Alex Gonzaga on Princess of TV5 tag: "Nakakahiya po."

IMAGE 0


"Sobrang saya ko sa TV5 kasi naisip ko kung hindi naman ako nandito sa TV5, kung nasa ibang network ako, hindi naman ako mabibigyan ng ganitong pagkakataon. Atsaka kung hindi rin ako nauna... Suwerte ko nauna ako rito sa TV5 kasi I don't think na ibibigay rin ito sa akin ng TV5 kung hindi ako nauna. So, happy ako at nagpapasalamat sa TV5. Kapatid ko na sila noon pa man," says Alex Gonzaga.


Aminado si Alex Gonzaga na naiilang at nahihiya siya sa tuwing tinatawag siyang "TV5's Princess." Kagabi nga, April 21, sa presscon ng bagong youth-oriented comedy show ng TV5 na BFGF ay muling ikinabit kay Alex ang title na ito. Halatang hindi mapakali si Alex at idinadaan na lang sa biro ang panunukso ng lahat nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

"Actually, ni-request ko yun. Sabi ko, 'Hindi ako pupunta dito [presscon] hangga't hindi n'yo ako tinatawag ng ganun,'" biro ni Alex. "Hindi, nahihiya po kasi ako. Kasi, di ba, usually kapag nasasabihan ka ng ganun, e, sobrang tagal mo na sa industry? Wala pa naman po ako...parang tatlong taon pa lang naman po ako [sa industriya]. Ayoko po munang isipin yun. Atsaka ang dami-dami namin dito sa TV5 para sabihan ako ng ganun. Nakakahiya po."

Aniya, marahil ikinakabit ang pangalan niya sa titulong iyon dahil isa siya sa mga nauna sa TV5 nang mag-overhaul ng programming at magpalit ng may-ari ang TV network.

"Siguro yun po ang pagkakaiba noon kasi nauna po kami dito nina IC [Mendoza], yung batch namin. Kaya siguro mas na-prioritize din po kami. Siguro dahil mas matagal na kaming nagtatrabaho dito," sabi ni Alex.

Ano ang feeling na lume-level na siya kina Kim Chiu at Kris Bernal sa pagiging prinsesa ng mga network na kinabibilangan nila?

"Ano yun? Wala namang ganun. 'K ' lahat ang simula ng pangalan nila, 'A' po ako," biro pa ni Alex. "Hindi naman ganun. Kasi si Kim Chiu ang dami na niyang napatunayan, at the same time with Kris, so ayoko pong sabihing lume-leveling na ako sa kanila kasi mas nakakahiya yun sa kanila. Siyempre, baka isipin nila hindi naman kami magka-level. Proud ako sa ibinibigay na importance sa akin ng TV5, pero ayoko namang sabihin na ka-level na nila ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOYAL KAPATID. Ang BFGF ang panglimang show ni Alex sa TV5 kabilang na ang Juicy, Lokomoko U, Everybody Hapi, at P.O.5. Sa lahat ng blessings at tagumpay na tinatamasa niya ngayon, malaki ang pasasalamat ni Alex sa TV5 sa pagbibigay sa kanya ng big break at opportunity na ipakita ang kanyang talent.

"Sobrang saya ko sa TV5 kasi naisip ko kung hindi naman ako nandito sa TV5, kung nasa ibang network ako, hindi naman ako mabibigyan ng ganitong pagkakataon. Atsaka kung hindi rin ako nauna... Suwerte ko nauna ako rito sa TV5 kasi I don't think na ibibigay rin ito sa akin ng TV5 kung hindi ako nauna. So, happy ako at nagpapasalamat sa TV5. Kapatid ko na sila noon pa man."

Ibig ba niyang sabihin kung nanatili siya sa ABS-CBN, kung saan siya nagsimula, ay hindi niya makukuha ang ganitong break?

"Siguro, pero nagpapasalamat din naman ako sa ABS kasi binigyan din naman nila ako ng projects noon. Atsaka hindi ako mapapansin ng TV5 kung hindi rin magaganda yung shows na nasamahan ko. Pero sa ABS kasi, mas maraming nauna sa akin, marami kasi sila doong stars. Siyempre, ayoko namang isingit ang sarili ko doon," sabi niya.

Masasabi niya ba na totoo ang kasabihang, "It pays to be loyal"?

"Actually, dito naman sa business na ito, hindi naman talaga pinag-uusapan ang loyalty kasi traba-trabaho lang. Pero para sa akin siguro, dahil ang TV5 ay bago pa lang, umuusbong pa lang siya na network, siguro tine-treasure nila yung loyalty. So, happy ako na naging loyal ako."

Mas okay ba sa kanya na magkahiwalay sila ng network ng kapatid niyang si Toni Gonzaga, na nasa ABS-CBN ngayon?

"Oo, mas okay din sa akin kasi, siyempre, pag pareho kayong network, parang lagi kang below sa shadow niya. Kasi marami na rin namang napatunayan ang ate ko. So, at least dito sa TV5, I'm making my own name. I'm trying my best, I'm growing kasama ng TV5. At least kahit papaano, although kapatid pa rin ako ni Toni, at least mayroon akong sariling ginagalawan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BISAYANG YAYA. Hindi ang BFGF ang unang youth-oriented show na nagawa ni Alex. Nauna na nga niyang ginawa sa ABS-CBN ang Let's Go, Gokada, at My Girl. Ano ang kaibahan ng BFGF?

"Kasi yung Let's Go, una sa lahat, it's about college life, yung buhay sa dorm. So, yung mga taong hindi nag-aaral, yung mga taong walang barkada hindi sila makaka-relate. Unlike dito sa BFGF na meron tayong rakista, meron tayong kasambahay. Kasi my role is Bisayang yaya. Ibig sabihin, kahit yung mga bata na hindi nakakapag-aral puwedeng-puwedeng maka-relate dito. Lalong-lalo na sa mga Bisaya, ginawa talaga ito para sa mga Bisaya, para sa lahat. 'Tapos ang dami pang ibang characters. Mas marami ring isyung pampamilya. So, mas malaki yung perspective niya, mas malaki yung nasasakop niyang audience na make-cater niya sa show kasi mas maraming makaka-relate," paliwanag ni Alex.

Bagong role para kay Alex ang pagganap na Bisayang yaya na si Claring. Hindi niya ba naisip na baka may ma-offend sa role niya?

"Hindi po. Kasi nakita ko naman yung role na positive naman at ipinapakita niya yung good traits ng mga Bisaya, e," sagot niya.

Paano niya pinaghahandaan at ginagawang makatotohanan ang role niya?

"Meron po kasing ibinigay na tutor sa amin. May nagga-guide sa amin na ganito ang ugali ng mga Bisaya, ganito ang way ng pagsasalita nila, yung expression, so yun. Atsaka maganda naman yung story."

Challenging ba sa kanya ang role niya?

"Natsa-challenge din po ako kasi mahilig akong um-adlib, e. Pero since hindi ko pa nga gamay yung pagbi-Bisaya, minsan tuloy hindi ako maka-adlib. Although ngayon, napag-aaralan ko na. Matagal na rin po kaming nagte-taping kaya nasasanay na rin akong mag-Bisaya. Pero yung comedy naman po, dati ko nang ginagawa kaya hindi na rin naman ako nahirapan talaga."

WORKING WITH KEAN. Ang first-time actor na si Kean Cipriano, bokalista ng bandang Callalily, ang leading man ni Alex sa BFGF. How is it working with Kean?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakabait ni Kean. Open-minded siya. Hindi ba minsan may mga musicians na hindi open-mided, hindi open sa mga suggestions? Si Kean very open siya, tumatanggap siya ng mga critic, tumatanggap siya ng suggestions. Sobrang pareho kami ng ugali," sabi ni Alex tungkol sa kanyang kapareha.

Ano ang mga pinagkakasunduan nila?

"Mahilig kaming mag-asaran. Mahilig kaming magkuwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay namin. Kasi magka-age din kami [22 years old], tapos marami kaming common friends. So, marami talaga kaming napag-uusapan."

Paano niya ide-describe si Kean as a beginner sa acting?

"Ang galing nga niya for a beginner. Parang natural siya, parang hindi umaarte. Tapos ang galing ng facial expression niya, yung mga mata niya umaarte rin. Supportive siya sa mga eksena. Natutuwa ako kasi hindi siya yung parang baguhan na tuturuan mo."

Dahil nakakatrabaho na niya si Kean, paano niya ito ipagtatanggol sa mga isyu na pasaway, mayabang, at bastos?

"Hindi po pasaway si Kean," diin ni Alex. "Doon nga sa isyu sa kanya na bastos, ipagtatanggol ko lang si Kean dahil kilala ko naman po yung tao. Wala naman po siyang sinasabing anything against other people. Wala siyang sinasabing bad against sa mga umaaway sa kanya. Siguro kasi hindi naman talaga siya artista kaya hindi niya po alam kung kailangan civil, kailangan friends mo lahat. Hindi po kasi siya plastic.

"Siguro let's just give it to him na bago pa lang siya sa showbiz, especially sa pag-arte. Nangangapa pa lang siya. Pero I know naman na hindi niya talaga intensiyon na masamain yung mga ganun. Si Kean kasi nasanay siya na parang rock star, rakista kasi, e. Although pinagsabihan ko na siya na yung isyu niya ngayon, medyo maselan. So, sabi ko, 'Dapat medyo ingat ka sa mga ikinikilos mo, sa mga sinasabi mo. Dapat maganda ang pakiharap sa mga press. Prove them wrong na hindi ka ganun.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING CLOSER TO KEAN. Handa na ba siyang ma-link kay Kean dahil sila nga ang magka-lovetam sa BFGF?

"Ang tanong, handa na ba si Mommy Pinty [mommy ni Alex]? Okay naman, mabait naman si Kean. Wala naman problema doon. If ma-link man ako sa kanya, ibig sabihin malaki ang impact ng show, why not?" sagot niya.

Saying that, handa na rin ba siyang pagselosan ng ibang babaeng nali-link kay Kean?


"Sino bang magseselos? Feeling ko naman wala naman kaming ginagawang masama ni Kean, so walang dapat ipagselos. And I think single naman siya."

Masasabi niya bang posibleng ma-in love siya kay Kean?

"Kasi mabait naman si Kean. Guwapo naman si Kean. Right now kasi, wala pa akong nakikitang bad traits niya siguro dahil bago pa lang kami. Ayoko namang sabihin na ayoko kay Kean tapos kami na pala ni Kean. Basta walang magagalit, siguro okay lang."

Araw-araw ba silang nagte-text ngayon?

"Slight. Mga ganun-ganun lang, nothing serious pa naman."

Bukod kina Alex at Kean, kasama rin sa BFGF sina Chris Cayzer, Angelo Patrimonio, Zyrus Desamparado, JR de Guzman, Nico Ibaviosa, Alyanna and Anykka Asistio, Louise delos Reyes, Dianne Medina, at John Manalo, with Tuesday Vargas and Ramon Christopher.

Directed by Joyce Bernal, ang BFGF ay mapapanood every Sunday, 4 p.m., sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN