Ruffa Gutierrez shrugs off issue that John Lloyd Cruz did not attend Star Awards to avoid her

IMAGE 0


"Alam mo, in life, anything is possible, so I can't really close the doors. Ayokong kainin yung salita ko with anyone. But as of now, hindi ko pa naiisip yun," says Ruffa Gutierrez when asked about possible reconciliation with Yilmaz Bektas.


Isa sa mga host ng katatapos lang na Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Ruffa Gutierrez, along with Boy Abunda at Lorna Tolentino. Pero isang isyu ang lumulutang ngayon na diumano'y kaya hindi pumunta si John Lloyd Cruz sa awards night ay para umiwas sa dating nali-link sa aktor na si Ruffa. Hindi tuloy natanggap nang personal ng aktor ang kanyang Best Actor award para sa pelikulang In My Life, na humakot ng major awards. (CLICK HERE to read related story.)

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Ruffa kahapon, April 25, sa dressing room pagkatapos ng showbiz talk show niya sa TV5, ang Paparazzi, at dito ay sinagot ni Ruffa ang isyung ito gayundin ang iba pang intriga sa kanya.

Totoo bang hindi raw um-attend ng awards night si John Lloyd para iwasan siya?

"Is it confirmed?" balik-tanong ni Ruffa sa mga press. "Alam mo mahirap naman for me to presume that. Mahirap naman for me to presume anything. You know, ang sinabi ng tumanggap ng award, may sakit siya. I don't think there's an issue naman, e. I was there because I was doing my job."

Diumano'y may tao raw mula sa kampo ni John Lloyd na nagtanong sa taga-PMPC ilang oras bago ang awards night kung anong oras daw kailangan si John Lloyd. Sinabi ng taga-PMPC na about 9 p.m. Pero noong kalagitnaan na ng awards night, biglang nagpasabi na nilalagnat na raw si John Lloyd.

Bakit kaya biglang nagbago ang isip ni John Lloyd? Naniniwala ba si Ruffa na may nagbawal daw kay John Lloyd na um-attend ng awards night?

"Alam mo, for me, that question should be asked to him. Ang importante I had fun hosting the show with Tito Boy na ang tagal ko nang hindi nakausap, and of course si Tita Lorna. Ang saya-saya namin backstage. So, kung sino man ang dumating at hindi dumating, that's not our responsibility anymore. Basta us, we did our jobs as hosts," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong malaman niya na may sakit si John Lloyd, ano ang reaksiyon niya?

"Ingat! Get well soon," sagot ni Ruffa.

Hindi ba siya nag-worry?

"Hindi naman, hello!"

Totoo bang nagtatatalon daw siya sa backstage nang matawag ang pangalan ni John Lloyd as Best Actor?

"Hindi naman. We were joking-joking lang sa backstage. Siyempre naman, inaaliw namin ang sarili namin dahil wala nang kape. Naghahanap kami ni Tita Lorna ng kape, walang kape. You know, we're just friends, huwag n'yo na kaming itukso-tukso," sabi ni Ruffa.

Pero happy ba siya na nanalo si John Lloyd?

"Oo, I think they are all deserving naman," sagot niya.

Kung saka-sakaling siya ang pinatanggap ng award ni John Lloyd on stage, tatanggapin niya ba ito? May mga pagkakataon kasing puwedeng ang host ang tumanggap ng award for the winner kapag absent.

"Hello, bakit? Siguro that's not ano...nakakahiya naman kung ako ang tatanggap."

YILMAZ BEKTAS. Sinagot din ni Ruffa ang diumano'y panliligaw raw ulit sa kanya ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas, kahit na nga nababalitang ikakasal na raw ito sa iba. Panay raw ang padala ng sweet text messages ni Yilmaz sa kanya.

"With Yilmaz, yes he has been very sweet lately. And I would rather have him sweet and kind and nice rather than galit siya. So, lately mabait siya sa akin sa mga text niya. And I guess it's better na mag-usap kami face to face," sabi ni Ruffa.

Totoo bang may "I love you" sa mga text ni Yilmaz sa kanya?

"Oo, I think that's normal naman kasi we have two kids naman. Yung 'I love you,' there's nothing wrong with that dahil may pinagsamahan naman kami. May dalawa kaming maliit na bulinggit na kadugo namin. So, dapat lang mahalin niya ako 'no! Binigyan ko siya ng dalawang magagandang girls, dalawang magagandang daughters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pag-"I love you ba" ni Yilmaz, gusto ba nitong makipagbalikan sa kanya?

"Well, he said things. But as of now kasi, ang hirap namang mag-usap sa text lang at medyo matagal na rin kaming hindi nagkita. Ang importante, we have respect for each other and we love each other as parents of our kids. Now, any romantic involvement—whether it's him or anyone—at this point I'd rather be single. I'm happy on my own and I want to keep it that way."

Open ba siya sa reconciliation with Yilmaz?

"Alam mo, in life, anything is possible, so I can't really close the doors. Ayokong kainin yung salita ko with anyone. But as of now, hindi ko pa naiisip yun."

Pipilitin niya ba si Yilmaz para aminin kung totoong magpapakasal ito kay 2006 Miss Universe Zuleyka Rivera Mendoza?

"Alam mo, whether he marries tomorrow or not, it's not my problem anymore," sagot ni Ruffa. "Kasi we already filed annulment a few months ago. So, whatever happens with our marriage, I think we've moved on and hindi na siguro dapat maging importante pa sa akin kung sino ang girls niya ngayon. Obviously, he's a goodlooking guy and he could get whoever he wants. So, it's not surprising na may idine-date siya. Mas magtataka ako na walang nali-link sa kanya. So, that's his right to be happy. Siyempre, I left Istanbul and he can't wait for me forever. I wish him luck wherever he is happy."

Pero may feeling ba siya na totoong magpapakasal na ulit si Yilmaz?

"I don't know. I have no idea. Maybe, I know he's dating. Well, I guess we just have to wait and see."

Ayaw raw magtanong ni Ruffa ng personal questions kay Yilmaz dahil baka gawin din ito ng ex-husband sa kanya.

"Hindi ako nagtatanong sa kanya at hindi rin siya nagtatanong ng personal questions sa akin. Which I think is fair. And I don't want him to start asking questions about my personal life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ba ng mga anak niyang sina Lorin at Venice ang tungkol kay Zuleyka?

"No, I think they're too young. And I don't want them to be involved in things like this. They love their father, they respect him. Hindi nila maiintindihan siguro yung sitwasyon namin ngayon. Pero alam kong balang araw maiintindihan din nila."

Paano kung dumating ng mas maaga na malaman na ng dalawang bata ang tungkol dito, ano ang gagawin niya?

"I have to ask my child psychiatrist kung paano ko sasabihin sa mga girls. You know, these issues are very touchy and ayoko namang sabihin lang sa kanila out of the blue. Kailangan dito ng careful planning. Kakausapin ko rin si Yilmaz kung ano ang gusto niyang iparating sa dalawang bata. You know, this is really our life na and the kids' future. This is not something na I can decide on my own or I can decide overnight."

PAPARAZZI. Sa kabila ng iba't ibang intriga, natutuwa naman si Ruffa sa kanyang bagong tahanan sa TV5. Ang ganda raw ng feedback sa mga show na kinabibilangan niya. Katulad na lang ng Paparazzi na every week ay tumataas daw ang ratings.

"I'm so happy and nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta sa Paparazzi. We have to understand na we are a newborn [show]. It's just our third episode. I'm so happy na tumataas ang ratings namin at nagugustuhan nila ang show and we're doing our best to try to really improve," sabi ni Ruffa.

Nagulat naman si Ruffa sa ilang negative comments sa show nila, lalo na sa dalawang co-hosts niya na sina Cristy Fermin at Dolly Anne Carvajal.

"Naloka nga ako sa negative comments kina Nay Cristy at kay Dolly Anne! But that goes to show na ang Paparazzi daw, ang sabi, wala kaming kinikilingan. So, whether it's bad or good, we think of it as constructive. Huwag naman yung mga name-calling. As long as the comments are constructive, we welcome them. At least nalalaman din ng mga viewers na nakakarating sa aming mga hosts yung mga feedback nila—both good and bad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang comment niya na sinasadya raw nilang magpakontrobersiyal ang show nila?

"Hindi naman. I think what it is, whether it's Kapamilya, Kapuso o Kapatid stars, wala kaming ginagawang promo. Kasi sometimes most of the guestings are promo, you're promoting a film, you're promoting a TV show. So, sa amin, walang promo and we're just discussing the issues. On my part, I try to be as positive as possible."

Bukod sa Paparazzi, mapapanood din si Ruffa sa 5-Star Specials tuwing Lunes 8 p.m., simula mamayang gabi, April 26, sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN