Angel Locsin says Chito Miranda is not a bad influence on her

IMAGE 0


"Gusto kong maging masayahing tao. Wala naman po akong ginagawang masama sa inyo, e. Pero wala, good vibes na lang ako. Ayoko nang mag-entertain ng mga negative...ayoko na ng mga negativity," says Angel Locsin. (Inset photo: Parokya Ni Edgar lead vocalist Chito Miranda, who is being linked to Angel.)


Magkasamang sinagot nina Angel Locsin at Chito Miranda, bokalista ng bandang Parokya ni Edgar, ang iba't ibang intrigang ipinupukol sa kanila sa interview ng The Buzz na ipinalabas kahapon, April 25. Bisita kasi ni Angel si Chito sa birthday celebration ng aktres, kasabay na rin ng grand opening ng kanyang resto-bar na Fuel-Up.

Angel celebrated her 25th birthday last April 23.

Noong una ay si Angel lang ang ini-interview, pero kaagad niyang tinawag si Chito para sabay silang humarap at linawin ang mga isyu.

Unang tanong ay kung nanliligaw ba talaga si Chito kay Angel?

"Ang tagal na, sobra!" pabirong sagot ni Chito. "Hindi, friends. Part of a big group."

Sa isyu namang ang bokalista diumano ang "bad influence" kay Angel, ito ang buwelta ng dalawa:

"Hindi ako BI kay Angel. BI ako sa lahat...best influence, hindi lang kay Gel," sagot ni Chito.

"Hindi BI 'yan, ha," segunda naman ni Angel.

ANGEL PLEADS. Sa patuloy na paglabas ng mga malisyosong balita tungkol sa kanya, may gusto namang sabihin si Angel sa mga naninira sa kanya.

"Hoy, positive naman tayo. Ano ba naman? Para masaya naman. Huwag n'yo naman akong iano...gawing depressed. Gusto kong maging masayahing tao. Wala naman po akong ginagawang masama sa inyo, e. Pero wala, good vibes na lang ako. Ayoko nang mag-entertain ng mga negative...ayoko na ng mga negativity," pakiusap ni Angel.

Maliban sa kanyang pamilya at mga kaibigan, sa kanyang bagong primetime teleserye raw sa ABS-CBN, ang Imortal, with John Lloy Cruz, nakatuon ang atensiyon ngayon ni Angel.

"Exciting kasi iba, e. Iba yung project talaga, e. Ano talaga siya, magical. I'm super looking forward working with Direk Chito [Roño], and, of course John Lloyd. Hinintay ko siya for almost one year. And now may chance na makatrabaho ko siya. Naiintriga ako sa kanya," masayang sabi ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN