Ricky Davao gives up election bid for Working Girls

IMAGE 0


Film producer Annette Gozon-Abrogar said on Startalk yesterday, April 17, "We told him, 'Ito ang option. Hindi natin maipapalabas ang pelikula. Because if we do so, we might be violating the law.' He took a stand and talagang sinabi niyang hindi rin naman niya mate-take na madamay ang ibang katrabaho niya. We admire what Ricky Davao did because mahirap na desisyon yung ginawa niya."


Noong nakaraang Huwebes, April 15, ay nangangampanya pa si Ricky Davao sa District 4 ng Quezon City kunsaan tumatakbo siya para konsehal. Pero mismong sumunod na araw ay bigla siyang nag-withdraw.

May kinalaman ang pelikula ni Ricky na Working Girls 2010 sa kanyang pagbibitiw, at inamin naman ito ni Ms. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films, isa sa mga producers ng pelikula.

Sinabi niya sa isang taped segment ng Startalk kahapon, April 17, "We told him, 'Ito ang option. Hindi natin maipapalabas ang pelikula. Because if we do so, we might be violating the law.' He took a stand and talagang sinabi niyang hindi rin naman niya mate-take na madamay ang ibang katrabaho niya.

"We admire what Ricky Davao did because mahirap na desisyon yung ginawa niya. Talagang nandun na ang puso niya sa pagtakbo bilang isang konsehal. Pero, noong na-realize niya na meron nga palang ganitong law sa Election Code... actually, nag-sorry pa nga siya dahil sa gulong ito."

CAN STILL SERVE THE PEOPLE. Ayon naman daw kay Ricky, maaari pa naman siyang magserbisyo sa kanyang mga kadistrito.

"Kanina, noong nag-uusap kami," patuloy ni Ms. Gozon-Abrogar, "sinabi naman niya that he can serve naman by not being a public officer. He can continue to serve his constituents. Puwede siyang tumulong, puwede siyang sumali sa mga activities in his communities."

At dahil sa kahanga-hanga daw ang ginawa ni Ricky, may ginawang pangako sa kanya ang mga co-producers ng Working Girls, ang GMA Films, Regal at Unitel.


"Because of what you did," sabi ni Ms. Gozon-Abrogar ng GMA Films, "we will be here not only to support your career, but also to support you as a person. So, kung ano ang goals mo, nandito kami, kasi nakita namin yung malasakit mo for us. So, thank you very much."

FROM RELUCTANT TO GUNG-HO CANDIDATE. Live namang humarap si Ricky sa Startalk kahapon at ang unang tinanong ni Butch Francisco ay kung malungkot daw siya sa pag-atras niya sa eleksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Very much," ang mabilis na pag-amin ng aktor.

Sinabi pa niya, "Noong una, hindi naman kasi ako pulitiko at saka sinasabi ko, 'Ayokong pasukin 'yan.' But when I started, meeting the people, campaigning, iba na, e. When you talk to them and the way, yung reception sa 'yo.

"Yung mga nagsusumbong... yung, 'Huwag mo kaming iwan, ha.' 'Sana ito ang ipagawa n'yo kung lumabas kayo.' 'Sana ito ipaayos n'yo, ito ang pangangailangan namin.' Ngayon, nari-realize ko, dati kasi, yung ibang pulitiko kapag naririnig ko, papaano yung mga constituents ko kung hindi ako bababa?

"Pero this time, naiintindihan ko sila at hats off ako sa kanila."

Kailan daw siya nagdesisyon na umatras?

"Yesterday, after we met, yung mga lawyers, ini-explain lahat ng pros and cons at pati ako, tumawag ako sa mga lawyer friends ko. Kapag itinuloy ko ang candidacy, sasabit, lahat... E, hindi naman ako papayag niyan. But of course, with a heavy heart, ginawa ko yun."

"NABASA NA ANG AKING MGA PAA." Ayon kay Butch, it goes to show na napakadakila ng puso niya na sinakripisyo niya ang kanyang kandidatura dahil napakaraming artista ang mauunsiyami.

"Ang ano lang dun, nahihiya lang din ako, although nakausap ko na sila, nahihiya lang ako sa mga ka-teammates ko. Pero lalung-lalo na sa ka-tandem ko na councilor, kasi ang dami naming pinagsamahan.

"Six in the morning hanggang 12 midnight, magkasama kami. Nahihiya ako sa kanya, ang dami kong natutunan sa kanya. Kaya sabi ko, 'I'll support you all the way.'"

May balak pa ba siyang tumakbo sa next election?

"Probably. Kasi kumbaga, ngayon nabasa na ang aking mga paa. You know, when you see the people, grabe!"

"BABALIK PO AKO." Sa huli, ang mensahe ni Ricky lalo na sa mga taong nakasalamuha niya sa District 4, "Babalik po ako. Hindi ko po kayo iiwan. Alam n'yo the way I talk, para akong pulitikong-pulitiko, pero galing po ito sa puso. Babalikan ko po kayo. Hindi pa po rito natatapos ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katulad nga ng sabi ng daughter ko, 'Papa, that's not the end. Things happen for a reason.' Si Rikki Mae, tinext niya 'ko. Tapos, sabi niya, 'God has other plans for you.' So, sa mga kasamahan ko sa Quezon City , nandirito pa rin po ako, hindi po ako mawawala. Lumabas po kayo. Importante po, bumoto po kayo."

Dugtong pa niya, "And I would like to thank all the people behind Working Girls. Hindi nila ako... kumbaga, they gave me all the reasons, lahat ng puwede kong... yung mga bagay na para magdesisyon ako.

"I'm really thankful sa kanilang lahat, naintindihan nila ako. Kay Miss Annette, maraming salamat at sa aking mga party mates, nandito pa rin po ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN