Richard Gutierrez is ready to take the challenge as new host of Survivor Philippines

IMAGE 0


"But honestly, ino-offer pa lang sa akin, deep in my heart, I want to do Survivor Philippines: Celebrity Edition... Para sa akin kasi, once in a lifetime experience ito," says Richard Gutierrez about hosting Survivor Philippines.


"Kailan naman ako sumuko?" nakangiting tanong ni Richard Gutierrez nang sabihin sa kanyang maraming kumukuwestiyon kung kakayanin ba niyang mag-stay sa isang isla na walang amenities once na mag-start na siyang mag-host ng Survivor Philippines: Celebrity Edition sa first week ng June.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Richard kahapon, April 14, sa Salt & Pepper restaurant along EDSA in Greenhills.

Mahabang paliwanag ni Richard: "Siguro nga dahil hindi nila talaga ako kilala. Alam ba ninyo, hindi pa ako artista, third year high school pa lang ako nang inikot ko with a friend ang buong Northern Philippines na naka-backpack lang ako? Exempted kami sa classes noon kasi event 'yon ng Board of Tourism. Mahirap, but we had fun. Natutulog kami sa tent kung saan kami abutan ng gabi. Kanya-kanya kaming abilidad sa pagluluto ng pagkain. Nakakatuwa rin kapag naaalala ko. At nang mag-artista na ako at gumawa ng mga telefantasya, ako mismo ang gumagawa ng stunts dahil pinag-aaralan kong lahat 'yon.

"Kaya nang i-offer sa akin ng GMA News & Public Affairs ang pagho-host ng Survivor Philippines: Celebrity Edition, wala akong qualms nang tanggapin 'yon. Siyempre, they need the approval muna of my mom [Annabelle Rama], plus inayos pa rin ang schedule ko. Kasi nga, may gagawin din akong movie at mayroon din akong bagong telefantasya na gagawin, ang Captain Barbell.

"But honestly," patuloy niya, "ino-offer pa lang sa akin, deep in my heart, I want to do Survivor Philippines: Celebrity Edition. Pero naayos naman ang lahat kaya tinanggap na namin ni Mommy. Para sa akin kasi, once in a lifetime experience ito. Naadik nga ako sa panonood sa una pa lang na Survivor Philippines ni Paolo [Bediones] at bilib ako talaga sa kanya. One of these days nga, gusto ko siyang tawagan para humingi ng ilang tips."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung sa challenges ay kasama rin siya, like pakainin siya ng kung anu-anong exotic food tulad ng pinagdaanan ng mga nakaraang castaways?

"Kakainin ko lahat!" bulalas ni Richard. "Mahilig akong mag-try kumain ng exotic foods. Nakakain na ako ng young octopus na isinasawsaw lang sa suka, sa isang Korean resto sa States. Kumain na rin ako ng frogs and crickets noong nasa Bangkok ako."

Alam na ba niya kung sino-sino ang bubuo sa 18 castaways na sasamahan niya simula sa first week of June, na sabi ay gagawin sa isang island somewhere in Asia?

"Hindi ko pa alam kung sino-sino sila, pero sabi nila, may mga GMA talents, may sportsman, models, musicians. Ang alam ko lang na nag-audition, si Michelle [Madrigal] dahil talagang interesado siyang mag-join. Wala akong say kung sino ang pipiliin nila. Ayoko rin kasing ako ang mag-choose, baka maging biased ako," saad niya.

Alam na ba niya ang mga hirap na puwedeng maranasan niya sa pagho-host ng reality show na gaya ng Survivor Philippines?

"Binigyan na nila ako ng DVDs ng previous shows at pinag-aaralan ko 'yon. Sinabi na rin nila sa akin na ang mga challenges ay gagawin sa isang place na as big as a football field. Ako lang daw ang may access sa castaways at kailangang maging handa ako kung may mga pagbabago na sa kanila sa pakikitungo sa isa't isa. There were instances daw kasi na first week, okay pa sila. Pero pagdating ng second or third week, may maiinit na ang ulo. Kaya nga bago sila umalis, dadaan sila sa mga psychological, spiritual, medical tests."

IN YOUR EYES. So, paano na ang shooting niya ng In Your Eyes with Claudine Barretto and former girlfriend Anne Curtis?

"Nakaka-six shooting days na kami ng movie under Mac Alejandre," banggit ni Richard. "Ginulat nga kami ni Direk Mac sa first-day shoot namin ni Anne, kissing scene agad. Inisip siguro ng producers namin [GMA Films at Viva Films] at ni Direk na kaya naman naming gawin 'yon. Medyo nailang kami noong una ni Anne, pero nagawa rin naman namin. Iba-ibang angles ang shoot ni Direk at pagkatapos no'n, tawanan na lang kami nang tawanan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatapos ba nila ang movie bago siya umalis for Survivor Philippines?

"Bago kami umalis for our shoot sa Orange County in California, tatapusin na namin ang Manila shoot. Babalik ako dito, just in time para umalis naman ako for Survivor Philippines. Ang maganda naman sa mga producers, hindi nila kami minamadali. Wala pa silang playdate na sinasabi sa amin."

Hindi kaya sila magkabalikan ni Anne dahil sa movie?

"I don't think so," sagot niya. "Ang alam ko, she's dating naman. Hindi ko lang alam kung sino dahil wala naman siyang ikinukuwento. Ako, I'm exclusively dating."

Tumawa na lamang si Richard sa pangungulit namin kung sino ang idini-date niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN