ELECTION WATCH: Senator Jinggoy Estrada: "We'll pull a surprise on election day."

Apr 24, 2010
"Sana, hindi ginamit yung automated election dito sa presidential election dahil itong election na ito, napakaimportante at napaka-crucial para sa sambayanang Pilipino at para sa ating bansa," said the Senator, who was born Jose Pimentel Ejercito but runs under his better-known moniker, Jinggoy Estrada.

Ilang araw na lang at magaganap na ang national elections. Pero ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, "Hindi pa rin namin nakukumpleto ang pag-ikot sa buong Pilipinas."

Sa presscon na ipinatawag para sa kanya ng masugid na supporter na si Mother Lily Monteverde ng Regal Films, sinabi ng re-election candidate, "Siguro mga 80 percent pa lang ang naiikot namin. Ang last two weeks, hindi niyo na siguro kami makikita sa Manila kung hindi nasa probinsiya kami. Susuyurin namin yun. Ako, yung Region 6 pupuntahan ko, dahil hindi pa namin napupuntahan yun."

Base sa mga surveys, hindi bumababa sa posisyon na number 1 or 2 ang Senador.

"I feel very elated and I feel very humble," reaksiyon niya.

KRIS AQUINO'S APOLOGY. Kailan lang, may lumabas na nag-sorry raw sa kanya si Kris Aquino. Ito'y kaugnay sa binitiwang opinyon ni Liberal Party (LP) standard-bearer na si Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III noong Marso na mali ang ginawang pagbibigay ng pardon ni Pres. Macapagal-Arroyo kay former President Joseph Estrada, na pinatalsik sa tungkulan noong 2001, at gayundin sa mga sundalong convicted of conspiracy sa pagkamatay ng kanyang amang si Sen. Benigno Aquino Jr. noong 1983.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Sen. Estrada, "Ah, hindi, yung naging comment lang yata ni Senator Noy tungkol sa naging pardon na ibinigay [kay dating Pangulong] Estrada. Kasi sabi yata ni Noy, he's not in favor. Sabi ni Kris, she apologized, not in behalf of Senator Noynoy, but in her personal capacity dahil nagkaroon nga ng konting hindi pagkakaintindihan."

Ayon sa Senador, ang mas isinusulong niya talaga ay ang kandidatura ng kanyang ama, si dating Pangulong Joseph Estrada.

"Right now medyo dehado kami. Based on the reaction and based on the crowd na nama-muster namin tuwing rally, palagay ko we'll pull a surprise on election day. God willing."

Kumusta naman ang dating Pres. Erap sa mga resulta ng surveys?

"He's okay. Kailangan pang mag-triple time siguro. Pero palagay ko, makukuha naman siguro namin."

OPINION ON AUTOMATED ELECTION. Anong masasabi niya sa posible raw na dayaan sa election o pagkakaroon ng failure of election? All-out ba ang paniniwala niya sa automated election?

Continue reading below ↓

"May duda, may duda ako. Ang sinabi ko naman ever since, during my previous interview, sana, hindi ginamit yung automated election dito sa presidential election dahil itong election na ito, napakaimportante at napaka-crucial para sa sambayanang Pilipino at para sa ating bansa.

"If you fail in this election, mapapahiya na naman tayo sa mga neighboring countries natin. Sa bansang dayuhan."

SHARON CROSSES PARTY LINES. Habang ginaganap ang presscon ni Mother Lily sa Imperial Palace Suites sa Quezon City noong Huwebes, April 22, nasorpresa halos ang lahat sa biglaang pagdating ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Dumating si Sharon kahit na magkaiba sila ng partidong kinabibilangan, bilang pagpapakita pa rin nito ng suporta sa isang kaibigan. Ang asawa ni Sharon na si Francis "Kiko" Pangilinan ay LP, habang ang partido ni Estrada ay ang Pwersa ng Masang Pilipino.

"Siyempre nabigla at nagulat ako sa pagdating ni Sharon," ang sabi ni Senator Estrada. "Alam mo, si Sharon has always been a dear friend of mine, ever since. Kahit na nagkaproblema kami noong 2001 at nasa kabilang partido siya, I never took it against her.

Continue reading below ↓

"She still remains as my dear friend. Alam mo, kahit noong nakakulong ako, noong marinig ko na magkakaroon siya ng concert sa Araneta Coliseum, gustong-gusto kong manood. I texted her na, 'Gusto ko sanang manood ng concert mo, kaya lang nakakulong ako. Siguro paglabas ko, manonood ako ng concert mo.'

"And she texted back. Parang nagulat siya sa text ko. Parang napaiyak pa nga si Sharon sa akin noong kausap ko siya over the phone at nagulat siya. Despite of all the things that happened to us, naalala ko pa siya."

Ang pagkakakulong na tinutukoy ni Estrada ay ang pag-charge sa kanya noong 2001, habang town mayor pa siya ng San Juan, bilang co-conspirator ng kanyang ama sa protection racket para sa jueteng. Pinayagan siyang mag-bail noong 2003, at noong sumunod na taon ay matagumpay siyang tumakbo para sa Senado.

Inamin ng Senador na may gusto siya sa Megastar noon, pero, "hindi puppy love yun, true love yun!"

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, "Hindi ako makatulog hangga't hindi ko siya nakikita sa TV."

Pero bakit ngayon niya lang inamin ito?

"E, bakit ko naman sasabihin sa inyo," natatawa niyang sabi.

MISSING DABOY. Prominent naman si Lorna Tolentino sa mga kampanya niya at nandun nga siya sa presscon. How does he feel about the all-out support na ibinibigay sa kanya ni LT?

"Alam mo, ang nami-miss ko talaga sa ngayon, si Daboy [palayaw ni Rudy Fernandez, ang yumaong asawa ni Lorna]. Araw-araw ko siyang kasama sa mga kampanya for 90 days. Hindi ako pinabayaan. At minsan, kapag nagmo-motorcade nga ako, iniisip ko na lang, 'Katabi ko si Daboy at tumutulong siya sa akin.'

"Ngayon naman, kahit papaano, si LT promised me na kung anuman ang nagawa ni Daboy for me in 2004 election, she will duplicate it, which is what she is doing for me right now."

Ano ang mga nami-miss niya ngayong di niya na kasama si Daboy sa kasalukuyang kampanya?

Continue reading below ↓

"Basta, masayang-masaya siya na kasama siya sa kampanya, especially when I'm not available for a particular rally, siya ang nagpi-pinch-hit for me. Yun ang mga nami-miss ko, wala na akong mapakiusapan na, 'Pare, punta ka muna run. Ikaw muna, meron akong lakad.' So, ngayon, wala"

Matagal na rin niyang nasabi na gagawa siya ng pelikula for Regal Films. Bakit hindi ito matuloy-tuloy?

"Well, si Mother ang producer, not me," natatawa niyang sagot. "Pero ako, I made it a point na hindi ako gagawa ng ibang trabaho kapag nasa Senado ako. Siyempre, priority ko ang trabaho sa Senado."

POST-ELECTION PLANS. After the elections, may plano ba siyang gumawa ng movies, especially para sa Metro Manila Film Festival?

"Why not? Especially wala na si Bayani Fernando sa MMDA [Metro Manila Development Authority; si Fernando ang dating pinuno]," tahasan niyang sabi. "Pero sa movie, let me think about it, let me rest for a while."

Continue reading below ↓

Malaki na rin daw ang nagagastos ni Sen. Estrada para sa kanyang reelection bid. Nasabi ni Sen. Bong Revilla last month na nakaka-P20 million na raw siguro siya sa sarili niyang kampanya.

"Siguro halos pareho lang din kami ng nagagastos. Siguro mas konti lang nagagastos niya kumpara sa akin, kasi mas sikat siya. Pangalawa, mas kuripot sa akin yun kaya konti lang gastos nun," natatawang biro niya.

Mas mahirap ba ang kampanya ngayon compared to past elections?

"Modesty aside, medyo mas madali sa akin ngayon. Kaya ako nagdo-double time, kasi gusto ko rin manalo ang buong partido namin."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sana, hindi ginamit yung automated election dito sa presidential election dahil itong election na ito, napakaimportante at napaka-crucial para sa sambayanang Pilipino at para sa ating bansa," said the Senator, who was born Jose Pimentel Ejercito but runs under his better-known moniker, Jinggoy Estrada.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results