Ryza Cenon shocked to learn that close friend LJ Reyes is pregnant

IMAGE 0


"Kaya pala last year, sa SH3, minsan hindi siya nakaka-attend ng rehearsal. May ulcer daw siya kaya nasusuka siya. Siyempre kami, bilang kaibigan, nagwo-worry kami for her. Tine-text namin siya na, 'Kumain ka lang.' At saka, yun nga, alam talaga namin yung plan niya na pag-alis. Noong tinanong namin siya kung gaano siya katagal na mawawala, mga three to four months nga raw," explains Ryza Cenon (main photo) after finding out that LJ Reyes (inset) is pregna


Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ryza Cenon sa telepono kaninang hapon, April 14, upang hingan ng update tungkol sa kumpirmadong balita na buntis nga ang kaibigan niyang si LJ Reyes.

Sa presscon kasi ng Dear Friend Presents Tisay noong April 14 ay si Ryza, at ang isa pa nilang kaibigan na si Chynna Ortaleza, ang tinanong tungkol sa napapabalita pa lang noong pagbubuntis ni LJ.

Both Ryza and Chynna said na walang dapat ika-worry at walang problema base na rin sa kung paano sila sinagot ni LJ nang kamustahin nila ito. In fact, Ryza even told PEP na hindi buntis si LJ at may sakit lang ito at aalis papuntang States.

But one day after the said presscon, April 15, ay lumabas na ang patunay na buntis si LJ, at ang ama ng dinadala niya ay si Paulo Avelino. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi naman ikinaila ni Ryza, at maging ni Chynna, ang kanilang pagka-shock na buntis si LJ. Pero ang ikinagulat daw nila nang husto ay nang mabalitaan nila ito sa iba at mabasa na lang din nila sa PEP Alerts last night.

Ano ba ang pakiramdam na pagkatapos nilang depensahan si LJ ay sila pala ang huling makakaalam ng totoong kalagayan nito?

"Siyempre, medyo malungkot," sagot ni Ryza over the phone. "Malungkot kasi kaibigan niya kami ni Chynna. Kaya pala last year, sa SH3, minsan hindi siya nakaka-attend ng rehearsal. May ulcer daw siya kaya nasusuka siya. Siyempre kami, bilang kaibigan, nagwo-worry kami for her. Tine-text namin siya na, 'Kumain ka lang.' At saka, yun nga, alam talaga namin yung plan niya na pag-alis. Noong tinanong namin siya kung gaano siya katagal na mawawala, mga three to four months nga raw.

"And noong kinukumusta naman namin siya, like ako, noong kinumusta ko siya, if okay lang ba siya, sabi naman niya, walang dapat ika-worry. Kaya yun din ang sinabi ko sa presscon. Wala talaga kaming ideya ni Chynna. Kaya noong tinatanong kami, pareho kaming, 'Ano nga ba sasabihin natin?'" paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After hearing the news, sinubukan daw niyang tawagan si LJ, pero hindi raw nito sinasagot ang mga tawag niya.

"Tumawag ako sa kanya noong malaman ko na buntis nga raw siya. Noong una kong tawag, nagri-ring lang, hindi niya sinasagot. Then, tumawag ako ulit, parang nawalan yata ng signal. Then, ika-third na tawag ko, nagri-ring lang din, pero hindi pa rin sinasagot. Nag-text na 'ko para kapag nabasa niya, magre-reply siya, kasi baka tulog or hindi niya naririnig lang yung tawag. Sabi ko sa text sa kanya, 'Musta, may nabasa ako sa PEP...' pero hindi pa rin siya sumagot," kuwento ni Ryza.

Magka-batch sina Ryza at LJ sa StarStruck 2. Si Ryza ang Ultmate Female Survivor at si LJ naman ang First Princess.

Bagamat hindi maiaalis ang lungkot at pagtataka nila, at tila kawalan ng trust sa kanila ni LJ bilang mga kaibigan, still, para kay Ryza, she can only wish the best for her friend and co-StarStruck alumna.

Any message for LJ?

"Congrats 'saka good luck. Ingat sa biyahe. Bagong chapter naman ito ng buhay mo. Magkaka-baby ka na. Nandito lang kami kahit paano. Kung kailangan niya ng kausap, nandito lang kami," pahayag ni Ryza.

DEAR FRIEND. Sa ibang balita, kasama si Ryza sa season-ender ng Dear Friend, ang "Tisay", na magsisimula ngayong Linggo, April 18. She plays the role of Jackie Rice's best friend at kinailangan daw niyang awayin ang real-life friend niyang si Chynna sa isang eksena.

Kuwento ni Ryza, mahirap daw palang awayin ang isang kaibigan.

"Oo!" natatawa niyang sabi. "Sa aming tatlo kasi, ako yung tahimik. Kaya hindi ako sanay na sigawan ang mga taong malalapit sa akin sa totoong buhay. E, sila, sanay na. Kapag sumisigaw sila, naririnig ko kaya nasasanay ako. Kaya kapag ako ang gumawa, nagugulat sila. Pero siyempre, kailangang gawin, wala munang kaibigan-kaibigan!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin daw siya for Jackie, na siyang bida sa "Tisay", na tulad niya ay past winner din ng StarStruck.

"Sana mas galingan pa niya dahil ito na ang time para patunayan niya sa lahat na kahit anong ibigay sa kanya, kaya niyang gampanan."

Kung titingnan, si Jackie ay nabibigyan ngayon ng break dahil parang nagkakaroon ito ng change of image. On Ryza's part, hindi ba niya naiisip na gawin din ang mga ginawa ni Jackie gaya ng pag-pose sa FHM?

"Hindi," nakangiti niyang sabi. "Puwede rin naman kasi akong gumawa ng mga ganung mature roles na hindi ka nagpo-pose sa mga men's magazine. Napag-aralan ko na 'yan. Mas marami kasing kumukuha sa 'yong produkto kapag wholesome ka pa rin."

At the age of 22, hindi pa niya naiisip to say goodbye to her wholesome image?

"In a way, parang nag-goodbye na rin ako, like sa Gumapang Ka Sa Lusak, meron akong nakahubad ka. Pero alam naman nating naka-tube ka pa rin sa loob. Ginagawa ko na rin naman ng paunti-unti," sabi niya.

Sa pakikipag-usap kay Ryza, napag-alaman ng PEP na may naging experience daw siya before na naging dahilan kung bakit, up to now, hindi pa rin siya nako-convince to pose for a men's magazine.

"May experience ako kasi na nag-ramp lang ako, isang beses lang yun ha, natanggalan ako ng isang raket na malaki siya. Natanggal dahil lang nalaman nilang nag-ramp ako. Actually, noong una, ayaw ko talaga, pero yung handler ko, pinilit niya ako. First time ko pa ngang mag-ramp, ganun pa ang nangyari. Kaya after that, parang feeling ko, hayaan mo na nga lang."

NETWORK TRANSFER. Tinanong din ng PEP si Ryza about fellow StarStruck graduate Rainier Castillo, na lumipat na ng ibang network. Ani Ryza, masaya raw siya para kay Rainier.

"Happy ako sa kanya kasi hindi naman din natin masasabi na talagang habang buhay, nandito ka sa network na ito. Marami nga, beterano na, pero lumilipat pa rin sa ibang network. Kasi, mas magandang nagta-try tayo ng iba't ibang network para sa experience. Hindi naman sinabi na lumipat siya, iniwan na niya ang utang na loob sa network, e. Nagta-try lang siya ng ibang network," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about her, hindi ba siya na-tempt na sumali sa mga nagsisilipatan ng networks?

"Well, hindi naman. Pero sabi ko nga sa interview, ang lahat naman ng bagay, may hangganan. Pero hindi ko pa alam kung kailan. Pero yun naman ang totoo, lahat ng bagay, may hangganan.

"Masaya naman ako pagdating sa trabaho ko sa GMA, hindi naman ako nawawalan. Nakakaipon naman ako. Pero siyempre, lahat ng tao, ang tanong sa akin, 'Nauungusan ka na ng mga ka-batch mo na ganito'. Siyempre, hindi ko na masasagot yun. Hindi ko na siya hawak, e."

NOT LONGING FOR A BOYFRIEND. Pagdating naman sa kanyang lovelife, sinabi ni Ryza na hindi na siya nagkaroon ng boyfriend mula nang pumasok siya sa showbiz. Yung sa kanila raw ni Mark Herras ay hanggang MU lang daw. Her last relationship ay noong nasa college pa raw siya.

Wala ba sa kanya yung longing na magkaroon na ulit ng boyfriend?

"Wala ngang longing, e. Dahil siguro bata pa ako, hindi nila ma-take!" natatawang sabi ng 22-year-old actress. "Isip-bata kasi ako, e. Siguro pagdating sa mga problema, decision-making, masasabi ko na parang mature na ako. Pero pagdating sa mga relasyon, gusto ko, ako yung bine-baby."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN