you pass that stage. And magkaibigan na kaming lahat."

Nagkaroon ba ng palakasan during her time?

"Noong time ko, wala. Pero feeling nga nila, ako yung malakas pero hindi naman. I didn't think of anything like that," aniya.

CERTIFIED WORKING GIRL. Incidentally, gagampanan ni Ruffa sa modern sequel ng Working Girls ang character ni Marilou, isang beauty queen na maagang nabalo ng mayaman niyang asawa. Naging instant CEO (Chief Executive Officer) nga siya ng kumpanyang iniwan sa kanya. Pero malaking balakid ang mga kamag-anak ng yumao niyang mister dahil determinadong agawin ang mana sa kanya.

"Nag-enjoy talaga ako sa paggawa ng movie na ito. Grabe yung mga kailangang pagdaanan ni Marilou just to prove herself," sabi ng dating beauty queen.

In a way, nakaka-relate daw siya sa role niya dahil isa siyang certified working girl in real life.

Sambit niya, "Working girl talaga ako. Never kasi akong umasa kahit kanino. Even as a, you know, as a teenager. I [have been] working in this industry since I was 13. So, talagang I've been self-sufficient. Tinuruan naman kami ng parents ko to work hard at huwag umasa sa iba. And especially, being a woman, it's just more empowering na meron akong sariling pera, sariling trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangangatawan ba niya talaga ang solong pagpapalaki sa dalawang anak niya, kahit sinabi pa ng ama ng mga ito na si Yilmaz Bektas na magbibigay siya ng sustento?

"Puwede magbigay muna siya bago siya magsalita? Wala, hindi naman ako humihingi. I'm working and I'm earning enough money. So, I can take care of my kids," sagot ni Ruffa.

YILMAZ BEKTAS. Speaking of Yilmaz, bakit hindi natuloy ang pagbisita nito sa bansa?

"Actually, ka-text ko siya kagabi. Ngayon naman, kami ang pinapapunta doon. Hay, naku, hayaan mo na," sabi ng mom nina Lorin at Venice.

Pinapapunta ba sila sa Turkey para daluhan ang upcoming wedding nito with 2006 Miss Universe Zuleyka Rivera? (CLICK HERE to read related article.)

Dinaan na lang sa biro ni Ruffa ang sagot, "Baka magulat siya. Baka ako na lang ang biglang ikakasal. No, joke, joke, joke!"

Pero tuloy pa ba sa pagbisita si Yilmaz?

"I don't know. First of all, he was supposed to come before Holy Week. And I told him na huwag na siyang pumunta kasi meron akong trip sa Palawan at saka sa Sydney [Australia]. My friend is gonna get married. Yun, natapos na yun. And now he's supposed to come. Pero I don't know exactly when," sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN