Kean Cipriano on "snubbing" incident with Arci Muñoz: "I was really caught off guard."

IMAGE 0


"Parang gusto ko, ako pa rin si Kean ng Callalily. Hindi ko tatanggalin yun sa sarili ko. It's something I can be proud of. Siguro naman, I can do two things at the same time," says Kean Cipriano about being the lead vocalist of Callalily and acting on TV5 at the same time.


Nagkaroon ng press conference ang bagong youth-oriented show ng TV5 na BFGF kagabi, April 21, sa Celsius bar sa Tomas Morato, Quezon City. Dalawang beses nag-perform ang bandang Callalily na pinangungunahan ng lead singer nitong si Kean Cipriano, na siya ring bidang lalake sa BFGF at mapapanood tuwing Linggo, 4 p.m.

During the question-and-answer portion, Kean was asked how it feels to perform as an actor in front of the camera instead of singing with his band?

"Noong una, nailang ako. Parang hindi ko alam kung paano ako gagalaw. Pero noong makasama ko na yung cast, naging palagay na rin, enjoy na ako," sagot niya.

Sa pagpayag niyang maging bida sa BFGF, simula na ba ito ng career niya sa pag-arte? Lalo pa nga't sa recent issues tungkol sa kanya, nakikilala na rin siya ng tao hindi lamang bilang lead singer ng Callalily kung hindi dahil sa sariling pangalan niya?

"I don't really know," sabi ni Kean. "Parang gusto ko, ako pa rin si Kean ng Callalily. Hindi ko tatanggalin yun sa sarili ko. It's something I can be proud of. Siguro naman, I can do two things at the same time."


GIRLFRIENDS FROM SHOWBIZ. Naging kontrobersiyal ang pangalan ni Kean dahil sa sunud-sunod na pagkaka-link niya at pagkakaroon ng relasyon sa iba't ibang female celebrities. Prior to his rumored love triangle with ex-girlfriend Arci Muñoz and Rachelle Ann Go (although Rachelle has denied this several times), Kean was first linked to Danita Paner, ang adopted daughter ng former actress na si Daisy Romualdez.

When asked about this, Kean just said, "Well, it's a new chapter now. It happened naman sa relasyon na naghihiwalay ang tao."

Totoo bang nagtanan sila noon ni Danita?

"Wala na ako noon nang nangyari yun sa kanila ng mom niya," sagot ni Kean, na ang ibig sabihin ay break na sila ni Danita nang lumayas ang huli sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ka-loveteam ni Kean sa BFGF ay si Alex Gonzaga. Hindi nakaligtas sa paningin ng entertainment press na halos sa kabuuan ng presscon na nakatayo sila for the interview ay nakaakbay si Kean kay Alex.

Posible kayang si Alex na ang susunod niyang magiging girlfriend after Danita and Arci—na mga kumpirmadong naging girlfriends niya sa showbiz?

"Ako, relax lang ako ngayon. Relax na 'ko. Looking forward lang sa future," paiwas na sagot ni Kean.

Nabitin naman ang ilang press na gusto sanang malaman ang totoong nangyari at saloobin ni Kean sa naging encounter nila ni Arci sa backstage ng Earth Day Concert na ipinakita sa Showbiz Central noong Linggo. (CLICK HERE to read related story.)

Sa video ay hindi man lang pinag-ukulan ng pansin ni Kean ang kanyang ex-girlfriend who was there to interview celebrities for the Startalk segment.

Nang tanungin si Kean tungkol sa isyung ito, obvious na ayaw niyang mag-elaborate pa. Ang bukod-tanging nasabi lang niya ay: "Yung nangyaring yun, wala akong bad intention. Pangalawa, I was really caught off guard. Pangatlo, that was all about it."

Pagkatapos ng Q&A ay in-announce na hindi na maaaring mag-stay si Kean. Nagmamadali na itong umalis agad dahil may show pa raw ang banda nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN