Andi Eigenmann is the newest Regal baby

IMAGE 0


"I feel so lucky. I'm blessed dahil kahit baguhan lang ako, na-notice na ako at gagawa ng movie sa Regal. Before I entered showbiz, gusto ko na talagang gumawa ng pelikula, tapos ngayon sa Regal pa ako gagawa. I watched so many Regal movies when I was growing up and I really want to be part of a Regal movie," says Andi Eigenmann about signing a three-picture contract with Regal Entertainment. (Inset photo shows Andi with Regal bosses Roselle and Lily Montev


Red lipstick and red top ang suot ni Andi Eigenmann nang dumating siya sa Imperial Palace Suites kagabi, April 20, para sa contract signing niya sa Regal Entertainment. Si Andi na kasi ang pinakabagong Regal baby.

Bago dumating ang young actress, kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mag-inang Lily and Roselle Monteverde at inalam namin sa kanila kung bakit nila pinapirma ng movie contract si Andi sa kanilang movie outfit.

Si Mother Lily ang unang sumagot, at obvious sa boses at facial expression nito ang excitement na gagawa ng movie sa Regal si Andi. Sabi nito, "I'm a big fan of her. Every night, kahit saan ako, I have to go home to watch Agua Bendita. Noon ko pa sinasabi kay Roselle to get her at bakit hindi pa niya pinapa-sign ng kontrata."

Ayon naman kay Roselle, kita nila ang potential ni Andi. Iba raw ang dating nito, bubbly, at pinapanood din niya ito sa Agua Bendita.

LINEUP OF MOVIES. Three-picture non-exclusive contract ang pinirmahang kontrata ni Andi para sa Regal. Kasama niya sa contract signing ang mga manager ng Icon Productions, isa na si Atty. Bebong Muñoz, na ex-boyfriend ni Jolina Magdangal.

Isa sa pelikulang gagawin ni Andi ay makakasama niya sina Eugene Domingo at John "Sweet" Lapus. Hindi muna namin isinulat ang title ng movie dahil papalitan pa raw ito at ayaw ni Mother Lily ng title ng movie ngayon.

Kay Andi rin ibibigay ang role ni Dina Bonnevie sa remake ng Temptation Island (1980).Bida rin siya sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll XII na intended for the 2010 Metro Manila Film Festival. Napag-usapan din ang remake ng Problem Child (1980) na ginawa noon ni Cherie Gil, na tita ni Andi. Napanood daw ito ni Andi at open naman siyang gawin ito.

Kung matutuloy ang Problem Child, apat na ang pelikulang gagawin ni Andi sa Regal. Baka madagdagan pa nga dahil given a choice, gusto rin ng young actress na i-remake ang movie ng inang si Jaclyn Jose, ang Olongapo: The Great American Dream (1987).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW REGAL BABY. Ano ang masasabi ni Andi ngayong Regal baby na siya?

"Siyempre happy," nakangiting sabi niya. "I feel so lucky. I'm blessed dahil kahit baguhan lang ako, na-notice na ako at gagawa ng movie sa Regal. Before I entered showbiz, gusto ko na talagang gumawa ng pelikula, tapos ngayon sa Regal pa ako gagawa. I watched so many Regal movies when I was growing up and I really want to be part of a Regal movie. Thank you, Mother Lily."

Nabanggit ni Andi sina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales sa gusto niyang maging leading men. Magagaling na artista raw kasi ang mga ito, lalo na ang huli. Ina-admire niya raw si Jericho. Kahit na nga biniro ng press si Andi na Jericho is too old for her, ayaw pa rin nitong magpaawat.

"Why Jericho? I don't know. Maybe because noong bata pa ako, I watched Pangako sa 'Yo. I've met him in ASAP XV at parang matagal na siyang friend ng mom ko," sabi ng .

Sabi ni Andi, bukod sa Olongapo, gusto rin niyang i-remake ang Itanong sa Buwan (1988) ng kanyang mommy. Espesyal raw sa kanya ang movie na ito dahil dito nagkakilala ang parents niya na sina Jaclyn Jose at Mark Gil.

"I watched that movie, I love it, and it would be fun to do a remake. Pero dapat bagay sa guy ang makakapareha ko para bumagay din sa movie," wika ni Andi.

LONG-TIME DREAM. Kuwento ni Andi sa PEP, noon pa niya gustung-gustong mag-showbiz. Pero sabi raw ng parents niya ay tapusin muna niya ang high school, na ginawa naman niya. Graduate siya ng high school sa Miriam College.

Natawa kami nang sinabi ni Andi na: "Feeling ko, part talaga ako ng showbiz. Nasa puso ko na ang showbiz at hindi ko ito iiwan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Pero tatapusin ko pa rin ang college ko. I want to go either Ateneo or La Salle for B.S. Psychology, o gusto ko ring i-try ang Open University ng UP. Gusto ko ring mag-enroll ng Journalism, pero sa ibang country. Pinilit ko pa ang mom ko na sa Singapore ako mag-aral. For experience ng different culture at para ma-fulfill ang dream kong mag-travel."

IF REGINE GETS PREGNANT... Kinuha rin ng PEP kay Andi ang reaction nito sa nabanggit ni Regine Velasquez sa isang interview na kung maglilihi siya, sina Kim Chiu, Heart Evangelista, at Andi ang gusto niyang paglihian. Ano ang masasabi niya rito?

"Ay, sobrang nice naman to hear that. Nakaka-flatter! Salamat at nakakakilig malamang kilala ako ni Regine Velasquez," sagot ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN