LJ Reyes holds a baby shower a few days before flying to U.S.

IMAGE 0


LJ Reyes's friends outside of showbiz organized a baby shower for the young actress last Saturday, April 24, at the Linden Suites in Ortigas.


Isang linggo pagkatapos aminin ni LJ Reyes ang kanyang pagdadalang-tao, nagkaroon na siya ng baby shower last Saturday, April 24, na ginanap sa Linden Suites sa Ortigas, Pasig. Ang nag-organize ng baby shower para kay LJ ay ang kanyang non-showbiz friends na dinaluhan din ng mga kaibigan nila ng kasintahang si Paulo Avelino mula sa showbiz.

Over the phone ay nakausap ng mga host ng Showbiz Central si LJ kahapon, April 25, para kumustahin ang mga naganap sa kanyang baby shower.

"Okay naman siya," sabi ni LJ na halata ang kasiyahan sa kanyang tinig. "Actually, hindi naman siya bonggang-bonggang baby shower. Yung mga friends ko na non-showbiz, sila yung nagpasimuno ng parang small party lang naman for us. Tapos, sabi nila, kung meron akong gustong i-invite, invite ko na rin. Tapos sila yung actually nag-arrange most of it, tapos meron lang akong inputs na konti. Then, yung mga friends naming lahat, nandun sila."

Ano naman ang shower gifts na natanggap nila?

"Ang dami! Binuksan na namin kanina. Lahat ng ni-request ko, nandun!" natatawang sabi ni LJ.

Natatawang "Oo" naman ang sagot ni LJ nang tanungin kung hindi ba nakakapanibago na imbes na mga damit o accessories ang natatanggap niyang regalo, heto't mga feeding bottles at mga damit ng bata ang inireregalo sa kanya.

Sino sa showbiz friends niya ang mga nakarating?

"Nag-invite ako kaso marami ang hindi nakarating sa kanila kasi may trabaho. Pero dumaan naman si Say [Alonzo] at si Maxene [Magalona], nakarating sila. Pero marami sa kanila, may work, hindi sila umabot," sabi ni LJ.

Handa na raw si LJ sa kanyang pagpunta sa U.S. sa April 30 para doon na hintayin ang kanyang panganganak. May mga precaution ba na sinabi ang kanyang doctor na dapat niyang gawin pagbiyahe since anim na buwan na ang kanyang dinadala?

"Actually, may check-up pa ako soon. At kailangan kong i-clear sa airlines na okay ako to fly. Tapos yung mga gamit ko naman, papauna ko na sa States para wala na lang akong dala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paulo was at LJ's side when Showbiz Central was interviewing LJ. Kaya nahingan din nila ito ng send-off message naman para sa kanyang girlfriend.

"Take care and whatever happens, you know, I'll still be here. And I'll be following in a while and I'll also be there when the baby comes out. I love you," sabi ni Paulo kay LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN