Aubrey Miles cries foul over the spread of her locker-room photos

IMAGE 0


"Sana man lang, di ba, yung respeto na hindi naman puwedeng yung ganun lang. Sana man lang tinanong kami. Siguro trabaho nila yun. Wala naman akong magagawa, alam mo yun? Pero siyempre, hindi ako happy. Hindi ako happy sa ganito, para saan, di ba?" says Aubrey Miles about the publication of her photos while changing clothes inside a locker room.


Lumantad ang ilang larawan ni Aubrey Miles sa isang tabloid, na kumalat na rin sa Internet, kung saan nakitang nagbibihis siya sa isang locker room pagkatapos ng isang tennis game. Sa panayam sa kanya ng Showbiz Central ay sinabi ng dating sexy star na wala siyang ideya kung paano siya nakunan sa ganung sitwasyon.

"Hindi ko alam, I think three days ago... Kasi, halos every other day akong nagte-tennis. Tapos, hindi ko alam... Kasi kapag nagte-tennis ako, yun talaga ang outfit ko. Atsaka usually, marami talaga ang nagte-tennis dun. Hindi naman siya private na ano...malaki ang locker room dun.

"I think, alam ito ng ibang artista, sa mall or kahit nga nasa spa kami or gym, may mga nagpapa-picture kahit wala kaming makeup. Hindi ko alam kung paano napiktyuran kasi wala naman akong nakitang nagpi-picture sa akin," lahad ni Aubrey sa kanyang taped interview.

Pagkatapos makita ang mga larawan niya, hindi naitago ni Aubrey ang pagkadismaya.

Aniya, "Alam mo, hindi naman ako galit sa mga taong nag-a-ask ng picture, we appreciate it, hindi naman ako galit. Pero sana, kahit ganito lang, ma-appreciate nila na kahit nasa loob kami, like 'eto, medyo private, pagbigyan namin kayo, pagbigyan n'yo rin kami.

"Wala na lang sana yung mga ganyang shots. Sana man lang, maintindihan n'yo na medyo private stuff na yung mga ginagawa nila. Kasi puwede namang sa locker room naghuhubad, naglalakad kami. Parang na-insult nga ako, nanahimik ako, tapos heto."

Pakiusap ni Aubrey, kahit sabihin pang kilala siya bilang sexy star, respeto pa rin sa kanyang privacy.

"Sana man lang, di ba, yung respeto na hindi naman puwedeng yung ganun lang. Sana man lang tinanong kami. Siguro trabaho nila yun. Wala naman akong magagawa, alam mo yun? Pero siyempre, hindi ako happy. Hindi ako happy sa ganito, para saan, di ba?" saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Amidst the scandal, Aubrey learned something the hard way.

"Hindi naman sa matatakot ako, pero siguro mas safe lang, yung ganun. Pero parang na-offend lang ako. Sana hindi man lang nila ako ginanun para next time, alam naman nila, makikita ko ulit sila.

"Alam n'yo kung sino kayo. Let's see, sana makita ko kayo ulit. At next time, wala na tayong piktyuran. At sana respeto. Kung gusto n'yo akong kausapin, kausapin ko kayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN