Dolphy on former home network ABS-CBN: "They are still my family."

IMAGE 0


"Kahit na extra, papayag akong gawin sa ABS-CBN 2 dahil gano'n ko sila kamahal. But we all have to move on. 'Ika nga nila, doon tayo sa puwede tayong magkaroon ng trabaho. Yun lang naman ang hanap ng katawan ko," said TV5's prized Kapatid, Dolphy, seated center with the cast of Pidol's Wonderland.


Umeere na every weekend sa TV5 ang sitcom ng Comedy King na si Dolphy, ang Pidol's Wonderland. Isa itong comedy-fantasy series mula sa direksyon ng anak na si Eric Quizon, at kasama sa cast ang dalawa pang anak na si Jeffrey Quizon at si Vandolph Quizon at ang asawa nitong si Jenny. Ang iba pang castmates ay sina Brod Pete, Long Mejia, Joy Viado and Arianna Barouk.

Natutuwa nga si Tito Dolphy dahil muli na naman siyang napapanood sa telebisyon after almost three years. Ang huli niyang TV show ay ang John En Shirley sa ABS-CBN.

"After nga noong John En Shirley," kuwento ni Tito Dolphy sa kanyang presscon sa Milky Way Restaurant sa Makati City kahapon, April 23, "may sinimulan na ako na isang parang drama series titled Utoy. Nakapag-taping na kami noon pa pero biglang natigil. Hindi ko rin alam ang dahilan pero sabi nila may problema raw sa takbo ng script kaya parang iibahin nila.

"Hanggang sa nabalitaan ko na lang na na-shelve na ang project. Kasi nga naman nagsimula kami, bata pa si Makisig Morales. E, ngayon, binata na siya. Nanliligaw na nga, e. Kaya tinanggap ko na lang na wala na yung project."

"NASA KANILA ANG PUSO KO." Pero kahit hindi siya nabigyan ng bagong project ng ABS-CBN, wala raw siyang tampo rito dahil kalahati ng buhay niya ay nanilbihan siya sa naturang TV network. Kabilang sa mga naging shows niya sa ABS-CBN ay ang Tarantang-Tangtang, Buhay Artista, Home Along Da Riles, Home Along Da Airport, Quizon Avenue, John En Shirley, at nagkaroon siya ng guest role sa May Bukas Pa.

"Mahal ko ang mga tao sa ABS-CBN 2. Nasa kanila ang puso ko. Half of my life ay nasa pagbigay ko ng serbisyo sa kanila. Kaya kahit wala akong show sa kanila ngayon, they are still my family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagbiro nga ako, e. Kahit na extra, papayag akong gawin sa ABS-CBN 2 dahil gano'n ko sila kamahal. But we all have to move on. 'Ika nga nila, doon tayo sa puwede tayong magkaroon ng trabaho.

"Yun lang naman ang hanap ng katawan ko. Gusto ko ay lagi akong kumikilos at nagtatrabaho. Parang kotse 'yan, e. Kapag hindi mo pinapaandar ang isang kotse, kahit na bago pa ang mga makina niyan, masisira dahil hindi kumikilos.

"Sa buong buhay ko naman, lagi na lang ang hiling ko ay ang magkatrabaho. Alam niyo naman, marami pa tayong binubuhay at umaasa sa atin. Kaya nagpapasalamat ako sa TV5 dahil maganda ang binigay nilang trabaho. Kumbaga, it's worth the wait. Masaya ako sa project na binigay nila sa akin at sa mga anak ko," ngiti pa niya.

NEW IDEAS. Puwede naman daw lumabas pa si Tito Dolphy sa ABS-CBN dahil non-exclusive contract ang pinirmahan niya sa TV5. Nasa usapan naman daw nila na hindi siya pipigilan na lumabas sa Dos kung may magandang alok.

"Maayos naman silang kausap. Alam naman nila kunsaan ang puso ko talaga. Nirerespeto nila ang mga gusto ko. And I am very grateful sa TV5 kasi nga nag-conceptualize pa sila ng show para sa akin. Kaya nga pumayag akong gumawa sa kanila dahil maganda ang mga pinakita at pinaramdam nila sa akin.

"Maraming plano ang TV5 at sana nga ay suportahan natin sila dahil bago ang mga ideas nila. At marami kaming nabigyan pa ng trabaho dito sa network nila," ngiti pa ni Mang Dolphy.

Sa Pidol's Wonderland, may-ari si Tito Dolphy (bilang Mang Pidol) ng isang curio shop sa downtown Manila at nagkakaroon siya ng storytelling sessions sa kanyang mga kasamahan sa lugar. Buhay ang mga kuwento sa isipan ng mga nakikinig sa kanya at nagiging participant sila sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Comedy, light drama at fantasy ang takbo ng show namin. May part na totoong buhay kasi may pamilya ako sa show tapos may part na fantasy dahil nga sa mga kuwento ko na nagkakatotoo sa isipan naming lahat," sabi ng Comedy King.

JUST FOR DOLPHY. Ang maganda raw ay wala silang problema sa pagkuha ng mga magiging guest sa kanyang show.

"Yun din naman ang ikinakatuwa ko... Pumapayag sila kaagad kapag sinabi ngang show ko.

"Open naman sila sa lahat ng artista. Mapa-ABS-CBN 2 or GMA-7, tinatanggap nila. Hindi ba mas maganda iyon? Walang problema at masaya ang lahat dahil may magandang trabaho tayo."

Ang episode this Sunday ay may title na "Ningning Sinungaling." Tungkol ito sa isang bata na nag-iilusyon na mayaman siya at nagsisinungaling siya sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya alam na may isang misteryosang babae na kukulamin siya. Sa bawat kasinungalingan niya ay hahaba ang kanyang ilong, tenga at baba.

Ang mga guest nila nitong Linggo ay sina Lovely Rivero, Sammy Lagmay at Sweet Ramos. Mapapanood ang Pidol's Wonderland every Sunday, 6:30 p.m. sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN