LJ Reyes plans to give birth in the U.S.

IMAGE 0


"Gusto po naming sabihin na hindi naman namin pino-promote na gayahin kami. Since nandiyan na po ang bata, gusto naming maging responsible parents for the kid," said Paulo Avelino (left). LJ (right) is scheduled to give birth in June.


Finally, mismong sa mga bibig na nina Paulo Avelino at LJ Reyes nanggaling ang kumpirmasyon na buntis nga si LJ. Unang naipahayag ito noong Huwebes, April 15, ni Ms. Wilma Galvante, ang Senior Vice President for Entertainment TV ng GMA-7, ang home network ng dalawang artista.

Esklusibong nagpa-interview sina LJ at Paulo sa Startalk host na si Ricky Lo kahapon, April 17.

Ang unang tanong ni Ricky kay LJ ay kung ano ang naramdaman nito nang malaman niyang buntis siya?

"Siyempre, may takot po at may initial fear na nararamdaman. Pero after nun, nang mag-usap na kami ni Paulo, happy po. Happy kami pareho sa ibinigay ng God."

Tinanong ni Ricky si Paulo kung ano ang naging reaction niya nang malaman niyang magiging tatay na siya at 22?

"Nagulat din, pero, it's more on happiness na may kasamang kaba. Parang overwhelmed ka sa saya, pero, sa loob, parang may kasamang saya. Kasi, parang everything is going good. Like sa career namin at this time, pataas pareho. Tapos may dumating na baby, so, siyempre, parang nag-sidetrack lang nang konti on how to do things."

Marami ang nagulat na anim na buwan na pala ang ipinagbubuntis ni LJ. Wala kasi sila noong hayagang pag-amin sa totoong estado ng kanilang relasyon.

"DO YOU LOVE HER?" Kaya ang tanong ni Ricky sa dalawa, kung matagal na nga raw ba ang relationship nila?

Ayon kay LJ, "Actually, last year po. Pero, mas gusto po kasi namin na sa aming dalawa, sa amin na lang. Pero, hindi naman po namin itinatago sa mga malalapit sa amin, sa mga kakilala namin, sa mga kaibigan namin. Ganun..."

Paano raw sila nagkaligawan, paano sinagot ni LJ at humantong na nga sa nalalapit na pagkakaroon nila ng anak?

Nakangiting sagot ni LJ, "Meron po kasi itong mga simpleng hirit, e. Meron siyang simple ways of how to make you feel special. Pero, ano naman siya, mabait naman siya sa lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano raw nila sinabi sa mga parents nila ang balita?

"Ako po, as soon as nalaman namin," sagot ni LJ. "Tinawagan ko po agad ang mom ko sa States, kasi, ayoko naman pong itago sa kanya. Parang nagpunta na po ako run noong December, so nagkita na kami. Yun nga lang, sakit-sakitan ako noon.

"Kasi, hirap po akong magbuntis. So, alam na niya noon pa lang. So, parang noong nagkita kami, parang sobrang higpit po ng yakap niya sa akin. Parang feeling niya, yung baby niya, mawawala na, kasi bunso po ako, e," ang sabi ng 22-year-old mother-to-be.

What about Paulo's parents' reaction?

"Noong tinawagan ko ang dad ko, parang nagulat siya. Then, tinanong niya ako, 'Do you love her?' I said, 'Yes, Dad, I love her.'"

THE RIGHT TIME. Wala rin naman daw balak ang dalawa na itago ang sitwasyon nila sa publiko.

Ayon kay LJ, "We're just waiting for the right time to tell people that we're having a baby. Ayaw rin naman po kasi namin na basta-basta lang namin sasabihin. Kasi, hindi naman po siya basta-bastang news... Haping-hapi po kami sa baby namin, pero, gusto po namin na kapag ini-announce namin siya, right time.

"Ayaw po namin nang, parang natanong lang, oo. Mas maganda po yung, 'Buntis ka ba?' 'Opo, I am pregnant.'"

This coming June na nakatakdang manganak si LJ sa States.

"Gusto rin po kasi ng mommy ko na mabantayan ako. Kailangan makita niya excitement sa apo niya."

Tinanong ni Ricky si Paulo kung kailan niya planong sundan si LJ sa Amerika.

"Pagkatapos po siguro ng mga commitments ko. Kasi, siyempre, gusto ko rin nandun ako when she gives birth."

Kumpirmadong baby boy raw ang magiging panganay nila. May pangalan na ba silang napili?

"Wala pa nga po. Gusto namin perfect yun, e," nakangiting sagot ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARRIAGE PLANS. What about getting married, napag-usapan na ba nila?

Ayon kay Paulo, "Sa ngayon po, gusto rin po naming sabihin na hindi naman namin pino-promote na gayahin kami. Since nandiyan na po ang bata, since nandiyan na po ang baby namin, gusto naming maging responsible parents for the kid."

Hindi ba sila nag-alala sa epekto nito sa careers nila?

"Nag-worry at saka natakot din po," pag-amin ni Paulo. "Kaya nga po noong una naming nalaman, inisip din po namin kung tatanggap ba si LJ ng project. Na baka last na po namin. Parang noong time po na yun, parang ganun na rin.

"So, gusto naming gawin ang gusto naming gawin and at least nagawa namin siya bago lumabas si Baby. Hindi pa namin alam kung ano ang mangyayari sa careers namin, kung mag-ii-stay ba or mawawala."

Pagkapanganak ni LJ, gusto pa ba niyang bumalik sa showbiz?

"Gusto ko pong bumalik. Matagal ko na rin po itong ginagawa atsaka siyempre, kung papayagan kami ni Ma'am Wilma," nakangiting pahayag ni LJ.

MESSAGES. Ano ang mensahe nila sa mga taong sumusuporta sa kanila?

"Sa lahat po ng sumusuporta sa akin, maraming salamat, kasi alam ko na kahit ano pa ang pagdaanan ko, kahit ano pa ang maging desisyon ko, alam ko na nandiyan lang kayo para sa akin," ang sabi ni LJ.

Sabi naman ni Paulo, "Sa mga sumusuporta at siyempre, sa mga nanonood, uulitin ko, hindi namin pino-promote itong ginawa namin. Sorry rin pala kung ang ine-expect n'yo sa amin, it didn't turn out like you wanted to be. Pero ang importante naman siguro, masaya yung mga taong sinusuportahan namin. Masaya naman po kami. Very happy at sa mga boss sa network, thank you, thank you so much for being there. For supporting us."

Ricky then asked LJ and Paulo about their messages for each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pao," sabi ni LJ, "thank you. Thank you for being there. Proud ako sa 'yo. Kung iba siguro ang nasa sitwasyon mo, baka hindi nila i-take yung responsibility. But you're man enough to take it. Sana walang magbago. Sana happy pa rin tayo. At proud ako sa 'yo, sa lahat ng ginagawa mo. Sobrang hardworking mo. At saka, alam ko na magaling kang umarte so sana, magtuloy-tuloy lang lahat 'to."

Si Paulo naman kay LJ, na Lourna Jane ang ibig sabihin ng initials: "Lourna, sana maging responsible parents tayo for the baby or gawin nating lahat for the kid to grow up in a well-loved environment."

KAPUSO SUPPORT. Nakausap din ni Ricky ang ilang executives ng GMA-7 at isang head ng GMA Artist Center (GMAAC) tungkol sa mensahe at plano nila para sa dalawang Kapuso talents.

Ayon kay Ms. Galvante, "Ang measure naman sa artista ay kung gaano siya kahusay. They have contract with the network. Siguro si LJ medyo magpapahinga muna sandali. Pero si Paulo, tuloy-tuloy siya. Marami naman siyang assignments sa ngayon. Pero siguro yung concerns na baka maapektuhan ang popularity at saka yung pagtanggap sa kanila ng audience."

Ang sabi naman ni Atty. Annette Gozon-Abrogar, president ng GMA Films, "I'm very happy that they made this decision and they would be open about it, and as to GMA naman, since both of them are homegrown talents, we will still be here to support them. Not only with their careers, of course, with any guidance in other things, we will also be here for them."

At sinabi ni Arsi Baltazar ng GMAAC para sa kanilang dalawang contract stars, "We will still be supportive... Dalawa sila sa pinakamagagaling na artista ng Artist Center and we know na nagmamahalan naman sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN