American police officer makes Pokwang happy nowadays

IMAGE 0


"Ay, naku, ini-enjoy ko lang yung mga moment na ganito, yung kinikilig lang. Pero hindi mo alam kung ano talaga yung kalalabasan, di ba?" says comedienne Pokwang about her relationship with American police officer Ryan Navarro whom she met in Dallas, Texas.


Feeling ni comedienne Pokwang, ang haba-haba ng buhok niya! Kasi may isang foreigner na nagkagusto sa kanya nang mag-show siya sa U.S. kamakailan, kasama ang ilang co-talents niya sa ABS-CBN Star Magic. Siya ang police officer na si Ryan Navarro.

"Sa show namin sa Dallas, dun kami nagkakilala nang bonggang-bongga after ng show. Nanood siya ng show nung time na naka-duty siya. Natuwa siya siguro sa pinag-aarte ko sa stage, although hindi naman niya naiintindihan. And then after that, may inutusan siya, yung isa sa mga producers namin, nakisuyo siya para manghingi ng autograph sa akin. Tapos binigay niya yung number niya," kuwento ni Pokwang sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa isang tsikahan last Wednesday, April 21.

After daw nilang magkakilala ay nakipag-date na si Pokwang kay Ryan kinabukasan.

"May free day kami kasi uuwi na kami the next day. Lumabas kami, may dalawang kasama ako from Star Magic. So yun, nag-bonding kami," aniya.

May communication pa rin ba sila ni Ryan?

"Tinatawagan niya ako, tapos nagti-text siya," tila kinikilig pang sabi ng komedyana.

Ano ang mga sinasabi ni Ryan sa kanya?

"Hindi ko maintindihan kasi English, e!" tawa ni Pokwang

Nagpaparamdam na ba si Ryan sa kanya?

"Ay, naku, ini-enjoy ko lang yung mga moment na ganito, yung kinikilig lang. Pero hindi mo alam kung ano talaga yung kalalabasan, di ba?"

May plano ba naman si Ryan na dalawin siya sa Pilipinas?

"Oo. Hinihintay niya lang yung schedule ko. Ayaw niyang sumabay sa trabaho ko. Gusto niya kung kelan ako maluwag, dun siya pupunta rito," sabi ni Pokwang.

Kahit paano ay may nalalaman naman daw si Ryan tungkol sa Pilipinas dahil nagbabasa siya tungkol dito.

"Gusto niyang pumunta sa Corregidor [historical site sa Bataan]," banggit ni Pokwang.

So, sasamahan niya sa Corregidor si Ryan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tingnan natin. Kung wala naman tayong gagawin o ano, why not, di ba?"

So talagang maglalaan siya ng oras para kay Ryan?

"Ay, aarte pa?" tawa na naman ni Pokwang

POKWANG'S DAUGHTER. May anak na teenager na babae si Pokwang. Ano ang reaksiyon ng anak niya nang malaman nitong may admirer na naman siyang isang foreigner after ng isang Canadian?

"Ay, dumi-dedma siya nang bonggang-bongga. Siyempre, hindi siya natutuwa. Alam mo naman, teenager na, di ba, kaya umaarte nang bonggang-bongga?"

Ayaw ng anak niya na magkaroon siya ng bagong karelasyon?

"Ayaw niya, sa nakikita ko. Sabi niya, 'Sino na naman 'yan?'"

Wala ba silang pag-uusap ng anak niya para maipaliwanag dito na kailangan din naman niya na muling magmahal?

"Natatawa lang siya nang mapanood niya yung balita sa SNN. Sabi niya, 'Ayan ka na naman?' Kasi naalala niya yung Canadian dati, di ba? 'Tapos sabi niya, 'Hmp, tapos wala na naman 'yan,'" sabi niya.

Bakit panay foreigner yata ang nagkakagusto sa kanya?

"E, ganoon talaga pag exotic," sagot naman ni Pokwang.

Pinapangarap pa rin ba niya na mag-asawa?

''Oo naman, di ba? Hindi naman tayo bumabata nang bonggang-bonga. E kung dumating yung tamang lalake 'saka tamang panahon, why not, di ba?"

Ipinapaliwanag ba niya sa anak niya na kailangan pa rin niyang mag-asawa o muling makipagrelasyon?

'"Oo. Kaya lang siyempre, minsan hindi mo pa rin makukumbinsi nang bongang-bongga."

Dahil ba selosa ang anak niya?

"Oo, kasi nag-iisa na lang siya, di ba? E, siyempre, nasanay na yung atensiyon ko lagi sa kanya lang,"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN