Rayver Cruz admits being confronted by Sarah Geronimo's father

IMAGE 0


"Mahal ko si Sarah. Kasi nga naging malapit siya sa puso ko bilang isang kaibigan at doon na lang po muna iyon. Tignan na lang natin eventually kung saan puwedeng makarating yun. Pero sa akin okay na ganun muna. At alam kong special siya sa puso ko," says Rayver Cruz about Sarah Geronimo (inset).


Noong isang linggo ay kumalat ang balitang nag-break na raw sina Rayver Cruz at Sarah Geronimo. Sa kabila ng hindi pag-amin at pagde-deny ng dalawa na mayroong namamagitan sa kanila, may mga nagsasabing totoo raw na nagkaroon ng relasyon ang dalawa at itinatago lamang umano nila ito sa publiko. Pinaghihiwalay rin daw sila ng mga magulang ni Sarah na sina Divine at Delfin Geronimo.

Sa interview ni Boy Abunda kay Rayver, na ipinalabas sa The Buzz kahapon, April 18, isa-isang sinagot ng young actor ang mga intriga tungkol sa kanila ni Sarah. Narito ang kabuuan ng pag-uusap nina Boy at Rayver:

Boy: Rayver, diretsa ito, itong ating pag-uusap ngayong gabi, alam ba ito ni Sarah Geronimo?

Rayver: Hindi po.

Boy: Sabi mo, hindi naman kailangang sabihin sa kanya pero hindi mo ito nasabi. Ibig sabihin patuloy pa rin ba kayong nag-uusap ni Sarah hanggang sa ngayon?

Rayver: Opo, nagte-text ako sa kanya once in a while.

Boy: Tungkol?

Rayver: Nangungumusta lang po lagi.

Boy: Sinasagot ka niya?

Rayver: Oo, oo naman po. Hindi lang siguro every day, pero once in a while po nangungumusta ako.

Boy: Ngayon, pero dati ba every day ka mag-text? Every hour ka ba mag-text?

Rayver: Siguro po, minsan every day...minsan...

Boy: Na ang ibig sabihin Rayver ay nabawasan na ang pag-uusapan?

Rayver: Nahiya na rin po akong mangulit. E, ang dami ng ginagawa niya. Kahit sa ASAP po minsan, si Sarah madaming ginagawa. Nakakahiya na rin pong mangulit.

MISSING SARAH. Inamin naman ni Rayver na nami-miss niya si Sarah.

Boy: Do you miss her?

Rayver: Oo naman, oo naman po, Tito Boy. Kahit naman wala...pag wala siya sa ASAP.

Boy: How is she in private, pag kayo lang?

Rayver: Actually, para sa akin pag nakakausap ko siya ng siya lang, mas lumalabas yung pagkabata niya. Nakikilala ko, nakakausap ko yung Sarah Geronimo na hindi sa TV. Alam mo yung pag nasa bahay siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: Ibig sabihin dinadalaw mo siya.

Rayver: Hindi po, sa call. (sabay tawa ni Rayver)

Boy: May balak ka ba siyang dalawin? Nakakadalaw ka?

Rayver: Hindi po.

ONE-YEAR RELATIONSHIP? Sa puntong ito ay itinanong na ni Boy kay Rayver ang mga kumakalat na balitang naging magkarelasyon daw sila ni Sarah at nagkahiwalay din diumano.

Boy: Ano ba talaga ang tunay na relasyon ni Rayver Cruz at ni Sarah Geronimo? Bago mo sagutin iyan, mula sa isang mapagkakatiwalaang source, sabi sa akin ay halos isang taon mong naging girlfriend si Sarah. Ang tanong, naging girlfriend mo nga ba talaga ng isang taon si Sarah Geronimo?

Rayver: Hindi po.

Boy: Hindi mo siya naging girlfriend, bakit? Hindi mo ba sinubukang ligawan? Ano ang nangyari?

Rayver: Hindi naman po. Kasi nagsimula po 'yon sa You Changed My Life [ang blockbuster movie na pinagsamahan nila ni Sarah with John Lloyd Cruz], sa shooting. Nakasama ko siya, nakilala, nakausap. Mas naging malalim yung pagkakaibigan namin. Naging close friend ko po talaga si Sarah. Okay na po ako sa ganun.

Boy: Bakit?

Rayver: Siguro dahil nirerespeto ko yung sa side nila na alam ko pong bawal pang magka-boyfriend si Sarah. Ang sinabi ko po, si Sarah, she's worth the wait naman talaga, e. Pero ang hirap po kasing magbitaw ng salita.

Boy: Pero unfair para kay Mommy Divine at daddy ni Sarah na inaakusahan sila na sobra nilang hinihigpitan ang kanilang anak.

Rayver: Opo. Respetuhin na lang po natin kung anuman po yung naging desisyon ng mga magulang ni Sarah.

THIRD PARTY. Nilinaw rin ni Rayver ang balitang diumano'y humantong sa hiwalayan ang relasyon nila ni Sarah dahil daw sa third party sa pagitan nila, si Cristine Reyes.

Boy: May pangalan na lumulutang, Cristine Reyes daw ang dahilan kung bakit nagkalabuan kayo ni Sarah Geronimo?

Rayver: Actually, nahihiya po ako kay Cristine kasi nadadamay siya ngayon sa isyu namin ni Sarah. E kaibigan ko lang din naman po talaga yun, which is naging kaibigan ko siya dahil close friend siya ni Dianne [Medina[, girlfriend ng kapatid ko [Rodjun Cruz].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: Nagselos ba si Sarah?

Rayver: Hindi naman po siguro. Alam naman niyang kaibigan ko lang.

Boy: Pero kung nalaman niya na hindi mo kaibigan, magseselos ba siya? Yung totoo?

Rayver: Siguro po kung kami ni Sarah.

IS MOMMY DIVINE STRICT? Lumabas din ang balita tungkol sa paghihigpit diumano ni Mommy Divine kay Sarah kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Rayver at Sarah.

Boy: Pero yung pinaghihiwalay kayo ni Mommy Divine, hindi totoo yun?

Rayver: Ay, hindi po.

Boy: Unfair na sabihin na kung kayo man daw ay tuluyang nagkaroon ng relasyon, ang naging dahilan ay dahil ayaw sa iyo ni Mommy Divine. At diumano'y pinaghihiwalay kayo ni Mommy Divine, unfair ito?

Rayver: Opo, wala naman po kasing ganun.

Boy: Hindi ito totoo?

Rayver: Hindi po.

CUTTING OF SARAH'S HAIR. Dahil balitang breakup na ito, muling naungkat ang kontrobersiyal na pagpapagupit ni Sarah ng buhok. Ang lumilitaw na dahilan ay may kinalaman daw ito sa breakup umano nila ni Rayver.

Boy: Ito personal na namang tanong, naging usap-usapan din na diumano'y nagpagupit si Sarah dahil sa pagrerebelde laban sa kanyang mga magulang dahil pinipigilan nga raw kayo ni Sarah. Ano ba talaga ang katotohanan?

Rayver: Hindi po totoo yun, Tito Boy. Ang alam ko po kasi, di ba, for a cause yung ginawa niya? So, siguro hindi dahil nagrerebelde.

Boy: Napag-usapan n'yo ni Sarah yun?

Rayver: Oo. At saka para sa akin, si Sarah yung pinakahuling taong magrerebelde sa mga magulang, di ba? Kasi nga sobrang bait niya, sobrang masunurin. Siguro handa lang siyang maghintay ng right time kapag payagan na siya. Pero hindi siya nagrerebelde.

Sinagot na rin mismo ni Sarah ang tungkol sa pagpapagupit niya ng buhok.

CONFRONTED BY DADDY DELFIN. Ngunit sa likod ng mga pagtanggi ni Rayver sa anumang isyu ng ugnayang mayroon sila diumano ni Sarah, isang matinding rebelasyon ang kanyang nabitiwan na siguradong pagmumulan na naman ng panibagong intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kasi sa isang tabloid article, pagkatapos diumano ng isang production number ni Rayver sa ASAP XV habang papunta ito sa kanyang dressing room ay hinarang siya ng tatay ni Sarah na si Mr. Delfin Geronimo at diumano'y sinabihan na huwag nang lalapit sa anak. Hiningi ng The Buzz ang panig ng kolumnistang sumulat nito. Ayon sa text message na ipinadala ng reporter, marami diumanong nakakita sa insidente.

Boy: May totoong incident na diumano'y naganap sa backstage kung saan ay kinonfront ka ng father ni Sarah at pinagsabihan ka na parang, 'Lumayo ka sa anak ko.' Totoo ba ito o hindi?

Rayver: Totoo pong kinausap po ako nung daddy niya.

Boy: Totoong sinabi ito?

Rayver: Hindi naman po. Totoong kinausap po ako.

Boy: So, totoong kinausap ka ni Daddy pero hindi totoong sinabi niyang, 'Lumayo ka sa aking anak.'

Rayver: Siguro, Tito Boy, para sa akin, ayoko na lang pong magbigay ng detalyadong sagot tungkol diyan kasi masyado pong malaki ang respeto ko sa daddy ni Sarah, sa mga magulang niya. Kung anuman yung napag-usapan namin, akin na lang po yun.

Boy: May nakapagsabi sa akin na right after that conversation, nakita raw ang iyong mukha na sobra kang nalungkot. Totoo ba yun?

Hind agad makasagot si Rayver kaya't hindi na siya pinilit ni Boy na sumagot. Iniba na lang nng TV host ang tanong.

Boy: Were you shocked nung kinausap ka ng daddy ni Sarah?

Rayver: Hindi naman po sa shocked na shocked. Pero siguro hindi ko lang po in-expect, so parang nagulat din po ako. Pero para sa akin, hindi naman big deal yun, Tito Boy, kasi tapos na yun. Kung anuman po yung napag-usapan namin, sa amin na lang po.

Boy: Naapektuhan ba ang inyong pagiging close friend ni Sarah?

Rayver: Hindi naman at sana hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: Hindi naman at sana hindi. Dahil may nararamdaman ka na parang naapektuhan?

Rayver: Wala pa naman, Tito Boy. Pero kaya nga sinasabi ko na sana ganun pa rin.

TRUE FEELINGS FOR SARAH. Sa huling bahagi ng interview ay inilantad na rin ni Rayver ang tunay niyang nararamdaman para kay Sarah.

Boy: Huling katanungan, puwede mo akong sagutin ng oo o hindi. Mahal mo ba si Sarah?

Rayver: Oo naman, Tito Boy. Alam naman nila yun. Mahal ko si Sarah. Kasi nga naging malapit siya sa puso ko bilang isang kaibigan at doon na lang po muna iyon. Tignan na lang natin eventually kung saan puwedeng makarating yun. Pero sa akin okay na ganun muna. At alam kong special siya sa puso ko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN