ELECTION WATCH: Gov. Vilma Santos vehemently denies quitting gubernatorial race in Batangas

Apr 16, 2010
"Sobra na ang paninira at black propaganda nila sa akin dito sa Batangas... Hindi lang serbisyo ko ang sinisiraan, pati pagkatao ko! At ngayon, ako raw ay aatras. Hindi totoo! Not true! I have served Batangas with pride dahil wala akong inapakan o inisahang tao," says Batangas governor Vilma Santos-Recto in a statement.

Lumabas sa isang tabloid last Monday, April 12, na plano diumano ni Governor Vilma Santos-Recto na mag-quit sa gubernational race sa Batangas kapag hindi raw ito pinagbigyan ng kanyang constituents ng pagkakataong magbago. She was even quoted in that item saying: "Pakinggan na ninyo ang daing ko. Magbabago na ako. Tulungan ninyo akong muli. Kung hindi ninyo mapagbibigyan, mas mamabutihin ko pang huwag nang tumakbo."

Obviously, ito'y isang black propaganda lamang ng mga katunggali ng actress-politician sa pulitika para manamlay ang kanyang supporters. Pinalalabas nilang mahina na raw ang Governor sa mga Batangueño dala ng kung anu-anong binibintang nila sa kanya.

Minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng opisyal na pahayag si Gov. Vilma Santos-Recto tungkol sa black propaganda na ito.

Ito ang kanyang pahayag:

"Sobra na ang paninira at black propaganda nila sa akin dito sa Batangas. Nagsama-sama na ang tatlong partido para siguraduhing ako at si Ralph [Recto, her husband] ay apakan at matalo. Isang partidong maraming pera at nakahanda sa vote buying at isang partidong malakas ang kapangyarihan. Hindi lang serbisyo ko ang sinisiraan, pati pagkatao ko! At ngayon, ako raw ay aatras. Hindi totoo! Not true! I have served Batangas with pride dahil wala akong inapakan o inisahang tao.

Continue reading below ↓

"Hindi ko kayang maghimala at sabihin kong kaya ko ang mga problema ng lahat ng 2.3 million population sa Batangas. I'm proud to say na ginagawa ko ang lahat para mabigyan ng magandang serbisyo ang aking mga kababayan. Walang bayan sa Batangas ang makakapagsabing hindi ko sila pinuntahan at personal na inalam ang mga pangangailangan nila. Sobra na ang pulitika sa Batangas.

"I must be doing a very good job kaya pinagtutulung-tulungan nila ako para matalo. Merong tawagin akong 'Burlesk Queen, chronic absentee.' Lahat na lang ibinato na nila sa akin. Kilala n'yo naman ako. I have been with our industry for 40 years, na siyang ibinuhay ko sa pamilya ko at wala akong record na umatras sa laban. I always count my blessings. At dahil lamang sa pulitika, pera at kapangyarihan, sisirain nila ang pagkatao ko. Hindi kapangyarihan ang gusto ko dahil kung iyon lang, tinanggap ko na sana ang alok na tumakbong Bise Presidente ng bansa. Pero Batangas pa rin ang pinili ko kasi ito ang passion ng puso ko at alam ko ang ginagawa ko.

Continue reading below ↓

"Hindi ko sila aatrasan sa gitna ng pananakot at black propaganda nila. What they're doing is a desperate move dahil despite sa pagtutulungan nila, mahal pa rin ako ng mga Batangueño. Hangga't maaari ay ayokong maging negative at puro kasiraan ang kampanya ko dahil pagod na ang mga tao sa paninira ng mga kandidato, pero sobra na ang paggamit nila ng pera at kapangyarihan. Pati sugal sa Batangas sa akin nila tinitira. Look who's talking? Pero isa lang ang kaya kong ipangako: hindi ko isusugal at itataya ang dangal at karangalan ng mga Batangueño."

Read Next
Read More Stories About
vilma santos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sobra na ang paninira at black propaganda nila sa akin dito sa Batangas... Hindi lang serbisyo ko ang sinisiraan, pati pagkatao ko! At ngayon, ako raw ay aatras. Hindi totoo! Not true! I have served Batangas with pride dahil wala akong inapakan o inisahang tao," says Batangas governor Vilma Santos-Recto in a statement.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results