Newcomer Alyanna Asistio approves of Mark Herras for her sister Ynna

IMAGE 0


"Napakalaking tulong po sa akin, na madali akong nakikilala, sobrang laki po. Pero gusto ko kasi mag-start na sarili kong ano, ng my own name po. Pero siyempre, thankful din po ako na iyon nga po, using my mom and my dad's name din po," says 16-year-old Alyanna Asistio about having celebrity parents.


Very first showbiz exposure ni Alyanna Asistio ang teen-comedy program ng TV5 na BFGF. Ayon kay Alyanna, na anak ng dating aktres na si Nadia Montenegro, wala raw gaanong pagkakaiba sa ibang newcomers na hindi anak ng artista ang pagiging anak niya ng isang artista.

"Ay, wala naman po kasi sa akin 'yon. Ang advantage lang po siguro na masasabi ko, since artista dati si Mommy, alam niya ang sistema, yung mga puyatan. Kaya ano po, nandun lang po siya kapag kailangan namin, willing siya. Kunwari umabot na kami ng umaga sa taping, nandun pa rin siya," sabi ni Alyanna sa presscon ng BFGF kagabi, April 21, sa Celsius Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Combination nga si Alyana ng showbiz at pulitika dahil ang ama naman niya ay ang dating Caloocan City mayor na si Macario "Boy" Asistio Jr.

"Oo nga po," sambit ng 16-year-old newcomer. "Yung ganun naman po, napakalaking tulong po sa akin, na madali akong nakikilala, sobrang laki po. Pero gusto ko kasi mag-start na sarili kong ano, ng my own name po. Pero siyempre, thankful din po ako na iyon nga po, using my mom and my dad's name din po."

Wala rin daw silang sibling rivalry ng kanyang ate na si Ynna Asistio, na artista naman ng GMA-7.

"Wala po. Tumutulong nga po siya sa akin," sabi ni Alyanna.

MARK IS LIKE FAMILY. Close din daw si Alyanna kay Mark Herras, ang napapabalitang special someone ng kanyang Ate Ynna. Boto raw si Alyanna kay Mark para sa ate niya.

"Kasi po, sa mga naikuwento ng ate ko na mga nanligaw sa kanya, si Mark lang po yung nakita ko na ganun kaseryoso, na nagbago para sa family namin. Mabait po siya, maaasahan. As in sa lahat po, kasi konting text mo lang na, 'Mark, may problema sa ganyan,' pupunta siya sa bahay. 'Mark, birthday ni ganyan,' nasa bahay po agad siya. So, sobrang bait niya 'tsaka alam po niyang nandiyan si Mommy, nakakausap niya si Mommy pag may problema siya," kuwento ni Alyanna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas din daw na kumakain sa bahay nila si Mark.

"Opo, e, malakas pong kumain si Mark!" tumatawang pahayag ni Alyanna.

Pero lagi rin naman daw may dalang pagkain si Mark kapag pumupunta sa bahay nila.

"Opo, opo, laging may dalang merienda yun sa amin."

In return naman daw sa kabaitan ni Mark, ipinagluluto ng kanyang mommy ang binata kapag bumibista sa bahay nila.

"Nilulutuan po rin siya ni Mommy. Pero minsan nagda-diet po, e. Sasabihin niya, 'Nay, tama na!'"

At dito nga nalaman ng PEP na "Inay" pala ang tawag ni Mark kay Nadia.

MOTHER'S ADVICE. Speaking of her mother, ano na ang mga naipayo ng kanyang mommy sa pagpasok niya sa pag-aartista?

"Ano po, just be yourself. Hindi po kailangang mag-pretend, yung hindi ikaw kapag may kasamang ibang artista para maka-fit in ka. So, itinuro po niya sa amin na kung anong klase kang tao, tatanggapin ka ng mga tao kung ano ka. Hindi mo na kailangang iarte pa porke't artista ka, na ang arte mo sa ibang tao. Dapat kung ano ka talaga. So, 'yon ang natutunan ko sa kanya."

Ang mga idol ni Alyanna sa showbiz ay ang Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos at ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Ang BFGF ay napapanood tuwing Linggo, alas kuwatro ng hapon, sa TV5. Bida rito sina Alex Gonzaga at Kean Cipriano ng Callalily.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN