Enzo Pineda says his feelings for Sarah Lahbati have risen since StarStruck V

IMAGE 0


While competing in StarStruck, he said his feelings for her were "mga 30 percent, kasi po minsan po, up-down, up-down. Ngayon po nasa 80 percent na dahil good friends na kami. Hindi bababa 'yan."


Sa ngayon ay totally accepted na ni Enzo Pineda na hindi siya ang nanalo sa StarStruck V.

"Opo! For me, hindi naman po kailangan ng title and I'm very happy na busy ako sa schedule ko, na maraming ginagawa. Just as long as I'm performing, I'm doing my best, nakikita naman po ng tao yun. So nasa amin po ang efforts kung gusto namin mag-succeed in showbiz.

"Marami naman pong hindi ultimate winner na nag-succeed rin. Hindi naman po necessarily na porke hindi ka winner, hindi ka magsa-succeed."

As we all know, si Steven Silva ang tinanghal na Ultimate Male Survivor ng SSV at si Enzo ang First Prince. Si Rocco Nacino naman ang Second Prince.

"Personally ako po, mas gusto ko pakinggan ang First Prince.

"Parang nagpi-fit sa akin... Hindi naman po sa ano, na mukhang prinsipe, kundi 'tinuturing po akong pang-matinee idol. Para sa mga kids din po, inspiration, ganun. At least prince, medyo parang pambata, di ba ?"

GETTING CLOSER TO SARAH. Very close sila ni Sarah Lahbati, at wala naman raw nag-uutos sa kanila na hindi puwedeng maging close, since Ultimate Female Survivor si Sarah at runner-up si Enzo.

"We do go out, sometimes. Hindi kaming dalawa, may mga kasama po kami. Nagkakayayaan na kumain, or bibili ng something. Ang magkasama lagi is Sarah, ako, si Diva [Montelaba, SSV First Princess] tapos yung mga nagha-handle po sa amin. Most of the time sa Eastwood kami pumupunta kasi peaceful doon."

Pero noong Holy Week, sa Boracay sila nagkasama-sama.

Kung ikukumpara niya ngayon ang nararamdaman niya for Sarah noong nasa StarStruck pa sila, "mga 30 percent, kasi po minsan po, up-down, up-down. Ngayon po nasa 80 percent na dahil good friends na kami at mas nakilala ko siya after StarStruck."

So iniibig na niya si Sarah?

"Ha! Ha! Ha! Pagmamahal as friends po, kasi lahat kami concentrated sa career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi niya alam kung kailan niya talaga liligawan si Sarah, pero, "of course, ano po, hindi bababa [sa 80 percent] 'yan... So lalo na kapag nagkasama kami sa mga projects, so mas masaya po iyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN