Jay-R doesn't fool around even if girlfriend Krista Kleiner is far away

IMAGE 0


"We have a lot of things in common po. Kumakanta rin siya. Yung music ko, talagang gusto niya talaga. Parang ibang feeling po. Sumasayaw, nasa showbiz din. And ganito pala ang feeling. Maganda rin, e. Akala ko walang privacy, hindi magla-last ang mga showbiz relationship. Pero it's very fun, it's very laid-back lang. We understand each other's feelings po, e," says Jay-R about his relationship with girlfriend Krista Arrieta Kleiner.


Starting April 26, Kapuso viewers will have a date with The Platinum Prince of Soul, Jay-R, as he hosts the new dating show of GMA-7, Take Me Out. It will replace the timeslot of Dingdong Dantes's game show Family Feud.

Hosting is another dream of Jay-R that the Kapuso network has fulfilled. Pero ayon sa R&B singer, hindi niya hiningi ito.

"Hindi ko po ito ni-request. Nangyari lang 'to, e. Feeling ko po, I'm very proud, I'm very happy that the network has given me the opportunity. Like I've said po, I've been in SOP for seven years po, now Party Pilipinas. They finally gave me my own show po to host," sabi ni Jay-R nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Take Me Out kagabi, April 20, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Dumaan din daw si Jay-R sa audition. Wala lang daw siyang idea kung ilan silang pinagpilian.

Sino sa mga show hosts ang hinahangaan ni Jay-R?

"Ryan Seacrest, definitely!" bulalas ni Jay-R. "Si Ogie Alcasid...Ogie and Janno Gibbs, they are great. KC Montero, magaling din. Jimmy Muna..."

MISSING KRISTA. There are 30 girls in Take Me Out searching for their perfect date. Sa mga girls na ito, wala ba siyang napapansin o nagpapansin sa kanya especially now that his girlfriend, Bb. Pilipinas-International 2010 Krista Arrieta Kleiner, is not around?

"Well, may mga nakikita akong tingin-tingin, hawak sa balikat, pero wala namang mga direct flirting. Atsaka siyempre, kapag in love ka, isa lang naman ang ano mo, di ba?" nakangiti sabi ni Jay-R.

Ayaw namang sumang-ayon ni Jay-R sa kasabihang "absence makes the heart go flirting." Lalo pa nga't ilang buwang mawawala si Krista dahil sa pagsama nito sa concert tour ng Spanish singer na si Julio Iglesias. Natatawa nitong sabi, "Hindi, hindi, mali yun!"

Pero sure siyang pagbalik ni Krista, sila pa rin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have a good feeling na kami pa rin po," nakangiti ng sagot ni Jay-R.

Nagkakausap pa rin ba sila regularly kahit malayo si Krista?

"Every day po... Skype, kasi libre at mura lang."

Nagulat naman si Jay-R nang malaman niyang may mga entertainment press na nagpa-follow sa kanya at nababasa ang Twitter posts niya. Tulad na lang ng Twit niya recently na, "I'm feeling sad again. I hate this feeling."

Ano ang ibig sabihin niya rito?

"Hindi, kasi noong gabing yun, nasanay ako na every day kaming nagsasalita, nag-uusap [ni Krista]. E, nung day na yun, lumipad siya papuntang Hawaii. E, ang tagal ng flight niya. Siyempre, ilang oras yun, so parang nalungkot na ako. Miss ko na siya. So, you know, nag-Twit na ako para malabas ko na ang feelings ko," paliwanag ni Jay-R.

Sobrang in love ba siya kay Krista?

"Yes," mabilis naman niyang pag-amin.

Ayon kay Jay-R, magwa-one year na raw sila ni Krista. Pero ang one month na wala raw ang kasintahan ay parang sobrang tagal na raw for him.

"Every day ko siyang nami-miss, every day talaga," pag-amin niya.

LOYAL TO KRISTA. Magkakaroon kaya ng twist sa Take Me Out na as the host of the show, si Jay-R naman ang pipili ng makaka-date niya among the girls?

"A, wala, hindi puwede. Magagalit si Krista," nakangiti niyang sabi.

Marami tuloy ang tumukso kay Jay-R na sobrang loyal naman niya sa kanyang girlfriend. Hindi kaya sa gano'ng intensity ng feelings niya para kay Krista ay may plano na pala silang mag-settle down?

"Hindi po, si Krista medyo bata-bata pa rin po," sabi ng singer-actor-TV host. "We wanna take is slow lang and make sure that we do everything right before we make decision like that, kasi medyo malaking decision po 'yan. Her career is taking up po, my career is taking up po. So, you know, we wanna focus on work din and we'll see in the future. We're only less than one year din po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaalala namin kay Jay-R that he just came from a long relationship na masasabing in love na in love din siya noon. So, paano niyang nasasabing this time, iba nga with Krista?

"We have a lot of things in common po. Kumakanta rin siya. Yung music ko, talagang gusto niya talaga. Parang ibang feeling po. Sumasayaw, nasa showbiz din. And ganito pala ang feeling. Maganda rin, e. Akala ko walang privacy, hindi magla-last ang mga showbiz relationship. Pero it's very fun, it's very laidback lang. We understand each other's feelings po, e," saad niya.

Conservative pala si Jay R, kahit sabihing laking-U.S. siya. In fact, never did he allow any girls na mag-"take me out" sa kanya or siya naman to indulge in a one-night stand.

"Wala pa akong na-experience na ganun," sabi niya. "Kasi, I'm always in a relationship. Hindi ba, sabi ko, I'm always loyal? So yung last relationship ko, medyo matagal din kami. So, there was never an opportunity na yung mga girls... Well, alam ng mga girls na may girlfriend ako, so they don't really do it."

Dagdag ni Jay-R, "Very choosy po ako sa babae, e."

What about one-night stand?

"No, I'm very conservative when it comes to that," sabi ni Jay-R. "I'm very, very conservative na po when it comes sa mga ganung usapan. Sa Amerika man po ako lumaki, pero siyempre po, Filipino traits pa rin po."

OFFER FROM OTHER NETWORK. Bago ang Party Pilipinas, may mga lumabas na balitang kesyo may offer daw ang TV5 kay Jay-R na maging part ng katapat nilang show ngayon tuwing Linggo, ang P.O.5. When Jay-R was asked about this during the press conference of Take Me Out, he had no idea about it.

"Well, ang kontrata ko po sa GMA, hanggang July pa po. So, sa tingin ko po, hindi," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may attempt ba na mag-offer sa kanya?

"Yun ang hindi ko alam kay Arnold [Vegafria, his manager]. Narinig ko sa chismis. Pero si Arnold, yung manager ko, si ALV, he doesn't talk to me about that. Maybe he doesn't want me to get excited about anything."

Pero mae-excite ba siya if ever there was really an offer?

"Mae-excite po ako siyempre. Ibig sabihin nun na hot pa rin ako. Na gusto pa rin ako. Maganda yun para sa confidence ko," pag-amin ni Jay-R.

Pero ayon kay Jay-R, it doesn't mean naman na lilipat siya kung may offer man sa kanya ang ibang network.

"Wala naman po kasi akong complaint dito sa GMA. Happy naman po ako dito," aniya.

There was also a talk before na may offer din sa kanya noon ang ABS-CBN, but he still chose to remain a Kapuso. Bakit nga ba?

"I'm a big fan of loyalty. I believe on loyalty talaga. That's what my parents taught me. Na kapag loyal ka, talagang marerespeto ka ng tao. So, yun ang desisyon ko. Kahit malaking offer dito, mas importante sa akin ang loyalty," saad ni Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN