Mark Herras enjoys the trust of Ynna Asistio's family

IMAGE 0


"Siguro po in five or six years, kapag may mansiyon na ako, magpapakasal na ako!" jokes Mark Herras. "Tumitingin-tingin na rin po ako ng lote, siyempre kailangan 'yon ang una kong bilhin. Seriously po, kapag naging stable na ako at ang family ko, magpapakasal na rin ako. By that time, 29 years old na ako."


Nag-alala para kay Mark Herras ang kanyang fans nang mapabalitang hindi niya natapos ang Party Pilipinas noong trade party ng GMA Network sa SMX Convention Center last April 8 dahil sumama ang kanyang pakiramdam. Reportedly, nagkaroon ng heartburn si Mark.

Pero isang malakas na malakas nang Mark Herras ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa Executive Lounge ng GMA Network Center kahapon, April 19.

Nakapagpa-check-up na ba siya?

"Yes po," sagot ni Mark. "Okey naman po ako. Clear po ang lungs ko, nothing to worry. Talaga lang noong time na 'yon, halos wala akong pahinga. Nagkasunud-sunod po ang taping ko, rehearsals, at show kaya po ako napagod nang husto. Pinagpahinga na lang po ako after noong nakaramdam ako ng heartburn."

Baka dapat ay magpahinga naman siya?

"Hindi lang po rest," sabi niya. "Makakapagbakasyon nga po ako ng ilang araw kasi wala kaming taping ng Diva. One week po 'yon dahil birthday ni Ate Reg [Regine Velasquez]. Pupunta ako ng Subic. Doon kasi magsi-celebrate ng birthday niya si Tita Nadia [Montenegro, mother of Ynna Asistio] at inimbita niya po ako at ng kanyang family na mag-join sa kanila. Babalik po ako ng Manila just in time sa rehearsal ko ng Party Pilipinas dahil nasa Cebu naman po kami sa Sunday [April 25]."

Hindi na inilihim ni Mark ang closeness nila ni Ynna. Hanga rin daw ang young actor sa malawak na pang-unawa nito kahit five years younger ito sa kanya. Hindi ba nagseselos si Ynna kapag may mga issue na inali-link siya sa iba?

"May selos kung minsan, pero pagdating sa trabaho, okey siya, alam niyang work lang 'yon," sabi ni Mark. "Like po sa susunod kong project, makakasama ko si Katrina [Halili]. Hindi ko pa alam kung ano ang role ni Kat, pero trabaho po 'yon, kaya wala siyang dapat ipagselos. 'Saka ipinapaliwanag ko naman agad sa kanya kung may issue. Open din po ang pagtanggap sa akin ng family niya kaya ayaw ko ring mawala ang trust nila sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LANGIT SA PILING MO. Ang project na tinutukoy ni Mark ay ang primetime soap na Langit sa Piling Mo, kung saan makakasama niya rin sina Heart Evangelista, JC Tiuseco, Daniel Matsunaga, at Isabel Oli.

Ano ang magiging role niya sa Langit sa Piling Mo, na ipapalit sa youth-oriented soap na First Time?

"Isa po akong COO [Chief Operating Officer] ng isang airline," banggit ni Mark. "Pinaghahandaan ko na po ang role ko. Bukod sa magkakaroon ako ng training, magwu-workshop po ako kay Direk Floy Quintos. First team-up po namin ito ni Heart at medyo may kaba ako. Although nagkasama kami noon sa Luna Mystika, pero guest role lang ako doon.

"Bale sa aming tatlo nina JC at Daniel, ako yung main na katambal ni Heart. Hindi ko pa po alam kung sino ang iba naming kasama, pero ang direktor namin si Gil Tejada. Magsisimula na raw kaming mag-taping sa first week of May."

Bakit parang ayaw niyang huminto sa pagtatrabaho? Hindi pa nga siya tapos sa Diva, may gagawin na siyang bagong soap. May balak na ba siyang magpakasal?

"Siguro po in five or six years, kapag may mansiyon na ako, magpapakasal na ako!" biro ni Mark. "Tumitingin-tingin na rin po ako ng lote, siyempre, kailangan 'yon ang una kong bilhin. Seriously po, kapag naging stable na ako at ang family ko, magpapakasal na rin ako. By that time, 29 years old na ako."

Si Ynna na kaya ang pakakasalan niya?

"Bakit naman hindi?" nakangiting sagot ni Mark.

LJ & PAULO. Alam na ni Mark ang tungkol sa nangyari sa relasyon nina LJ Reyes at Paulo Avelino, na tulad niya ay mga produkto rin ng StarStruck. Ano ang gagawin niya kung sa kanya mangyari 'yon at makabuntis din siya?

"Kung sa akin po mangyari 'yon, hindi ko rin itatago. Kaya lang, ayoko pong mangyari sa akin, kaya 500 percent ang pag-iingat ko!" natatawang wika ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May comment ba siya sa nangyari kina LJ at Paulo?

"Natutuwa po ako na pinanindigan nila ang kanilang magiging baby. Para po kasi sa akin, blessing po ang pagkakaroon ng anak. Ako po kasi, ang iniisip ko, kapag ang guy ay nakabuntis ng babae, tiyak na mahal na niya ito at ayaw na niyang pakawalan. Mga kaibigan ko po sila at happy ako sa kanila, lalo pa't sa July ay may baby boy na sila," saad ni Mark.

JENNYLYN & DENNIS. Ano naman ang comment niya sa balitang may relasyon na ang dati niyang girlfriend at ka-loveteam na si Jennylyn Mercado at si Dennis Trillo?

"Wala naman pong masama kung magkaroon sila ng relasyon," sabi ni Mark. "Kung seryoso po sila sa isa't isa, bakit hindi? Pareho naman silang binata at dalaga, wala silang commitment sa ibang tao. Nagkakasama po kami ni Jen sa Party Pilipinas, pero hindi ko siya tinatanong. Kaibigan ko rin si Dennis. At kung maging sila na talaga, magiging happy ako sa kanila. Basta huwag na lamang silang padadala sa intriga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN