Dingdong Dantes admits girlfriend Marian Rivera makes him feel very young

IMAGE 0


"Sa totoo lang, siya ang pinakanaka-jibe ko na tao. Pagdating sa buhay, pagdating sa pananaw sa buhay. Pagdating sa interpretasyon sa mga bagay-bagay. Maaaring hindi naman sa lahat ng bagay, pero sa karamihan at sa mga importanteng bagay, e, dun kami magkasundo," says Dingdong Dantes about girlfriend Marian Rivera.


Naniniwala kami sa sinasabi pareho ng mga bida ng pelikula na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na masaya sila sa shooting. Kitang-kita kasi ito sa mga aura nila nang humarap sila sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na naimbitahan sa last shooting day ng You To Me Are Everything last Sunday, April 18, sa bagong building ng GMA Network Center.

Most of the time, ang ginagampanang role ni Dingdong ay mayaman samantalang si Marian naman ay madalas gumanap na mahirap. Biro ng ilang entertainment press kay Dingdong, mukha raw kasi talaga siyang mayaman.

"Sa movie, nagkabaligtad kami ni Marian. Naghirap ako dito, siya yung yumaman!" natatawang sabi naman ni Dingdong.

Kung pagbabasehan ang trailer ng kanilang romantic comedy film na idinirek ni Mark Reyes, natural na natural ang acting nina Dingdong at Marian na parang silang dalawa lang sa totoong buhay.

"Yun nga ang maganda dun. Medyo effortless ng konti. Relax man, pero dapat pareho dun sa character. Nagkataon na pati yung mga eksenang makukulit, medyo pareho," sabi ni Dingdong.

May isang eksena nga raw sa movie na kasama sa trailer kung saan parang pinatatahimik ni Dingdong si Marian ng kahit isang minuto lang at binilangan naman siya nito. Natatawang pag-amin ni Dingdong, hindi na raw talaga part ng script nila yun, natural lang daw na nangyari yung eksenang yun.

"Yung scene na yun, totoo yun. Wala sa script yun. Hindi namin alam na nagro-roll na pala ang camera. Wala yun, wala sa script yun. May ibang eksena yun, adlib lang yun," kuwento ng aktor.

Bakit biglang pumasok yung ganoong eksena nila?

"Wala lang. Ganun kami, e, nag-e-explore kami. Medyo may mix of truth na rin yun, may argument ng konti. Hindi nga namin alam na naka-on ang camera, hindi namin alam na yun ang gagamitin. Although, after, tumatawa sila, hindi namin alam kung bakit. Yun pala, ni-record na. Nalaman ko na lang nung ine-edit na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dingdong, naniniwala siya na magugustuhan at mag-e-enjoy lalo na ang fans nila sa bagong movie nila ni Marian.

"Sure ako dun kasi siguradong lalabas ka ng sinehan nang nakangiti," sabi niya. "At saka sa ngayon pa lang, may mga feedback na rin akong natatanggap na natutuwa sila sa trailer pa lang."

Sa May 5 na ang regular showing ng You To Me Are Everything, pero magkakaroon muna ito ng premiere night on May 2.

LAST TEAM-UP? Hindi pa man ipinalalabas ang You To Me Are Everything, may balita nang lumalabas that this could be their last movie together. Sa telebisyon naman, ang sisimulan nilang Endless Love na raw ang huli nilang teleserye magkasama. Pero may plano namang iba ang GMA-7 sa bawat isa sa kanila.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Hindi ko rin alam. Sinabi rin naman kasi sa amin yun noong Dyesebel, pero may [Ang Babaeng Hinugot Sa Aking] Tadyang at yun, last na raw talaga. Then, biglang bumalik. So, maraming versions, e.

"Ako, I think, at the end of the day, yung mga manonood pa rin ang makakapag-dictate. Depende na rin siguro kung magiging effective kaming muli as a couple on screen. Siyempre, bakit mo naman rerendahan ang isang bagay if it's doing us good, pati ang GMA, kung maganda naman ang naibibigay namin? Still, things can still change," pahayag ni Dingdong.

Biro namin kay Dingdong, siguradong magpoprotesta ang followers nila kung tuluyan nga silang paghihiwalayin.

"Maaari, maaari," nakangiting sabi naman niya.

DOUBLE THE WORRY. After doing three successful primetime series and one movie together, ano ang napansin ni Dingdong na kaibahan sa paggawa nila ng You To Me Are Everything?

"Para sa akin, mas mahirap siya ngayon dahil double na ang pag-worry ko. I'm not just worried about sa akin, sa ginagawa ko as an actor, worried din ako para sa kanya [Marian]. Kumbaga, dati, ang iniisip ko lang, ang sarili ko. Kung papaano ako aarte, ano gagawin ko rito. Pero this time, I worry for us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, dalawa na kami. Dalawang ulo na ang iniintindi ko which is, para sa akin, I'd like to do it. Gusto ko yung feeling. Yun na nga lang, yun ang difference, mas nagiging complicated na ngayon which is better naman for me."

Why better?

"Siyempre, maganda kasi kapag nagke-care ka sa isang tao. Yung hindi puro sarili mo lang ang iniisip mo. So ngayon, mas naging thoughtful ako, maasikaso. Kumbaga, iniintindi ko lang siya palagi," sagot ni Dingdong.

TAMPUHAN BLUES. Wala pa halos nababalita na nagkaroon ng matinding away sina Dingdong at Marian. So, kumusta sila kapag nag-aaway o nagkakatampuhan?

"Siyempre, ang tampuhan, hindi mawawala 'yan," sabi ni Dingdong. "Ang maganda sa amin, binibigyan namin ng chance ang isa't isa na magsalita. Explain muna, tapos ang importante, hindi dapat nagsasabayan. Pero sandali lang 'yan. That would only last ng ten minutes, tapos magsa-subside na, mag-uusap na. Mag-e-explain na nang maayos, tapos na."

So, after the fight or argument, ano ang kadalasang nangyayari?

"After ng tampuhan, yun na ang sweet revenge!" natatawang sabi ni Dingdong.


MARIAN MAKES DINGDONG YOUNG. After ilang years na rin of being together, how would Dingdong describe himself being with Marian?

"Maraming first time na nangyari sa akin. Ang gaan lang. Ang gaan ng chemistry. Ang dami kong natutunan sa kanya, ganundin siya sa akin. Tapos, I feel very young. Parang hindi ako thirty, yung ganun... Kasi, hindi pa naman ako thirty!" natatawang biro ng 29-year-old actor.

So, pinapabata pa lang siya ni Marian?

"Oo. Tapos siya, pinapabata ko rin ng konti. Kumbaga, yung mga simple things, mas ine-enjoy ko ngayon," sabi niya.

In a way ba ay na-challenge din siya, o sila ni Marian, dahil from the beginning, marami na ang nagsasabi na kesyo hindi sila magtatal? Na sobrang opposite silang dalawa in so many ways?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, siya ang pinakanaka-jibe ko na tao. Pagdating sa buhay, pagdating sa pananaw sa buhay. Pagdating sa interpretasyon sa mga bagay-bagay. Maaaring hindi naman sa lahat ng bagay, pero sa karamihan at sa mga importanteng bagay, e, dun kami magkasundo."

Dugtong pa nga niya, "Siguro kung paano makitungo sa tao, how to chase your dreams, yung mga ganun."

Or, is it because with Marian, wala itong binabago o gustong baguhin sa kung ano siya?

"Wala siyang binago sa akin at wala rin akong gustong baguhin sa kanya," pagsang-ayon ni Dingdong. "Kumbaga, kung sino ako noong nakilala niya ako, maaaring tinanggap niya ako. At maaring pati rin naman siya, kung sino siya at kung ano siya, e, yun ang nagustuhan ko."

Ang daming nagulat nang magbigay si Dingdong ng pahayag tungkol sa mga isyung ibinabato kay Marian. Parang bigla raw lumabas ang tapang niya.

"Well, sorry sila, kasi nagkataon na nandito ako sa equation. Buti sana kung wala akong pakialam. Hindi ko naman puwedeng sabihin na bahala na siya. Kasi, sobrang below-the-belt atsaka wala, e, parang hearsay lang. Okey nga lang na may hearsay or may report. Pero kung patungan mo pa ng comment na talagang nakaka-degrade, yun na ang nakakainis dun," saad ni Dingdong.

WEDDING TALKS. Kung sakali at magpapaka-futuristic ang usapan, si Marian na nga ba ang babaeng pakakasalan niya at magiging ina ng kanyang mga anak?

"Sa akin na muna yun," nakangiti niyang sagot. "Kasi kapag sinagot ko 'yan, tuloy-tuloy na 'yan, di ba? Maaaring oo, basta... I know what I want. Pero siyempre, I want to take things one step at a time. Ayoko namang magkaroon ng premature na announcement or pagsabog ng mga importanteng bagay sa buhay ko. So, I want to do it in a proper way.

"Basta sa ngayon, I'm very happy and satisfied sa person na kasama ko ngayon and nothing more to ask for."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal pa bago siya mag-settle down?

"Hindi ko alam, hindi ko alam," sagot ni Dingdong. "Kasi marami rin naman akong puwedeng gawin na... Kumbaga, settling down should not be a hindrance para maituloy mo ang dreams mo. Pero siyempre, dito sa industriyang ito, sasabihin ng iba na siyempre, mag-iiba rin ang mga mangyayari sa 'yo.

"Pero compared naman sa other countries, e, that's not the case. Pero iba rin kasi ang kultura natin. I believe na hindi siya dapat maging hadlang para matupad mo pa ang mga pangarap mo and, maybe, that's one thing na gusto kong patunayan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN