JC Tiuseco did not get a birthday greeting from Maxene Magalona

IMAGE 0


"Ay, sa akin po, hindi po problema yun. Kung halimbawa birthday ko...hindi po kasi ako yung matampuhin. Kung walang nag-text sa akin, okey lang sa akin," says JC Tiuseco when asked if he's not hurt that Maxene Magalona did not greet him on his birthday.


Never na umamin sina JC Tiuseco at Maxene Magalona na nagkaroon sila ng relasyon kahit marami ang nagtanong sa kanila. But since they were paired in the afternoon series Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, they became inseparable at mdalas na silang makitang magkasama sa iba't ibang events.

Nang isalang sila sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central noon, both answered 'No" sa tanong kung sila na nga. Pero sabi ng lie detector, "Lie" ang kanilang sagot..

Last Sunday, April 18, sa taped interview ng Showbiz Central kay JC Tiuseco, tinanong siya tungkol sa balitang break na raw sila, sa kabila ng hindi nila pag-amin ni Maxene.

May bagong drama show rin kasi si JC sa Kapuso network, ang Langit sa Piling Mo, pero hindi na niya makakasama rito si Maxene. Balita rin na matagal na silang hindi nagkikita.

"Last summer plug pa po, hindi ko alam kung kailan yun, e, pero matagal na. Baka mga March. Hindi ko naman po kasi siya nakikita ngayon, pero okey naman po. Magkaibigan pa rin," sabi ni JC.

Marami ang nakakapansin na tumabang na ang samahan nila?

"Siguro nag-focus lang sa isa't isang mga fields. Kunwari siya, busy na rin siya. Tapos ako, nag-concentrate na rin ako, nandito ako palagi, nagdyi-gym. Dati kasi, tumigil na akong mag-gym. Tapos, hindi na ako masyadong nagba-basketball. Pero bumalik ako sa pagba-basketball, swimming," paliwanag ni JC.

Last April 16 ay nag-celebrate si JC ng kanyang 25th birthday. Pero ni-reveal niyang hindi siya nakatanggap ng anumang pagbati mula kay Maxene.

"Actually, buong day, nasa bahay lang ako. Nag-gym ako. Tapos noong gabi, dinner with family. Then, lumabas ako kasama ng Survivor friends ko," banggit ni JC.

Hindi ba siya nagtampo na hindi siya naalaalang batiin ni Maxene?

"Ay, sa akin po, hindi po problema yun," sabi ng first Survivor Philippines Ultimate Sole Survivor. "Kung halimbawa birthday ko...hindi po kasi ako yung matampuhin. Kung walang nag-text sa akin, okey lang sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAXENE SPEAKS UP. Ipinakita rin sa Showbiz Central ang naging interview naman ng Tweetbiz ng QTV 11 kay Maxene.

"Naging close naman kami ni JC sa isa't isa," aniya.

Pero how true na hindi na raw siya open na makipag-work kay JC?

"Oo," sagot ni Maxene. "Totoo naman yun kasi especially naka-dalawang shows na kami, major shows. Right now, sinabi ng Mom ko [Pia Magalona], which is my manager, it was a professional decision for us na to go in a different direction. Kasi nga, ayaw naming ma-tie-down sa iisang leading man lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN