LJ Reyes found it difficult to tell her mom that she's pregnant

IMAGE 0


"Nandun siya palagi sa mga ups and downs ng life ko. Lahat nandun siya. Very mature kasi si Pau. Kahit sabihin nating very young pa, pero very mature 'yan mag-isip. Kahit sabihin pa natin na noon, very chickboy 'yan, pero ngayon, talagang nag-mature na siya. Tapos, iba ang tingin niya sa buhay," says LJ Reyes about Paulo Avelino, the father of her unborn child.


Pagkatapos ng kanilang taped interview with Ricky Lo sa Startalk last Saturday, April 17, live namang nag-guest ang magkasintahang sina LJ Reyes at Paulo Avelino sa Showbiz Central last Sunday, April 18. Ang topic siyempre ng usapan ay ang pagbubuntis ni LJ.

Una munang in-interview ng co-host ng Showbiz Central na si Pia Guanio si LJ. Kahit six months na ang dinadala ni LJ ay tila hindi pa siya nagge-gain ng weight at hindi pa rin masyadong halata ang kanyang pagbubuntis.

KEEPING IT PRIVATE. Ayon kay Pia, nang lumabas ang balita na kumpirmadong buntis si LJ last Friday, April 16, marami raw ang nag-Twitter sa kanya. Gulat na gulat daw ang mga ito na buntis si LJ, to think na hindi nga raw nila alam na may relasyon pala sila ni Paulo.

Bakit nga ba nila inilihim ang kanilang relasyon?

"Hindi, kasi for us, gusto kasi namin, like yung sinabi ng friends namin, na gusto kasi namin, kung ano yung sa amin, gusto namin, we want to keep it private. Siyempre kapag nasa showbiz ka, hindi naman maiiwasang mapaglaruan ang relationship n'yo kapag alam ng lahat.

"At ang sa amin naman kasi, kung nagkakaintindihan kami, alam namin kung nasaan kami, kung saan kami lulugar sa isa't isa, okey na sa amin yun. Atsaka alam naman namin kung ano ang napi-feel namin towards each other," sagot ng 22-year-old actress.

Paano ba na-develop ang relationship nila? Ano ang nagustuhan nila sa isa't isa?

"Kay Pau, kahit naman kasi kanino na friends niya, talagang very sweet siya, very thoughtful. Pero may way si Pau na maipapa-feel niya na special yung isang girl sa kanya. Atsaka ang gusto ko sa kanya, he's very responsible. Like yun nga, sa case ko, nandun siya. At isa siya sa pinagkukunan ko ng strength. Never siyang nang-iwan. Kahit relatively young pa ang relationship namin, nandun siya palagi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Almost a year pa lang daw ang relasyon nina LJ at Paulo.

Sabi pa ni LJ, "Nandun siya palagi sa mga ups and downs ng life ko. Lahat nandun siya. Very mature kasi si Pau. Kahit sabihin nating very young pa, pero very mature 'yan mag-isip. Kahit sabihin pa natin na noon, very chickboy 'yan, pero ngayon, talagang nag-mature na siya. Tapos, iba ang tingin niya sa buhay."

Paulo will turn 22 on May 13.

THE DISCOVERY. Looking at LJ now, she's obviously relaxed and happy. But then, kumusta nga ba siya and how was she when she found out that she's pregnant?

"When I first found out, siyempre shocked, surprised, nervous, and scared. Yun yung mga napi-feel ko. Pero si Pau kasi ang unang nakaalam. Magkasama kami noong nalaman namin.

"And yun, siya mismo ang nagsabi sa akin na, 'Don't worry about it, I'll be here for you.' So, yun, yun ang parang words na yun, talagang okay, okay na 'ko. So, parang ang bilis lang ng recovery ko sa scared, nervous... Parang, 'A, okay, good, okay na ako.' Ang kinakabahan ko na lang ay kung paano ko sasabihin sa magulang ko," kuwento ni LJ.

Hindi rin daw nakalampas si LJ sa mga usual na nararamdaman ng isang nagdadalang-tao, tulad ng pagkakaroon ng morning sickness. So how is she preparing for motherhood?

"Noong alam ko na, okay na sa lahat, okay na sa mommy ko. Siyempre, nag-advice siya na, I'll buy books, go to the Internet and surf for mga articles, ganyan. Tapos yung tita ko kasi she's a doctor. Nasa Taiwan kasi siya ngayon. So, she sent me a video na National Geographic na special, na In The Womb ang title niya. So, pinanood ko siya."

Ayon kay Pia, good thing daw na hindi natakot si LJ dahil napanood din daw niya ang naturang video. Aminado naman si LJ na natakot din siya at nahirapan siya sa kanyang pagbubuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung first three months period ng pregnancy ko, kasi yung doctor ko, nang magpunta ako sa OB, tinanong niya ako ng lahat ng nararamdaman ko. Kasi, meron akong ulcer, before pa, bata pa lang ako, meron na. So, sabi niya, 'Your case will gonna be worse than normal.' Lahat ng kinakain ko, sinusuka ko. Hindi ako makakain nang maayos, nahihilo ako. So, medyo kailangan ko siyang itago from everyone din. So, parang hirap na hirap na nga ako, wala pa akong kasama. Kapag nagte-taping ako or nagwo-work, hindi ko rin masabi sa mga tao na medyo bigyan ako ng konti pang atensiyon or ng konting leeway kunwari kapag nagte-taping."

It's amazing na naitago ni LJ ang pregnancy niya from her friends, to think that she lives alone at si Paulo lang talaga ang masasabing nag-aalaga sa kanya all this time.

"Oo, and siya naman, ang ginagawa niya, siyempre hiwalay rin ang trabaho namin, palagi niyang mine-make sure na meron akong food. Kumakain ako on time kasi ganun naman talaga ang ulcer, dapat kumakain ka on time and small meals.

"Palagi siyang tumatawag kapag magkahiwalay ang taping namin na, 'O, ano, kumain ka na ba? Kumain ka na. Kung magte-take ka nang matagal baka magutom ka,'" kuwento ni LJ tungkol kay Paulo.

TELLING HER PARENTS. Ano naman ang naging reaction ng mommy at sister niya when they found out na buntis siya? Naging mahirap ba ang pagsasabi niya?

"Sobrang hirap," sabi ni LJ. "Kasi yung Mommy ko, kasi medyo mataaas ang expectation niya sa akin. Since I was a kid, honor student and everything. Tapos yun nga, parang noong pumasok ako sa showbiz, hindi niya gusto. Pero noong sinabi kong gusto ko, sinuportahan naman niya ako all the way.

"Tapos 'eto, siyempre iba 'to. Noong sinabi ko sa kanya, sobrang hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Tapos hindi ko na nga matandaan kung anong word ang ginamit ko. Kung paano ko sinabi sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni LJ, "Nagalit siya sa akin...nagalit siya. Actually, binagsakan pa niya ako ng phone noong una. Pero nalungkot ako, umiyak ako, ganyan. Pero I knew I had to talk to her, yung maayos na usap.

"And we talked, sinabi ko sa kanya na, 'I'm sorry,' ganyan... 'Alam ko na hindi ito yung time para mangyari 'to, pero nandito na kasi and we'll take all the responsibilities. Hindi naman namin kayang gawin na pabayaan na lang ang bata.' Yung mommy ko, umiyak siya," kuwento ni LJ na naging emosyunal na rin sa puntong ito.

Ano ang biggest regret ng mommy niya?

"Na yung baby niya raw, mawawala na," sagot ni LJ. "Kasi bunso ako sa aming dalawa ng ate ko. Tapos ako yung mas close sa Mama ko. Usually kapag may problema siya, mas nasasabi niya sa akin kesa sa ate ko. Pero noong matapos na siyang umiyak, sinabi niya, 'Don't worry, nandito pa rin ako for you.'

"Actually, yun ang greatest thing about my mom. Kahit hindi niya masyadong naiintindihan, or hindi niya masyadong gusto ang nangyayari, nandun siya palagi for me. Sinusuportahan niya ako."

Ano naman ang naging reaction ng daddy ni LJ, na recently lang din sila nagkaayos?

"Yung dad ko, shock siya. As in, 'Tama ba yung narinig ko?' Parang ganun ang hitsura niya. Tapos yun, sinabi ko sa kanya na totoo 'to. Tinanong niya kung, 'Alam na ba ng Mama mo?' So ikinuwento ko na, 'Oo, nagalit siya at first pero we talked.' Tapos, medyo nagulat din siya. Tingin ko kasi, tingin pa rin nila sa amin, babies pa rin nila."

Ano ang sinabi ng daddy niya kay Paulo?

"Kinausap niya si Pau. Kasi nandun din naman siya. Pero sabi ko kay Pau, 'Tumabi ka muna, ako muna kakausap sa daddy ko.' So, noong okey na, tinawag namin si Pau tapos they talked. Tapos, nag-advice siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang dad ko, meron na siyang ibang family. Pero sinabi niya kay Pau na sana ma-workout ang relationship namin, 'magtagal kayo', at ayaw raw niyang magaya kami sa kanya. So, ganun siya. Nakikita ko rin naman ang love and concern ng dad ko for me."

PAULO'S TURN TO SPEAK. Pagkatapos nito ay tinawag na ni Pia si Paulo para makasama ni LJ sa naturang live interview. Tinanong ni Pia si Paulo kung ano na ngayon ang plano nila ni LJ since it was already Paulo's dad who said that as soon as possible, they seek the Church's blessing?

"Well, right now, siyempre yung priority muna namin, yung baby," sabi ni Paulo. "Gusto ko lumabas muna siya and then, kapag medyo okay na, hindi na masyadong alagain, then we'll see. Eventually, mangyayari rin naman yun."

How does it feel na before the month ends, pupunta na sa U.S. si LJ at mawawala for at least six more months?

"Siyempre, medyo nakakalungkot din," sagot ng young actor. "Six months mo inalagaan na nakikita mong nahihirapan, tapos mawawalang bigla. But I think, mas okay na. Kasi dito, hindi naman ako puwedeng nandiyan palagi para mag-alaga sa kanya. Mag-isa lang si LJ sa bahay. At least dun [sa U.S.], nandun ang mommy at sister niya para mabantayan siya and susunod naman ako eventually."

How does it feel na ang magiging anak nila ay lalake? Sabi ni LJ, yun daw talaga ang gusto ni Paulo.

"Siyempre, masaya. Hindi naman sa ayaw kong maging babae ang anak namin. Pero parang ayoko kasi na dumating sa stage sa akin na makikita mong nililigawan na anak mo, baka hindi ko ma-handle," medyo natatawang sabi ni Paulo.

Naging aminado si Paolo sa past interviews niya that since paangat na ang career nila, with this new development, maaaring may mga maudlot pa. So, how does he feel about this?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo may panghihinayang din noong una," sagot ni Paolo.

Sabi naman ni LJ, "Siguro sa akin kasi, I have to leave for a while. Pero si Paulo naman, the network assured na continue pa rin ang pagtatrabaho niya. Kasi naniniwala sila na magaling na artista si Paulo, very professional. Kaya hindi naman siguro factor na nagkaroon kami ng baby para mawalan siya ng work.

"Sabi nga ni Ma'am Wilma [Galvante], depende pa rin kung gaano kagaling ang artista, kung paano siya umarte at gampanan ang mga roles, at hindi dahil sa kung ano siya sa likod ng kamera."

Dugtong ni Paolo, "Yun nga, noong una, nanghinayang. Pero parang mas nanaig yung feeling na magkaka-baby ka na, 'tapos baby boy pa. Parang mas overwhelmed yung feeling na yun sa akin kesa manghinayang sa mangyayari sa career ko bilang isang artista."

Paano nga ba mababago ang priorities nila?

"Ako tulad ng ibinuking ng kapatid ko, no more shopping!" natatawang sabi ni LJ. "Hindi, meron naman, pero for the baby na. Pero ang priorities siguro, seriously, ang dami. Nangangapa pa rin ako. Ang dami ko pa rin itinatanong sa Mama ko. 'Ma, ano ba, ganyan...' Yung older sister ko sa father ko, tinatanong ko, 'Paano ba 'to?' Ang dami kong tanong."

Manganganak lang naman daw si LJ sa U.S. at babalik din siya with their baby at magpapatuloy sa kanyang showbiz career.

Sa huli, Pia asked Paulo and LJ kung may gusto ba silang sabihin sa kanilang fans?

Naunang nagsalita si Paolo. Aniya, "Siyempre, hindi naman expected yung nangyari sa amin, o ayoko rin na mangyari sa inyo. It's better if you study first. After you graduate, you work. Then, if you fall in love at feeling n'yo magiging partner kayo habang buhay, then get the Church's blessing, have a baby. Plan it first."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe naman ni LJ sa kanilang mga fans: "Yung sa amin kasi, very untimely, di ba? Gusto kong malaman ng lahat ng tao na hindi naman dapat ganito ang mangyari sa lahat. Gusto namin pa rin, siguro... Hindi naman kami nagre-regret, pero siguro kung puwede pa namin siyang i-plan nang mas maayos pa, we would. At kung meron man kaming mga fans namin na naggo-go through the same situation with us, take the responsilbility."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN