John Lloyd Cruz limits answers to questions about women in his personal life

IMAGE 0


John Lloyd Cruz tried to weasel out of questions tackling his personal relationship with Ruffa Gutierrez, Bea Alonzo, and Shaina Magdayao. "I'd really love to talk to you about this in a more appropriate event... My answers will be limited," was what he said about questions on Ruffa, while "It's a complicated issue...I wish I can tell you more about it," was the answer he gave when asked about a rumored rift between Bea and rumored girlfriend Shaina


Kagagaling lang sa sakit ni John Lloyd Cruz nang dumating siya sa press conference ng 555 Corned Tuna para sa kanilang dalawa ni Sarah Geronimo. Sila ng kanyang A Very Special Love at You Changed My Life screen partner ang napiling celebrity endorsers ng latest corned tuna brand na available na ngayon sa market.

Matapos ang general presscon para sa kanilang dalawa at sa mga batang kasama nila sa TV commercial, nagpaunlak ang box-office love team ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media. Pero sa takbo ng interview, lumalabas na mas interesado ang press kay John Lloyd.

May nagbato agad ng tanong sa pareha kung may gagawin na ba silang pelikula. Kinumpirma naman ito ni John Lloyd sa pagsasabing ginagawa na ang script ng susunod nilang pelikula ni Sarah, ang third installment sa kanilang A Very Special Love franchise.

"Actually, ginagawa na yung script. Yun ang huli kong narinig sa Star Cinema. Pero indefinite pa yung title," pahayag pa ni JL.

UNBEATABLE PAIR. Obserbasyon ng karamihang media people na nasa presscon na ginanap sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong April 13, wala pa ring tumatalo sa box-office achievements ng love team nina John Lloyd at Sarah. Pero sabi naman ng Kanto Boy member, may iba pang dapat pagtuunan ng pansin bukod sa box-office results o kikitain ng isang pelikula.

"Hindi naman dapat mag-focus ang tao sa box-office [results]. Kagaya ng sa amin, bonus na lang yun, nagkataon lang na yun siguro ang pinakamalaking kumita. Pero I think actors, filmmakers, writers, lahat ng involved sa filmmaking should focus more on the material. Sana huwag makalimutan yung pinaka-core ng ibinebenta natin," ani John Lloyd.

Sa dami na rin ng nangyari kay John Lloyd mula nang huli silang magsama ni Sarah sa You Changed My Life—pagkaka-link kay Ruffa Gutierrez, pagganap bilang gay lover ni Luis Manzano, pakikipagbalik-tambalan kay Bea Alonzo at pagkaka-link kay Shaina Magdayao—hindi maiwasang itanong kina John Lloyd at Sarah kung naninibago ba sila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sagot ni John Lloyd. "I don't know sa harap ng kamera, kasi siyempre, it's been a while. And alam naman natin, like kami ni Bea, nung matagal kaming hindi nagkasama at nagkatrabaho kami sa pelikula, sa I Miss You Like Crazy, parang...of course may mga pagbabago. Pero sa case namin [ni Sarah], nagkasama lang kami recently sa ibang brand na ini-endorse namin, nag-shoot kami for a poster, gumawa kami ng TV commercial for this [555 Corned Tuna]. Hindi ko lang alam sa harap ng camera, pagka yung pelikula na."

PERSONAL LIFE HAS NO EFFECT ON LOVE TEAM. Sa palagay rin ni John Lloyd, hindi makakaapekto sa tambalan nila ni Sarah ang kung anumang mga nangyari sa personal na buhay niya.

"Siyempre, ang intention initially ay ang makapagbigay ng materyal na angkop sa panlasa ng mga manonood. And ako naman, through my experience, magmula nang pinartner ako kay Bea, and at that time, I was committed [in a relationship] din naman, hanggang sa... Through the years, magkaroon man tayo ng personal na relationship. Kahit na marami tayong ginagawa sa trabaho natin... I don't think na hindrance siya para makapagbigay tayo ng magandang materyal o produkto sa mga manonood," patuloy ng binata.

Ang maganda rin daw sa producer ng mga pelikula nila, ang Star Cinema, hinahayaan daw talaga silang mga aktor kung paano didiskartehan ang mga character na ibinibigay sa kanila para maging epektibo sila.

"Yun kasi ang maganda sa Star Cinema, nakikinig sila, hinahayaan nila yung mga actors sa contribution nila para dun sa journey ng characters nila. Malaki ang involvement ng character, siyempre, sa takbo ng istorya."

Kumusta naman ang sinasabing proyekto nila ni Angel Locsin sa ABS-CBN?

"Nakapag-start na sila. Pero ako, baka sa May pa magsisimula," sagot ni Lloydie.

ON LEA'S WISH TO BE PAIRED WITH HIM. Nagbigay rin ng reaksiyon ang Kapamilya actor tungkol naman sa kagustuhan ni Lea Salonga na makapareha siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, para akong si Kuya Aga [Muhlach] pag nagkataon!" nangingiting banggit ng binata. "Unang-una, I find it hard to believe... Sa akin kasi, parang it's an understatement kung sasabihin kong I'm honored. I mean...that's Lea Salonga!

"Very flattering. Bihira ang ganitong experience na dadapo sa isang kagaya ko. Nakakatakot, pero masarap isipin na in the future, puwede kayong magkatrabaho at possible kasi nanggagaling sa kanya na wine-welcome niya yung konsepto o idea na puwede kayong magkasama, magkatrabaho. So, sa sinabi niya, maraming salamat. Kasi malaking bagay yun para sa akin, sa mga sumusuporta sa akin. Matutuwa ang mga parents ko," nasambit pa ni John Lloyd tungkol sa sinabi ni Lea.

JOHN LLOYD, THE CHICKBOY? Nag-react naman si John Lloyd sa mga sinasabi sa kanya na "chickboy" siya.

"Hindi naman chickboy. In this business talaga, it's all about perception...of people who matter to me and people who are involved dun sa mga dikit-dikit na issues, they know what's true. Actually, I feel terrible na pinag-uusapan natin ito with Sarah beside me. Kasi parang I feel it's inappropriate for the event today. Nakakahiya naman..."

May nagtanong pa kay John Lloyd ng tungkol kay Ruffa Gutierrez kahit na nagpasabi na itong nahihiya siyang sagutin ang mga tanong na walang koneksiyon sa event nila ng araw na iyon.

Napatingin muna si John Lloyd kay Sarah. "Okey ka lang diyan?" tanong niya sa singer-actress na kapareha, na nginitian at tinanguan naman nito. "Hindi, kasi parang... I'd really love to talk to you about this in a more appropriate event. Kasi nakakahiya naman kay Sarah at sa bagong brand na ine-endorse namin. My answers will be limited."

SARAH TO THE RESCUE. Bago magtapos ang pakikipanayam ni John Lloyd sa press, sinabi nito na open pa rin naman daw ang communication nila ni Ruffa. Nakisabat na rin si Sarah para iligtas ang ka-partner sa patuloy na pagtatanong ng press sa lovelife nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako ba, ang lovelife, hindi ninyo itatanong?" sabi ni Sarah, sabay bawi ng, "wala akong lovelife!"

Tinawanan na lang ni Sarah ang pagtatanong pa ng press tungkol sa sarili naman nitong lovelife.

CAUSE OF RIFT BETWEEN BEA AND SHAINA? Kahit na iniinterbyu ng iba pang press si Sarah, kinulit pa rin ng ilan si Lloydie sa lovelife nito.

"It's a complicated issue. To be answered by yes or no," ang sagot ni JL nang tanungin kung totoong siya ang dahilan ng napapabalitang tampuhan ng magkaibigang Bea Alonzo at Shaina Magdayao.

"I wish I can tell you more about it, pero yun lang muna ang masasabi ko sa inyo," bitin na sagot ng binata sabay paalam nito sa press.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN