Mommy Lydia's advice to Jennylyn Mercado on budding relationship: "Mag-ingat siya."

IMAGE 0


"Ingatan din niya ang sarili niya dahil nangyari na sa kanya," says Lydia Mercado, the adoptive mother of Jennylyn Mercado (in photo), whose closeness with Dennis Trillo has become the talk of the town.


Dahil sa closeness daw ng dalawang bida ng Gumapang Ka Sa Lusak na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, sinasabing naaapektuhan na ang rumored boyfriend ni Jennylyn na si Andrei Felix. Nagkakausap pa ba sila, tanong ng Startalk kay Jennylyn kahapon, April 17.

"Yes, nag-text kami. Pero ayoko na lang din anuhin kasi, wala naman, e. Wala namang something talaga. Wala namang reason talaga."

Pero sinabi niya rin tungkol sa status nila ni Dennis, "Of course, I want to be honest kasi, kumbaga, malalaman din naman, e. Sa ngayon po, ang totoong status is dating... dating talaga. Walang commitment, special friends."

Nilagyan naman ng kahulugan ang di pagsipot ng ex-girlfriend ni Dennis na si Cristine Reyes sa presscon ng Working Girls 2010 noong Huwebes, April 15.

Pero ayon kay Jennylyn na kasama rin sa cast, "Nasa kanya na naman yung side na yun. Wala na namang problema. Pero sana, huwag na lang bigyan ng kulay. Kasi baka mam'ya, imbes na wala, magkaroon."

MOMMY LYDIA'S CONCERN. Nakausap din ng Startalk si Lydia Mercado, ang tiya ng aktres na legally in-adopt si Jennylyn nang mag-migrate sa England ang biological mother nito.

Nabigla ba raw ito na diumano'y nagkakamabutihan na sina Jennylyn at Dennis?

"Kasi ang alam ko naman, hindi pa, e... oo, magkaibigan," sagot ni Mommy Lydia.

Tanggap naman niya?

"Yun na nga, kung saan masaya ang anak ko..."

Ano naman ang maibibigay niyang advice kay Jennylyn kung sakaling nai-in love na nga muli ito?

"Mag-ingat siya. Ingatan din niya ang sarili niya dahil nangyari na sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN